Chapter Sixty Eight- I died?

9 0 0
                                    

"I need you..." sabay patak ng luha niya. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak sakanya.

"I dont need you at all" lumakad na ako palayo sakanya. Oo, masakit. Kung alam niya lang kung anong sakit ang nararamdaman ko ngayon. Narinig ko ang pagtawag niya saakin pero di ko siya pinakinggan.

"Allison!" habol niya. Mas binilisan ko ang paglalakad ko.

"Allison please!" narinig kong malapit na siya saakin, tatakbo pa sana ako ng nahawakan niya na ang kamay ko.

"Ano ba? Sabi kong ayoko sayo! Hindi kita kailangan! Layuan mo na ako! Tama na!" nagsimula nanaman akong umiyak. Andito nanaman to. Iiyak nanaman ako. Akala ko tapos na to dati, babalik parin pala ngayon.

"Dont go"

"Im not going," i murmur.

"Really?"

"I wont go. But I'll leave"

"May difference ba yun?" -_____-

"Naman eh. Ang ganda na ng emo natin, guguluhin mo pa" sigaw ko.

"What do you mean, then?"

"Hindi ako aalis, pero iiwan kita"

"Tinagalog mo lang atsaka wala parin kaiibahan" sabay kamot ng ulo niya.

"Ay basta. Tigilan mo na to, Clifford" pakiusap ko.

"Hindi kita isusuko, Allison"

"Isuko mo na dahil mapapagod ka lang"

"Handa akong maranasan ang sakit ng nadarama mo dati kung yun ang kapalit ng paghintay ko sayo, gagawin ko ang lahat dahil mahal kita!"

"Hindi kita mahal" bigla kong nalabas ang mga salitang yun. Tumango siya habang pumapatak ang luha niya.

"Alam ko..."

"Alam mo naman pala, kaya tantanan mo na ako"

"No" sagot niya. "Anong no ka dyan?"

"Ayoko. Hindi kita igi-give up" hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Bahala ka" sagot ko at binitawan ang kamay niya. Lumakad na ako palayo.

Hindi na siya sumunod. Ewan ko kung bakit. Natauhan na ata or napagod na. Oo naman! Magisip ka nga Classy! Ikaw ba naman? Sabihan ka ng masasakit na salita? Natural, susuko ka na.

Napagdesisyunan ko na na bumalik na sa bahay. Musta na kaya silang lahat.

Pagkadingdong ko, binuksan ito at ng nakita ako ng mga helpers, parang lumaki ang mga mata nila O_____O

"What?" inis na tanong ko.

"WAAAAAAAAA! MULTOOOOOOO! TAKBO!" nagsitakbuan silang lahat palabas ng gate. Pfffft. Anong multo? Mga baliw. Nawala lang ako ng saglit, naging lokaret na agad silang lahat. Pumasok na ako sa loob.

"A-anak?" gulat na tanong ni Nanay. Tumakbo ako sakanya at niyakap siya. Nagulat siya pero niyakap din ako.

"Ikaw ba yan? Buhay ka? Hindi ka patay?" hinaplos haplos niya mukha ko.

"Oo. Ano bang patay patay ang pinagsasabi mo?" -_____-

"Troy! Bumaba ka rito, dali!" sigaw ni nanay habang tuwang tuwa siya. Ano ba kasi nangyari? -____+ ang oa nilang lahat ngayon, weird.

"Ano ba Yaya--" nagulat din siya ng makita ako. Tumakbo siya palapit saakin at hinawakan din ang mukha ko.

"Totoo ka nga, di ka patay..." patuloy parin sila naghahaplos saakin habang si Nanay naman ay umiiyak na.

Lumayo ako sakanila "ano ba kasi problema niyo sa patay patay na yan, ah?" Galit na tanong ko.

"Diba patay ka na?" tanong ni Kuya. Tinuturo turo niya pa ako.

"Kung patay ako sana wala ako sa harapan niyo" komento ko. Tumawa siya at niyakap ako. Whoa. Nagulat ako, pero mas nagulat aki ng tumatawa siya at mabilis ang tibok ng puso niya, parang ang saya saya niya talaga.

"Akala ko...wala ka na...akala ko...iniwan mo na ako..." naramdaman ko ang pagiyak niya. Kumawala ako sakanya.

"Emo mo naman. Kailan ka pa naging ganyan saakin?"

Pinahid niya agad luha niya", "W-wala, ah" pasimpleng sagot niya pero di niya parin tinatanggal ang tingin niya saakin mula paa hanggang ulo. Nakakailang >__<

"Tawagan ko lang si Mommy at Daddy" excited na sabi niya.

"Upo muna tayo, Anak" inakbayan ako ni Nanay papuntang sala. Umupo kami. Hinaplos haplos niya ulit ako at umiiyak.

"Akala ko mawawala na ang malikot kong alaga" sabi niya habang umiiyak.

Ilang minuto din, tumambad sina Mommy at Daddy sa harap ko. Umiyak si Mommy at Daddy at biglang tumakbo saakin. Niyakap muna ako ni Mommy.

"Oh my God. You're really here, my Classy, youre alive" hinalikan niya noo ko at niyakap ulit.

"Mommy, i never died" bulong ko habang niyayakap din siya. First time ko siya nakayakap ng matagal kaya di ko na palalampasin ang pagkakataon na to.

"Honey, its my turn" tinapik ni Daddy si Mommy. Tumawa si Mommy at lumayo saakin. Si Daddy nanaman ang yumakap saakin.

"Thats my brave young girl, youre alive" niyakap niya ako ng matagal, niyakap ko din siya at napaiyak din. Hindi dahil sa 'namatay' daw ako, ay dahil minsan lang to mangyari sa buhay ko.

"Its time para ikwento mo saamin ang nangyari sayo" pagsasabat ni kuya. Tumango ako.

Umupo kami sa sala at nagsimula na akong magkwento.

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon