Chapter Forty- Wala Eh, Mahal Ko

18 0 0
                                    

Pauwi na kami ng Kapreng to at hanggang ngayon ay di niya parin ako pinapansin.

"Uy. Ano bang problema mo?" niyugyog ko ang braso niya pero deretso lang tingin niya.

"Kausapin mo nga ako" mas niyugyog ko ang braso niya pero no reaction parin siya.

"Bahala ka nga," nauna ako sa paglalakad. Lakad ako ng lakad na di ko na napansin na nasa side ko na pala siya. Tumigil ako, tumigil din siya.

"Ano ba kasi?"

He shrugged.

"Wag mo akong sundan ah, uuwi na ako!" sigaw ko at lumakad sa opposite way. Hinigit niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya na nakapout.

"Pinagmukha mo akong tanga kanina" -3-

"Pfffft" napahawak ako sa bunganga ko para hindi tumawa.

"Kita mo yan! Pagtatawanan mo lang ako!" tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay niya.

"Kasi naman, masyado kang feeling" pagtetenta ko. Nagpout siya ulit.

"Mga babae nga naman, sila na nga may kasalanan ikaw pa dapat ang lalapit para lambingin..."

"Ano sabi mo?" -____-

"Wala wala" bumalik na ang aura niya at ngumisi na. "Nakakatakot naman tong babaeng to..." mahinang sabi niya pero inirapan ko lang siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad, mahilig siyang maglakad habang nakatingin sa langit at nakapikit ang mga mata niya (Similar photo of him, you can see at this chapter) naglakad lang kami ng may madaanan namin ang park.

"Ang ganda ng mga bata nu?" tinignan ko ang mga bata habang naglalaro.

"Gusto mo mga bata?" Nadidiring tanong niya.

"Oo, bakit may angal ka?" ^______-

"Wala nu" ngumisi nanaman siya.

"Gustuhin ko nalang..." he cussed. "Ano sabi mo? Lakasan mo nga!" sabi ko. Ngumisi nanaman siya saakin.

"Iuuwi na kita" inakbayan niya ako pero tinanggal ko agad ito.

"Wag ka ngang lumapit" inilayo ko siya saakin pero ngumisi lang siya.

Nakarating na kami sa bahay ko. Pumasok na ako. "Bye!"

Tinignan ko siya. Ngumisi lang siya -___-

Clifford's POV

Bumalik na ako ng nahatid ko na siya. Ang babaeng torotot. Ang ingay ingay. Lagi akong pinapagalitan at sinisigawan. Laging galit saakin.

Mga babae nga naman, sila na nga nilalambing, pakipot pa -___- tssk.

Napadaan ako sa park at tinignan ang mga batang sabi niya na maganda. Bumaba ako sa kotse at lumapot doon. Napamulsa ako at pinagmasdan ang mga bata.

Yung isa, kumakain ng ice cream na sobrang rumi ng bunganga, kakain kain di naman marunong. Yung isa naman naglalaro sa lupa, napakarumi na nga niya, ipaparumi niya pa sarili niya. Yung isa ang daming sipon na di naman tinatrapuhan, kaya nga naimbento mga panyo para punasan. Yung iba takbo ng takbo, masyado ng pawis at marusingun, nakakadiri na.

Ewan ko ba anong nakita niya sa mga batang to. Maganda? Pssh. Matuto kaya siyang magsalamin para malaman niya ang ibig sabihin ng maganda.

"Dude. Nandito ka?" nilingon ko kung sino. Si Enzo pala.

"Malamang" ngumisi ako. Ewan ko. Nung simula nung nakita ko yung torotot na babae, di ko na mapigilang ngumisi.

"Bakit nandito ka? Diba ayaw mo sa mga bata?" inakbayan niya ako.

"Tsssk. Ewan ko ba. Gusto niya raw mga bata pero sinusubukan ko namang gustuhin sila di ko lang talaga maintindihan kung anong nagustuhan niya sa mga marurusingun na yan" sabay turo sa mga batang naghahabulan.

"Si Classy ba ang tinutukoy mo?"

"Oo" ngumisi nanaman ako. Shet. Cant help it.

"Laki ng tama sayo nun ah, pati yung 7 years mong iniingatan na pusa mong earphones ay handa mong itapon dahil lang sa ayaw niya mga pusa"

Tinignan ko siya.

"..." i was speechless.

"Wala naman siyang ginawa sayo na maganda ah, tsaka marami pang ibang mas sexy dyan at magaganda dyan"

"..."

"Alam kong sasabihin mo na 'hindi naman tinitignan sa itsura yan' pero iba na ang henerasyon natin ngayon! Dude! Wake up"

"Sinasabi mo ba to dahil concern ka saakin o dahil gusto mo ang taong mahal ko?"

"..." napanganga siya at tila naging blanko ang isip niya.

"N-no. Ofcourse not. Youre my best pal" paliwanag niya agad.

"Its okay na gusto mo siya, basta wag mo papatulan at mahalin. Shes mine." seryosong sabi ko. Ngumiti lang siya. Halos since kid, bestfriend ko na siya at alam kong ano ang peke niyang ngiti sa totoo. Now? Peke ang ngiti na binibigay niya saakin.

"Still, why are you wasting your time with someone who never puts attention at you? Yes, pinapansin ka niya pero hindi tulad ng ginagawa mo" his eyes were shaking. Di ko masabi ang gusto niyang iparating.

I gave him my rare playful smile.

I shrug. "Wala eh, mahal ko"

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon