Chapter Sixty Six- Missing Him

15 0 0
                                    

"Kumain ka, babe" kumuha siya ng steak at inilagay sa plato ko. Ngumiti lang ako pero di parin ginagalaw ang pagkain ko. Para akong natroma.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant kumakain ng lunch. Kakatapos lang ng ball kahapon kaya may 2 days rest kami.

"Kanina mo pa di kinakain ang pagkain mo, ah"

"Di ako gutom" sagot ko. Napangiwi lang ako habang sa pagkain ang pansin ko.

"Si Clifford nanaman ba yan?"

Napatingin ako sakanya. Napalunok ako at ngumiti ng pilitan.

"H-hinde" sinimulan ko ng i-slice ang steak ko at isinubo na ito. Ramdam ko parin ang tingin niya saakin sabay buntong hininga. Sorry, Enzo...

"Alam mo, kung ayaw mo saakin--"

"No. We'll work this out. Subukan lang natin, baka mafall ako sayo" sabay pagpatuloy ng pagkakain ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Doon lang ako napatingin sa kamay niya, at sa mata niyang puno ng sinseridad.

"Salamat," binitawan niya to at kumain ulit.

Ewan ko. Pero simula nung nakita ko si Clifford, bigla akong nagbago. Parang gusto ko siyang yakapin na parang gusto ko siyang makasama na ewan. Ang weird na eh. Walang minuto na hindi ko naiisip ang mga mukha niyang nagpaparangawa saakin. Gosh... ang laki ng Kapreng epekto nun saakin.

Nang natapos na kami, umalis na kami at lumibot libot muna sa mall.

"Doon tayo, oh!" turo niya sa isang store. Tumango ako. Tumungo kami doon ng napatigil ako ng nakita ko ang isang sulok. Yun yung sulok na tinaguan ko dati ng napahiya ako dahil sa lazy suit ko.

Napaluha ako.

Napangiti ako. Inabutan yun ako ni Kapre ng panyo. Ang amoy ng panyo niya... kilalang kilala ko na siya...

Grabe pala, walang araw na hindi ko sinisigawan si Kapre. Masaya kaya siya na ganun ako? Bakit niya ako minahal? Bakit... ako?

"May nakakatuwa ba sa sulok?" hinawakan niya siko ko.

"Ah, wala. Tara," nauna ako sa paglalakad at pumasok ng store.

Minsan, naaawa ako kay Enzo. Pilit ko man siyang mahalin pero wala parin ni katiting. Puro friendship ang bumabara. Pero kahit malabo... susubukan ko.

"Eto, bagay to sayo, oh" itinaas ko ang v-neck na shirt.

"Mmm, nice choice" kinuha niya to mula saakin at tinignan.

Lumibot pa ako para humanap para sakanya. Manlilibre nalang ako sakanya para makabawi man lang.

Nang nakita ko sa malayo si Clifford. Nakatayo habang may dalang dalawang ice capades. Napatulo luha ko. Mahilig siya ng ganito, mahilig siya bumili ng dalawang inumin para saakin at kanya. And im pretty sure, chocolate yun binili niya para saakin...

Nakatingin lang ako sakanya, itinaas niya ang isang icecapades na parang inaalok niya to saakin. Napangiti ako at pinahid luha ko.

"Okay ka lang?"

"Ahh.." natulala ako kay Enzo. Tinignan niya ang tinitignan ko kanina at kumunot ang noo niya ng makita niya sa Clifford sa malayo.

Iniwan niya ang shirt at lumabas kami ng store habang nakakapit ng mahigpit ang kamay niya sa bewang ko. Nagsalubungan kami ni Clifford.

"Hi," bati niya saakin. Saakin lang siya nakatingin at nakangisi na parang walang nangyaring drama kahapon.

"Hi" sagot ko. Iniabot niya ang ice capades na choco, kinuha ko ito at agad ng ni-sip. Namiss ko to >3> para akong haragan na grabe makasip. Ah... yummy.

Nagkasalubong ang mga kilay niya ng nakita niya ang kamay ni Enzo sa bewang ko. At last, napatingin din siya kay Enzo.

"Dude" iniabot niya ang palad niya. Tinignan to ni Enzo ng maigi at ni-shake din ito.

"Bat ka nandito?" seryosong tanong ni Enzo.

"Mall mo ba to? Bawal ba?" ngumisi siya.

My heart skipped a beat. Ang ngising yan. Ang nakakalokong ngisi niya. Miss na miss ko na yang ngisi na yan. Napangisi din ako habang nagsisip.

"Are you following us?"

"Hahaha! No no no." Tumawa siya at tumingin ulit saakin. Kung baga, parang ang dilim ng tingin niya kay Enzo pero pagdating saakin parang naging maliwanag.

"Musta ka na? Maliit," Giit niyam

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Tinawag niya akong Maliit. Ang sarap pakinggan. Matagal niya rin yun di nabigkas. Ang ganda ganda ng pagkasabi niya. Mababang mababa at giit na giit ang bawat letra nito.

"Ayos lang" nginitian ko siya. Ang weird ng feeling. Parang sobrang init ng katawan ko at hindi ako komportable. Kahapon galit ako pero ngayon ni isang butil, nawala ng bula.

"Maaari ba akong makisama?" pagpapaalam niya kay Enzo. Halatang ayaw niya. Mas hinigpitan niya ang paghawak niya sa bewang ko at mas nilapit ako sakanya.

"Sure" sagot niya. Pumunta sa side ko si Clifford. Habang naglalakad kami, bigla nalang ako hinila ni Enzo sa side niya para sila ang magkatabi ni Clifford. So siya na ngayon ang nasa gitna namin, di parin niya tinatanggal ang hawak niya sa bewang ko. Gawd.

Tumawa si Clifford,"...crazy" bulong niya.
"We need to go" biglang sabi ni Enzo.

"What?" nagulat si Clifford.

"We.need.to.go" he said slowly. Tumigil siya.

"Okay. Allison?" napatingin siya saakin. "Mmm?"

"Can you join me for a walk tomorrow?" Kumindat siya.

"No" sagot ni Enzo.

"Youre not Allison so shut your fcking mouth," he said.

We gasp. Whoa. Seryoso na siya. Walang emosyon ang nakikita namin pero bigla siyang ngumiti ng tinignan niya ako.

"So?" He ask sweetly.

"Sure" sagot ko. Napatingin saakin si Enzo sa gulat. Kumunot noo niya.

"Tomorrow, at 12:00 in the park? What do you say?"

"Okay" i answered uncomfortably.

Ngumiti siya at dinaanan na kami. Nakahinga na ako ng malalim. What a day.

"Bat ka pumayag?" hinarap niya ako.

"Bakit? Lalakad lang naman kami, di date" pagpapaliwanag ko.

"Pero--"

"Walang malisya. Were friends" hinalikan ko siya sa pisngi para maging okay na siya.

"Okay" nagblush siya at hinawakan kamay ko.

"Swerte ka, malakas ka saakin" bulong niya habang naglalakad kami pabalik sa parking lot. Tumawa ako.

Napatingin ako sa likod kung saan naglakad si Clifford palayo. Nakita ko siya nandun, nakapamulsa at nakatingin lang saakin habang nagsisip ng icecapades niya. Nakatitig lang siya saakin at bakas na bakas sa muha niya na nasasaktan siya ng sobra. Napangiwi ako.

Hay.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon