Chapter Seventy Three- John

9 0 0
                                    

"Im really sorry" bulong ko pagkatapos kong masabi na hindi talaga siya ang mahal ko at kahit anong mangyari, si Clifford parin.

"Naiintindihan ko..." sagot niya saakin.

Nasa telepono ako, nagcall ako sakanya nang lunch. Nakaupo ako sa isang table at kumakain ng chicken at kanin with ice capades ofcourse.

"Ang pangit naman nitong nagcocall lang. Ganito nalang, meet tayo mamaya?"

"Sige. Baka magpapractice nanaman kami, malapit na ang competition eh. This december na" narinig kong nagbuntong hininga siya.

"Aah. Sige. Text nalang"

"Sige. Bye. I'll always love you"

"I know..." malungkot na sabi ko. Nauna akong binabaan siya at nagpatuloy sa pagkakain. Siguro bibisitahin ko nalang bukas ang puntod ni Camille. Wala akong masabihan ng nangyayari sa buhay ko ngayon eh.

"Pwede tumabi?" pagngingisi saakin ni John.

Napatigil ako ng umupo na siya sa harapan ko. Tumaas na ang mga balahibo ko sa takot. Tumayo na muna ako para iwan siya pero hinawakan niya ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaan, hindi ito dahil sa 'spark' na about sa love, ito ay dahil sa takot.

"Wag lang matakot, sasabihin ko lang lahat ng dapat mong malaman"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero desperate ako sa mga information dahil di ko pa talaga alam ang mga nangyayari as in lahat, puro ako conclude ng conclude, kaya napaupo narin ako at kumain ulit.

"First thing. Sorry..." napakagat siya sa labi niya at umiwas ng tingin.

"You broke my heart, ruined my life, make me cry a lot, used me, make fun of me, lied to me..." tinignan ko siya habang hawak hawak parin ang mga kutsara at tinidor.

"Proud of yourself?" sarcastic na sabi ko. Ewan ko, parang may period ako ngayon sa sobrang bilis kong magalit sakanya.

"Geez, sorry na nga diba? Okay ka naman ngayon eh" ginulo niya ang buhok niya.

"Oo, okay na ako" sabi ko. Napatingin na ulit siya saakin.

"Here's the thing. Remember nung nagconfess ka saakin? Well, pagkagabi na ng umuwi ako, nacorner ako ni Clifford. Binugbog niya ako ng walang katapusan hanggang sa sumuko na ako. Tumayo siya, galit na galit siya na di ko alam ang dahilan, pero sinabi niya saakin na 'sa oras na paiiyakin mo ulit siya, di lang yan ang matatanggap mo' sa una, di ko nagets pero agad kong naalala ang ginawa kong pagbabasted sayo" kibit balikat niya.

Napatahimik ako at sakanya lang ang tingin ko. Umiling siya at uminom ng coke niya at nagpatuloy. Bakit sinasabi niya na to ngayon? Bat ngayon pa?

"Nalaman kong gusto ka niya, kaya kinabukasan ay pinaibig ulit kita saakin para magselos siya. Yun lang ang pwede kong gawin"

"Gunggong ka talaga kahit kailan" inis na sabi ko. Tumawa siya at tinignan ulit ako.

"Pero di yun ang reason" seryosong sabi niya. Natigilan ako at parang di mapakali sa sunod na sasabihin niya. Mas lumapit ako sakanya.

"Ano?" tanong ko.

He chuckle "Chill, Classy. Well kasi, yung tatay ni Clifford ang dahilan kung bakit nagsuicide ang nanay ko"

A-ANO?!

"Ang tatay ni Clifford at ang tatay ko ay may relasyon"

"Pero diba--"

"Oo. Bakla sila. At niloko nila ang sari-sarili nilang pamilya" nagkasalubong ang mga kilay niya.

Tatay ni Clifford...bakla? Omy. Di ata ako makapaniwala, grabe na to.

"Saan na pala ang tatay niyong dalawa?"

"Si papa, umalis at di na nagpakita saakin. Nakikitira nalang ako ngayon sa tita ko. Ang tatay naman ng tarantadong--"

"Clifford" pagsasabat ko. Nanliit ang mga mata niya at nagpatuloy.

"Namatay daw ang parents niya, car accident" paliwanag niya.

"Sure ka?"

Tumango siya at parang nagulat na naguguluhan sa tanong ko. Okay, i still dont get it. I need more explanations.

"Ah okay. Pero isa pang tanong" hinarap ko siya na tinititigan din ako.

"Bakit ka sakanya nagagalit kung ang tatay naman niya ang dahilan?"

Napatahimik siya at nagshrug. Nagsmirk siya at tumayo na. Nilahad niya ang kamay niya para makipagshake hands.

"Last na talaga" tumayo din ako. "Bakit mo ginawa saakin yun?" napalunok siya at kinati ang batok niya.

"Inutusan ako ng mga kaibigan mo. Yung silang apat?"

Parang nahulog ang puso ko ng nalaman kong sila ang nagutos kay John na gahasain ako. Halos di ako makagalaw at nakabukas pa ang bibig ko sa sobrang gulat. May biglang kumurot sa puso ko na dahilan ng pagbara ng lalamunan ko. Ang hirap magsalita.

"Bakit ka pumayag..." yakag ko.

"Mahal ko si Camille. At si Camille talaga ang pumilit saakin nun, di niya man lang nalaman na mahal ko siya pero ngayon...huli na" bumuntong hininga siya at nipat ako.

"Friends?" ngisi niya. Ngumisi din ako at tumango. Umalis na siya at iniwan ako.

Nanatili lang akong nakatulala at pinaprocess ang lahat ng sinabi ni John. Ang mga dahilan at mga sagot sa matagal ko ng hinihintay. Mga tanong na nasagot na. Para bang puzzle, bawat piece nito ay mga information. Parang nabuo ko na ang matagal kong di mabuo na puzzle.

Bumalik na ako sa upuan ko habang wala parin sa sarili.

"Problema mo?" nagulat ako ng nasa harapan ko na pala si Clifford. Umiling ako at ngumiti.

Napatingin ako kay John, nagngitian kami. Nakita ni Clifford ang pagngiti ko kaya napatingin siya kung sino iyon. Kumunot noo niya at tinignan ako.

"Manloloko ka pala" inis na sabi niya.

"Huh? Ano? Sino? Ako?" nagulat ako ah.

"Sabi sabi mahal ako pero makikipagbalikan pala sakanya" sumimangot siya at ngumuso. Sinuntok ko ang tiyan niya.

"Aaaaaaaw!" napaupo siya. Nagbehlat ako.

"Gaga. Ngumiti lang, kami agad? Di ba pwedeng friends palang?" itinaas ko kilay ko. Tumayo siya kahit masakit pa tiyan niya.

"Bakit kayo friends?" kumunot ulit ang noo niya.

"May nahagip akong impormasyon"

Natigilan siya at tinignan akong mabuti. Nakatingala ako, kasi naman nakaupo ako.

"Alam mo bang beki tatay mo?"

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon