Chapter Eighty Two- Its You And Me, Against Them All

10 0 0
                                    

Gumising ako at naamoy na ang mabangong pagkain. Yummy! Agad akong lumabas ng kwarto at nakitang may tao sa labas.

Nandon sina Daddy, Mommy at kuya sa sofa.

Fudge... How come?

Mabilis ang tibok ng puso ko. Napatingin sila saakin at kumunot ang noo. Nandun din si Clifford, inaya niya kamay ko. Tinanggap ko yun at hinila ako sa tabi niya.

"At nagtanan ka pa?" sigaw ni Mommy saakin. Napayuko ako sa sobrang hiya.

"Scouting pala?" sabat ni Kuya.

"At walangya naman tong lalakeng to, hiningi pa ang blessings namin para magpakasal?!"

Napatulala ako ng sandali. Napatingin ako kay Clifford. Ano daw? Kasal? Huh? Di nga namin yun napagusapan never in my whole life? Ano ba to?

"Yes, he just did that. Ang kapal ng mukha niyong dalawa"

"Daddy--"

"Wag mo ako madaddy daddy. Oo alam kong nakapatay ako ng tao, pero wag naman ganito anak, ang iiwanan mo kami"

"Di pa nga sapat to eh, dapat buhay din ang kapalit.." sabi ko.

"So sinasabi mong dapat mamatay na ako?" gulat na tanong ni Daddy.

Di pa ako nakasalita at isang napakalakas na sampal ang natanggap ko kay Daddy. Oo, sampal. First time akong nasampal ng ganun kalakas. Ang sakit sakit lang.

"How dare you!"

"Sorry...daddy..." umiyak ako habang mas hinihigpitan ni Clifford ang pagkakaakbay saakin.

"Sorry po pero wag niyo naman po sampalin ang anak niyo" sabi ni Clifford. Bigla din siyang sinuntok ni Daddy, inawat ni Kuya si Daddy habang ako inaalalayan si Clifford.

Di ko alam, nakatayo na pala kaming lahat.

"Daddy! Stop this!"

"Ikaw ang tumigil! Pinalaki ka naming mabait--"

"Oo! Yan ang ginagawa niyo saakin for fifteen years! Inalagaan niyo ako at pinalaki ng maayos pero kulang na kulang ang lahat ng nun dahil wala kayo sa tabi ko habang lumalaki ako!" napaiyak ako ng sobra sa harapan nilang lahat. Nagulat si Daddy at tila di maipaliwanag ang nasabi ko. Napako silang lahat.

"Yes, Daddy, ni minsan di niyo narinig saakin ang mga hiling na gusto ko, bigay kayo ng bigay, pero di niyo naman binibigay ang time niyo saaming magkakapatid. Yun ang hinihingi ko sainyo dati pa man... alam niyo bang sobra akong nasasaktan tuwing pinagaawayan niyo dati nila nanay kung ano ang paborito kong ulam? Ha! Dad, ang sinasabi ni Nanay ay menudo pero akala niyo adobo gusto ko... so tell me Dad, kilala niyo ba talaga ang anak na inalagaan niyo? Dahil simpleng paborito kong ulam lang ay di niyo alam dahil puro negosyo ang inaatupag niyo... ang sakit DAD! Na hanggang ngayon ay di niyo alam na menudo ang paborito ko..." calm na sabi ko. Ewan ko ba kung bakit napunta sa ulam.

Walang nagiimikan. Go! Itutuloy ko ito.

"Daddy...pagod na pagod na ako sa buhay ko... sariling magulang ko di man lang alam ang problemang dinadaanan ko. Nakidnap ako, nagkasakit, naospital pero lahat ba nun nagbago? Wala, bumalik lang rin kayo sa meeting meeting niyo..." walang tigil ang luha ko, nanginginig ang buong katawan ko na parang matutumba na ako anytime.

"Ni sarili kong family di alam na nagahasa ako"

They all gasp O_________O

"What?" di maipaliwanag ang expression nilang tatlo. Lumapit saakin si Mommy at hinaplos ang mukha ko.

"Totoo...ba?" napaluha na siya. Mas napaluha ako dahil nakikita ko sa harapan ko ang mommy ko na umiiyak.

"Opo, Mommy" napahawak ako sa bunganga ko para iwasan ang paghagulgol ko ng iyak. Niyakap ako ni Mommy na agad ding bumitaw si Clifford sa bewang ko.

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon