Chapter Seventy Five- Sampal Ni Lola

7 0 0
                                    

"Natanong mo na ba?" tanong ko habang kumakain kami ng chichirya ni Clifford. Nandito kami ngayon sa puntod ni Camille. Nagdala kami ng bulaklak at mga pagkain.

"Di eh. Sinabi ko lang na may girlfriend ako"

Nabuga ko ang juice na ininom ko. "ANO?!"

"Kaya sasama ka saakin mamaya para ipakilala kita"

"P-p-pero wala akong d-damit!"

"Dont worry, kahit ganyan ka lang okay na" ngumisi siya habang ako kinakabahan na ako.

"Kumanta ka" bigla niyang sabi. "Eh?" napatingin ako sakanya.

"Please" di siya nakatingin saakin. Nandito kami sa harapan ng puntod ni Camille, parang nakapicnic eh. May inuupuan kaming blanket at may mga pagkain.

"Sige" bumuntong hininga ako. "Chorus lang, ah?" sumulyap siya saakin at tumango habang di matago ang excited. Kumuha ako ng malalim na hininga. Here it goes.

I wanna fall inlove again, but this time with no regrets...

I wanna give it all again, but this time with no secrets...

Napatahimik siya habang marihin ang pagkinig niya. Actually, sinadya kong kantahin ito kasi para talaga to sakanya ang mga lyrics. At alam kong natatamaan siya.

I dont want just anyone, not anyone new, I wanna fall inlove again, with you~ with you~ with you~

Natapos na ako sa pagkanta at tinignan ang expression niya na sobrang pula. "Ayos ba?" natatawang tanong ko. Ngumisi siya pero di parin ako tinitignan.

"Ayos na ayos" napakamot siya at tinakpan ang mukha niya gamit ang kanan niyang palad.

"Bakit?"

"Nakakabighani ang boses mo...kung ikukumpara saakin...ah shet"

"Ano naman kung pangit boses mo?"

"Di tayo bagay..." nakatakip parin siya saakin. Binatukan ko siya.

"Para sa boses lang, ang pagibig ay hindi nabubuo sa ganda ng boses" -_____-

Napangiti siya. "Sana, isang araw makantahan kita. Mageensayo ako. Promise!" ngumiti siya at sabay nun ang paghalik niya sa labi ko ng mabilis. Nagulat ako.

"Bakit mo yun ginawa!" sigaw ko.

"Ang sarap tignan eh, lalo na kung natikman" he licked his lips. Binatukan ko siya ng napakalakas.

"AAAAH! JOKE LANG NAMAN!" Tumawa siya habang patuloy lang ako sa pagbabatok.

"Tama na! Ah! Hahalikan kita pag di ka tumigil!"

Napahinto ako at tumawa siya ng malakas. Nagpout ako, nakakainis! Pero di ko parin nalilimutan nung naghalikan kami kahapon. Grabe yun...ang hirap iexplain >\\\<

"Tara na?" tumayo na kami at niligpit ang gamit namin.

"Bye, Camille" sabay lakad namin palayo. Sumakay na ako sa motor niya at umandar na siya ng dahan dahan patungo sa bahay nila.

Expect ko na na maliit lang bahay nila, lalo ng nakita kong waiter pala siya sa five star hotel.

"Sorry kung maliit bahay namin" hiyang sabi niya.

"Korni mo. Di naman ako nanghuhusga"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papasok. Pagpasok ko, medyo masikip ang bahay nila. Sala agad, may dalawang sofa sa kanan at kaliwa at may tv naman sa gilid. May malaki ring cabinet na glass para makita ang mga pictures nila.

Pinapasok niya ako habang umiiwas ng tingin dahil alam kong nahihiya siya sa bahay nila.

Sa likod ng cabinet, andun na ang kusina na may maliit na table at dalawang chair. May maliit na ref at sink. Sa right side naman ay may pataas na hagdan. Nakita ko sa itaas na may dalawang pintuan, siguro kwarto yun ng lola niya at ni Clifford.

Umupo muna ako sofa. Biglang lumabas si Lola mula sa kwarto niya. Agad agad siyang ngumiti kay Clifford at niyakap ito.

Napatingin siya saakin. Maganda ang Lola niya. Medyo may white hair na at medyo kuba konti pero malakas parin. Smiling face din siya at ang tangos ng ilong at mas brown pa ang mata niya kaysa kay Kapre.

"Siya na ba?" tanong niya kay Clifford na nasa tabi niya. Napatayo ako at nagmano.

"Ay...mayaman to ah" ngumisi siya at parang ineexamine ang buong mukha ko. Ngumiti lang ako, nahihiya.

"La, naiilang na siya"

Tumawa si Lola at nagsorry din. "Ako nga po pala ang girlfriend ng apo niyo. Ako po si Classy Allison Cansey"

Parang nakakita siya ng multo ng binanggit ko ang pangalan ko. Nawala ang mga ngiti niya at nagkasalubong ang kilay niya.

May nasabi ba ako?!

"Cansey?" mahinang tanong niya. Tumango ako at tinignan ng weird si Clifford na naguguluhan din.

Di ko inasahan ang sunod na nangyari.

Sinampal ako ng Lola ni Clifford.

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon