Chapter Fifty Six- Farewell To You

11 0 0
                                    

Nagayos na ako ng itsura at nagpahatid na kay Manong Eddy ng madaanan ko sina Mommy at Daddy.

Hahalikan ko pa sana sila sa pisngi ng dinaanan lang ako nila habang may kausap sa phone.

Oo. As in dinaanan lang. Masakit man pero kailangang tanggapin na sa buhay, hindi lahat ay may pakealam sayo, meron talagang mga bagay na may itutuon nila ng pansin at tatalikuran ka para lang doon. Gaya nila Mom at Dad, mas pinili nila ang meeings nila. Minsan naisip ko na rin na sana wala nalang ako magulang.

Haaaay. Napabuntong hininga nalang ako habang pinipigilan ang luha ko. Pumasok nalang ako sa kotse ng may iniabot saakin si Nanay.

"Baon mong lunch, ginawa ko pa yan para sayo" tinaggap ko ito at hinalikan siya sa pisngi.

Mabuti nalang dumating si Nanay sa buhay ko. I can say, swerteng swerte ang anak niya sakanya. Kung pwede lang magpaampon, ginawa ko na. So what if mahirap? Kaysa naman sa mayaman pero di ka man lang nakaramdam ng pagmamahal galing sa iyong pamilya.

Nakarating na ako sa school. Pag pasok ko, nandyan na pala si Maam Dorothy.

"Goodmorning, Maam" bati ko. Pumunta na ako sa upuan ko ng may nagcall. Tinignan ko sino, in a secret way.

Tarra Calling...

Ano nanaman ba kailangan nila? Ipapahiya nanaman ba nila ako? Hindi pa ba sila napapagod? Busit sila! At may lakas pa sila ng loob na tawagan ako? TANGINA NILA!

Yan tuloy, irap ako ng irap habang tinitignan ng masama ang phone ko.

Peste.

"Ano nanaman ba? Hindi pa ba kayo magsasawa na saktan ako? Ha? Pahihiyain--" napatahinik ako ng narinig ko siyang umiyak.

"Si Camille...si Camille..." walang katapusang banggit niya.

Holy crap! Tumayo agad ako na ikinagulat ni Maam.

Tumindig ang balahibo ko kahit di ko pa alam anong nangyari kay Camille.

"Hey, Im teaching. Youre disturbing the class. What are you doing?"

"Maam. I need to go to the hospital, my friend needs me"

"Excuse me?"

"Yes Maam, please excuse me," kinuha ko ang bag ko at pumunta kay Clifford at hinila ang kamay niya.

"Wait! Its not what i meant! Youre not excuse!" sigaw ni Maam pero too late, nakalabas na kami.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Yung girlfriend mo nasa hospital kaya bilisan na natin!" tumakbo ako at nagpasabay din siya.

Nakarating kami sa parking lot sa kotse ko. Pumasok agad ako at pinapasok si Clifford.

"Magmotor nalang tayo" he insists.

"Nandito na tayo sa kotse ko, kaya okay na. Manong Ed, sa hospital po at pakibilisan"

"Y-yes Maam" bigla na siyang nagdrive ng mabilis palabas ng school.

Halos di ako mapakali sa kinauupuan ko. Ano kayang nangyari kay Camille. Tingin ako ng tingin sa mga kotse sa labas, kinakagat ko rin ang labi ko habang pinapahid ang pawis ko sa noo. Stop trembling, Classy!

"Sorry, Classy"

"Wag muna ngayon, at wag mong iisipin na papatawarin pa kita" mataray na sabi ko sakanya.

He inhales sharply and look out of the window.

Ako lang ang natataranta habang siya ay mabigat ang tingin sa labas.

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon