Chapter Fifty One- Ms. And Mr. CC

15 0 0
                                    


Pumasok na ako sa room. 6 na ako nakauwi. Nagbihis nalang ako sa bahay at kumain at dumeretso na sa school. Gumamit ako ng jacket sa sobrang lamig, hanggang ngayon kasi umuulan parin at naka-aircon pa ang lahat ng rooms dito sa school na to. Isa kasi sa pinakamahal na school ang Montellon University.

Magang maga na ang mga mata ko, ang hirap imulat. Ipinikit ko ito sa sobrang sakit nito, masyado ng pagod ang mga mata ko sa kakaiyak para sa mga taong nanloloko lang saakin.

"Mr. CC! Ms. CC!" namulat ko ang mga mata ko ng nakita kong nasa harapan ko si Clifford na may dalang rose, lantang rose. Ito yung rose kanina na hindi niya naibigay. Shete.

"Since were now strangers, can i introduce myself?" tanong niya. Nakapolo siyang checkerd at nakapedal at vans. Ayos na ayos din ang itsura niya na parang walang nangyari kanina.

"Ikaw na na na na, pwede bang magpakilala? Larawan mong magara, hindi na mabura sa--sa--sa- "

Kumakanta siya sa harapan ko habang may backup dancers sa likod na nakapolo din, lumapit saakin ang mga backup dancers at pumapalakpak saakin habang sumusunod sa beating ng gitara, nakapalibot sila sa side ko.

Hindi ganon kaganda ang boses niya, halatang halata na ayaw niya ang kumanta. Halos pinagtitinginan na kami .

"Stop this, nagusap na tayo, Clifford" napatigil siya sa paggitara at ngumisi. Ang ngising nakakabuysit ay parang lumambot ang puso ko ng ngumisi siya. Bumalik na ang mga backup dancers niya sa likod niya, so scripted!

"You know me already?" aktong tanong niya. Tinignan niya ang mga kasama niya sa likod at parang ang saya saya niya.

"Stop this nonsense, Clifford" -__-

"Clifford Caster. Call me CC, and you're?" inabot niya kamay niya pero tinignan ko lang siya -__-+

"Classy Cansey!" sigaw ng kasama niya sa likod. HALATA TALAGANG SCRIPTED! GRRR...

"Ow! CC? Were same! Gosh! What a coincidence!" hinalbot niya ang kamay ko at nishake ito na parang kakameet lang namin.

"Were not strangers, Clifford" seryosong sabi ko. "Please, call me Mr. CC..." he said proudly.

"And we'll call you Ms. CC! BOOOOOM PANEEEES!" pagsisingit ng mga backup dancers sa likod, lima kasi sila, halatang binayaran niya sila para gawin to -__-

Inabot niya ang rose. Tinanggap ko to.

"Familiar to..." bulong ko sa sarili ko nang nahawakan ko ang rose na inabot saakin ni Clifford.

Ito yung rose na binigay ko kay John dati na tinapaktapakan lang niya! Paano to naging maayos?

Bago pa ako makasalita, nasagot niya na ang tanong ko.

"Pinulot ko yan dati nung winasak nung gag0ng yun. Inayos ko at inalagaan. Ako rin ang rason kung bakit nagkaganon ang itsura ni John kaya siya bugbog sarado nung kinabukasan, kaya natawa ako nung nalaman ko ang dahilan niya kung bakit siya nagkaganon," ngumisi nanaman siya.

"Tigilan mo na to, Clifford"

"Di ako susuko."

Nagsiupuan na ang mga kaklase namin ng dumating na si Maam.

"Btw, nice to meet you Ms. CC" he smiled.

I scowl at him. Bumalik na siya sa upuan niya at nagbihis habang nagdidiscuss na ang adviser namin.

Ano nanaman ba to...akala ko titigil na siya, yun pala parang nagsisimula palang.

Itinago ko na ang rose sa bag ko at nakinig na sa teacher.

Lumabas agad ako nung recess na. Nagmamadaling makatakas kay Kapre.

"Hi Ms. Cc" yan ang mga sinasabi ng mga studyante habang nadadaanan ko sila.

"Hey" may tumabi saakin dito sa table. Nasa canteen kasi ako, kumakain ng omelet at ice capades na chocolate ng magisa.

"Tantanan mo na ako Clifford! At nakipagsabwatan ka pa sa lahat ng mga studyante na tawagin akong Ms.CC?" umupo siya sa opposite side ko para magkaharap kami.

"What are you talking about? At bakit ba ang taray taray mo saakin? Kakameet palang natin tapos ganyan ka," nagpout siya habang kinakain ang omelet niya.

Napatingin ako sa tenga niya banda, yung dalawang pierce niya. Yung di ko pa dati nakita kung ano ang nakaukit.

Tinignan ko to mabuti, napansin niya, akala ko itatago niya pero mas pinakita niya to saakin, nag-lean siya para makita ko talaga.

May nakaukit na letter C sa isang pierce, bale CC ang nakaukit dito tutal dalawa naman ang pierce niya.

"Cc. As in Classy Cansey" he said while chewing his omelet. Seryoso ang titig niya saakin. Habang kumakain, ako lang ang tinititigan niya. Nakakailang...

"Tanggalin mo nga yan!" -___- sigaw ko para mawala ang ilang ko.

"Joke lang. Natural, it stands for Clifford Caster" he grins.

Kita mo to! Pinahiya pa ako? Tangina!!!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng omelet ng may tumabi na mga babae habang may dalang kamera.

"Let me guess, magpapapicture nanaman kayo kay Clifford? Go ahead, aalis na ako" tumayo ako pero hinalbot ako ng dalawang babae.

"Actually po, gusto po namin ng picture niyong dalawa. Wala po kasi kayong picture dalawa ni Mr.CC"

-______________-

"My pleasure" sabat ni Clifford at hinila niya ako bigla kaya napunta ako sa side niya. Inakbayan niya ako at ngumiti sa camera, a big smile. Nagfake smile lang ako.

"Thankyou po!" *0* masayang sabi nila. "Sana po tatagal kayo. Mr. and Ms. CC forever!" masayang sigaw nila at umalis na.

Tinulak ko siya at nagmamadaling bumalik na sa room. SIYA ANG MAY PAKANA NUN! GAG0! DI BA SIYA TITIGIL?! Nakakaasar talaga!

Biglang nag 'ping' ang phone ko. May notification. Kinuha ko agad to at niclick ito na nakatag saakin -___- whatthe--?

Lumaki ang mata ko ng nakita ko ang picture naming dalawa ni Clifford! Yung kanina lang pinikturan ng dalawang babae. Grabe naman oh! Tinignan ko ang itsura ko, nakafake smile talaga ako habang si Clifford todo akbay saakin.

Nakakainis! At yung caption pa...(×0×)

Ms. And Mr. CC. They look so cute together! #foreverCC

78 likes na agad. 2 minutes palang! At ang daming comments, 30! Puro hearts at mga compliments. Waaaaa! I hate this! PATAY KANG CASTER SAAKIN!!!

Pumasok ako sa room at nakinig ng songs. Pinagtitinginan nila akong lahat. Kahit mga ibang studyante, sumisilip sa room namin at ngumingiti saakin kahit di ko naman sila kilala -____- CH.

Itinago ko ang mukha ko at inipatong sa lamesa ko at nagsuot ng hood ng jacket. Ulan parin eh.

Nagsisisi na talaga ako! Bakit pa kasi sinabi ko na strangers kami! Yan tuloy, sikat na ako dahil sa Mr. Ms. CC na yan! >3< WAAAAAAA!!! HUMANDA KANG LALAKE KA! DAMN YOU, CLIFFORD!!!

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon