Chapter Twelve- "Miracle"

38 1 0
                                    

Clifford's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Asan ako? Ang sakit ng ulo ko. Ano na kasing nangyari? Basta ang naalala ko nalang ang sigaw ng pangalan saakin ni Alli.

*BOOOOGSH!*

"Aray!" sigaw ko habang hawak hawak ang mukha ko. Ang lakas namang sumuntok ng maliit na babaeng to.

"Bakit ka ba laging pagod?" malumay na tanong niya.

"Studying," tipid na sagot ko sabay iwas ng tingin. >___>

"Ha? Eh bakit ako laging sweet dreams?!" pagtatama niya. Tssk. Parang torotot tong boses niya sa sobrang lakas. Maliit na babae pero ang dambuhala ng boses.

"Eh kasi nagbe-beauty rest ka" tinignan ko siya ng deretso.

"Rest lang ginagawa ko..." tumingin siya sa floor,"wala akong beauty"

"Bakit mo naman nasabi yan?" umayos ako ng upo para makita siya ng mas klaro.

Di naman siya pangit. Makinis ang mukha, konting pimples sa noo. Medyo chinita, brownish sparkling eyes. Black hair na hanggang chest niya lang. Smart, of course. And yes, small tiny girl.

Kaya di ko matanggap kung bakit sinasabi ng mga babae sa sarili nila na pangit sila na halata namang magaganda talaga sila eh, kailangan lang talaga nilang hanapin ang lalakeng makakakita nun.

"Eh bakit ka nagustuhan ng taong kinababaliwan mo kung pangit ka?" seryosong tanong ko. Tinignan niya ako.

"Miracle," bulong niya.

Classy's POV

"Okay class, who could answer this equation?" tinignan nila akong lahat.

"Representatives from girls? and boys?"

"Classy at Clifford!!!!" sigaw ng buong klase. Tsssk. As expected. Malumay kaming pumunta sa board para sagutin ang equation.

"Uy" tinignan ko si Kapre. Itinaas ko ang kilay ko. "Kung tama ako, libre mo ako. Kung tama ka, libre kita" bulong niya habang nakaharap parin kami sa board, naghihintay lang kami ng GO signal ni Ma'am.

"Deal" sabay smirk sakanya. Tumawa siya ng mahina at ni-ready ang sarili niya board. Pfffft. Parang mananalo rin siya.

"Go!"

Write.Write.Write.Write.Write.Write.

"Go Classy! WOHHOOOOO!" cheer ng mga babae. Mas binilisan ko ang pagsolve ko. Sa isang board, hinati ito gamit ang chalk para sa right side si Clifford, ako naman sa left side.

Tinignan ko siya. Relax lang siya! Pero ako? Sobrang nagmamadali sa pagsolve. DAPAT MANALO AKO! PARA MAGING PROUD SAAKIN SI JOHN!!!

"Go Dude! Kahit babae yan, wag mong pagbibigyan!" Sabay tawa ng mga lalake.

Must. Be. First!

"DONE!" Sabay kaming humarap sa klase at itinaas ang chalk. Pumalakpak si Ma'am at lumapit saamin. Umupo na kami. Pawis na pawis na ang mukha ko habang si Clifford, ni isang butil wala -_-

Tinignan ko ang answers namin ng nakaupo na kami.

My answer= -23

His answer= 23

Ooooh. Negative at positive ang answers namin.  Hinihintay namin si Ma'am matapos icheck ang solution namin.

Ngumiti si Ma'am at humarap sa klase.

"Amazing" proud na bigkas niya. "But of course, only one got the right answer..."

"CLASSY!" sigaw ng mga babae.

"CLIFFORD!" sigaw ng mga lalake.

"Congratulations..."

.

.

.

.

.

.

Tagal -___-

"Mr. Caster"

Biglang tumayo ang mga lalake at nagsipalakpakan. Parang naging wild sila habang nagyayabang na nagsasabi sa mga babae ng 'BOOOOOOM!'

Lumapit sila kay Clifford at tinapik tapik siya at nagbehlat saakin.

Kumukulo naman ang dugo ko! Nakakainis talaga! Nagtongue-out lang ako sakanila. Kaasar. ISSSSSSH!!!

"Nice one" inabot niya ang kamay niya para makipag shake hands.

"Nice mo mukha mo!" sabay pout. Nakakabadtrip talaga to siya. Sana di ko nalang to siya classmates, para wala akong kakompitensya at kung pwede sana

mawala na siya para kahit papaano hindi na ako kakabahan sa resulta ng highschool grades, kung hindi...

mawawala si Nanay. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mangyari man yun. Mahal ko si Nanay. I cant live without her.

"Deal is a deal" bulong niya saakin.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon