Chapter Ten- Ang Manliligaw Ko

46 1 2
                                    

Kung si Cinderella, nahanap siya ng prince charming niya...
Kung si Beauty and The Beast, naging tao dahil nameet ang true love...
Kung Snow white, hinalikan ng Prince charming para magising...
Kung si Sleeping beauty, ay true love din ng makakagising sakanya..
Ako? Nasaktan nung una, pero naging maligaya ang resulta, nakasama ko na ang prince charming ko. Si John.

Papasok na ako ng school ng biglang ngumiti ng kusa ang labi ko. Naghihintay na pala si John or ang manliligaw ko sa waiting shed.

"Hi," ngumiti siya at inabot ang kamay niya. "Ano yan?" tanong ko.

"Ibigay mo bag mo," seryosong sabi niya.

Ngumiti ako at binigay ang bag ko. Ang gentlemen ng manliligaw ko >___>

Awkward kaming naglalakad. Kagabi ko ko lang siya ni-stalk. Favorite niya ang basketball at ang kumanta. Tssk. Na sakanya na ang lahat. I really like boys who sings well and plays basketball, guess im a jackpot.

Ang tahimik tahimik niya ng bigla niya akong akbayan. Anong nangyari?

Clifford's POV

Nandito ako sa favorite tambayan ko. Sa taas ng puno. Maganda ang ihip ng hangin at walang distorbo. Ito yung dahilan kung bakit ako laging late. Nakakatulog ako kasi kulang ako lagi ng tulog, lagi ako kulang sa tulog dahil--

Bigla ng nag-ring kaya naghintay muna ako ng 5 minutes para mag-stretch.

After 5 minutes, bumaba na ako. Nang nakababa na ako sa puno, napako ako sa kinatatayuan ko.

Si Alli, kasama si John. Diba sinaktan ni John si Alli? Ganon pala kadali humilom ang puso ng mga babae? Wagas nga makaiyak yang si Alli pero agad naman humilom. Ay Ewan! May paakbay akbay pa sila. Ang alam ko, ang mga babae mahirap magpatawad at masyadong choosy pero parang di naman babae tong si Alli eh.

Nakita nila ako. Ngumiti lang saakin si John. Whatever. I roll my eyes at them. Masyadong PDA.

Classy's POV

Pagkadating namin sa room, hindi niya man lang ako hinatid =__=

Umupo na ako sa chair ko. Hmmm. Ang hot talaga ng likod ng manliligaw ko.

"Psst"

"Ano nanaman ba?" inis na tanong ko kay Kapre.

"Diba nasaktan ka? Humilom agad?" weird na tanong niya.

"Eh in-explain niya naman kung bakit niya yun nasabi" paliwanag ko. Itinaas niya ang isang kilay niya.

"Anong explanation niya?" seryosong tanong niya. Mukhang interesado talaga si siyang malaman.

"Nabigla lang siya kaya niya nasabi yun at binugbog niya sarili niya dahil sa katangahan na ginawa niya"

Siya---> .............. processing

"HAHAHAHAAHAH!!" tawa niya. Hawak hawak niya ang tyan niya para pigilan tawa niya. Para siyang kumag na tawa ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? -____-+

"May nakakatawa ba?" -_____-

"Wala wala," kinagat niya ang lower lip niya para pigilan ang tawa niya. Jerk talaga ang itsura niya. Oh yes. Now that I'm looking at him right now, let me describe him.

Tall, very tall. Klarong klaro ang bridge ng ilong niya, pink lips and pinkish skin lalo na kung natatawa lalo na kanina. Doll eyes, no pimples not like me -__- messy hair, kinda brownish. Maputi. Hmmm...whole package naman pero not my type. Ang type ko kasi ay ang manliligaw ko. And yes, may black pierce siya sa left ear. Yaacky. Gangster.

"You're staring?" tanong niya at di ko na napansin na nakamove-on na siya sa kakatawa pero pinkish parin siya.

"Wala," umiwas ako ng tingin >__>

"Crush mo ako nu?" bigla siyang ngumiti.

"Asa ka pa" tenta ko. "TSS. Parang papatulan din kita!" Sabay behlat niya saakin.

"Sinong papatulan mo?" biglang may kumausap kay Clifford mula sa likod. Napatingin kami sa likod.

"John" masayang sabi ko. Ang manliligaw ko nga pala ^\\\^ he's here to save me!

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon