Chapter Forty Four- Budoy

18 0 0
                                    


"Kailan ba ako makakaalis sa lugar na to!" reklamo ko habang naghahanap ng channel.

"Chill ka nga, ang sarap sarap ng buhay mo diti, inaalagaan ka" napatingin ako kay kuya na nakadekwatro pa habang nagbabasa ng dyaryo.

"Kuya. Hindi maganda ang inaalagaan, ayoko ng ganun" -___-

"Ayaw mong inaalagaan ka?" he asks.

"Yup. Para akong lola na inaalagaan ng caregivers. Nakakainis isipin na kailangan nila akong bantayan the whole time. Duh? May sarili kaming buhay no! Di namin kailangang mabuhay ng may buntot buntot saamin" -___-

"Ikaw lang ang taong kilala kong ayaw magpaalaga" he snorted.

Ewan ko ba dito kay Kuya, masyadong masungit, akala mo sikat di naman. Sabi ni Nanay, mahal daw ako ni kuya. Pero mahal ba ang tawag dyan? For sure, nagkakamali lang si Nanay. Bakit ba kasi pinauwi si Nanay sa bahay wala tuloy ako makausap ng matino. Si Mommy at Daddy, back to the old system na, meeting ang priority.

Hoy Classy! Ikaw ang nagpapunta sakanila sa meeting tapos magrereklamo ka dyan!

Oo nga nu. Ang TANGA ko talaga.

Lumabas ng cr si Clifford O.o

"Nandito ka?"

"Hinde, ilusyon lang to" -___-

"Nice" i muttered sofly. Umupo ako at inabot ang tubig sa side table.

"Magla-lunch muna ako," tumayo si kuya.

"Ulol, sama ka?" he ppinted his fingers at Clifford. Bastos talaga kahit kailan.

"Mamaya nalang" he smiled.

"Okay fine" inilagay ni kuya ang dalawang kamay niya sa bulsa niya at naglakad ba paalis na akala mo astig eh di naman.

"Gutom ka?" tanong ko. Tumango siya.

Tinuro ko ang trey na nakapatong sa table, food ng hospital para saakin pero di ko pa kinain, nakakadiri eh. Corn soup, kanin, isda at gulay. Magiging masaya na daw ako kung kainin ko yan? Pssh.

"Para sayo yan, baliw" umupo siya sa dulo ng kama. Nakataas ang buhok niya, messy hair. Medyo kulubot na ang shirt niya na color orange na printed at nakaripped jeans gray. Halatang kakagising niya lang.

"Saan ka natulog?"

"Sa baba" ngumisi siya.

"Anong pinasapin mo?"

"Banig" ngumisi ulit siya pero seryoso parin ang mukha ko.

"Bakit sa baba?" weird na tanong ko.

"Ano gusto mo? Sa taas? Sa tabi mo?" mas ngumisi siya.

"A-ano? Di ah! Kadiri ka" >___>

"Kunwari ka pa~" pagkakantang sabi niya at tumayo na.

Umupo siya sa sofa at kagaya ng itsura ni kuya kanina, nakadekwatro siya at ngumingisi saakin ng magisa.

"Alam mo, para kang si Budoy sa kakangisi mo" -___-

"So budoy ka na rin?"

"Bakit mo ako sinali?" -___-

"Kasi itong budoy na ito," turo niya sa sarili niya,"...ay magmahal sayo, na dahil doon ay budoy ka narin"

"Magisa kang magBudoyan dyan!" >////<

Biglang bumukas ang pinto at dumating ang doktor. Umayos ako ng upo.

"Saan ang kamaganak?" nilibot niya ang mata niya sa sofa at nakitang nakangisi sakanya si Kapre.

"Is something funny, kid?" itinapat ng masungit na doktor ang ballpen niya kay Clifford na agad na nawala ang ngisi at yumuko. Gusto ko mang tumawa sa itsura niya pero pinigilan ko.

"Well?"

"Well kasi, umalis kuya ko, nasa trabaho parents ko" i replied.

"I see, who are you?" he fixed his glasses and looked at Kapre.

"Her boyfriend" he said simply.

"Yes. He's my friend. A boy friend. Lalaking kaibigan" pagtatama ko sa doktor. Napatingin saakin si Clifford at kumunot noo niya. Yan kasi, mahilig magsabi ng mga kasinungalingan.

"Okay then, follow me" umalis ang doktor at sumunod naman siya ng di ako tinitignan.

Pagkaserado ng pinto mga ilang minuto rin siyang bumalik.

Pero di ko inexpect kung sino ang pumasok. Akala ko si Clifford or Kuya.

Pero...


Yung apat.

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon