Chapter Eighty- Run Away With Me

8 0 0
                                    

"Paano mo nagawa yun, daddy?" Halos napapasigaw na ako sa harapan niya. Nandito kami ngayon sa office nila mommy at daddy. Nakatingin lang ako kay daddy habang nakakunot noo niyang pinagmamasdan ako.

"You dont have to know this"

"Yes i have to! Kailangang kailangan ko!" napaiyak nalang ako ng kusa.

"Baby, please dont cry" alalang sabi niya.

"Sabihin niyo nalang...bakit? Bakit pagpapatay pa talaga? At bakit nagkaroon ka ng lakas na loob na magpautos ng dalawang lalake para patayin sila sa mismong bahay pa nila!"

"Ano gusto mong gawin ko? Hayaan nalang na nabubuhay ang taong dahilan kung bakit naging baldado ang napakahalagang client?"

"Ano bang mahalaga sa client na yun dad?"

"Siya na ang pinakilalang client sa lahat ng kompanya at siya ang magpapayaman saatin ng husto"

"Ahh-- pinapatay mo sila dahil... sa yaman?"

Parang nadurog ang puso ko ng sinabi niyang yun. Napakawalang hiya ni daddy. Nagawa niyang magpapatay ng inosenteng parents kapalit sa pera? Yaman?

"Mas makilala ang kompanya natin--"

"I dont care about your company!" sabat ko habang nahihirapang labanan ang sarili kong daddy. May biglang pumasok sa door at gulat na gulat ang expression ni Mommy.

"Anong nangyayari dito?" lumapit siya saakin at pinahid luha ko.

"Bakit di niyo tanungin ang magaling niyong asawa" sabay labas ng office nila. Nadaanan ko si kuya.

"Ano ka dyan?" sarcastic na tanong niya habang ngumunguya ng bubble gum.

"Wala" dinaanan ko siya at naglock sa kwarto.

Grabe, iyak nalang ako ng iyak. Hindi ko inaasahan na kayang gawin ni daddy ang magpapatay. At sa lahat ng pwede niyang ipapatay, yung parents pa ng taong mahal ko. Dahil lang sa nabangga ng parents ni Clifford ang isang mahalagang client ay pinapatay niya na.

Mabuti naman kung namatay ang client na yun, baldado lang naman. Hindi Diyos si daddy para pumatay, wala siyang karapatan na tapusin ang buhay ng ibang tao.

"Maliit" unang sinabi niya ng tinawagan ko siya.

"Alam ko na ang lahat..."

"Talaga? A-ano daw?" Excited niyang tanong, mas naging alert ang boses niya.

"Pinapatay niya ang parents mo dahil naging baldado ang nabanggan ng parents mo, ang client na yun ay ang magpapayaman pa saamin ng husto"

Di siya nagsalita, alam kong gusto niyang magmura pero pinipigilan niya lang dahil alam niyang masasaktan ako kapag may sinabi siyang masama kay Daddy kaya tinuloy ko.

"Hindi na babalik ang client na yun sa kompanya namin kaya nagalit si Daddy...I-im sorry" lumuha nanaman ako.

"Shhhhhh..." rinig na rinig ko ang concern niya

"Sorry...ako na ang naghihingi ng paumanhin...sorry" umiyak na ako ng umiyak.

"No its okay...stop crying, please," narinig ko siyang suminghot. Whoa. Umiiyak din siya. Gusto ko siyang yakapin.

"Di ko na kaya Clifford...ang dami ng nangyayari sa buhay ko..."

"Ummm..." halatang nagiisip siya ng paraan.

"Please, Clifford...ayoko na, pagod na ako sa mga problema..."

"May isang paraan para lumigaya ka at di na kita ulit nakikitang nahihirapan at umiiyak...walang problema na darating sayo"

"Talaga? Ano yun?" medyo nabuhayan ako pero para akong naging statwa sa sunod na narinig kong sinabi niya.

"Run Away With Me..."

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon