Chapter Fifty Three- This Feelings Again

14 0 0
                                    

Maaga akong nakarating sa school. Napatingin ako sa upuan ni Clifford, wala parin siya. Napabuntong hininga ako. Tama kaya na bigyan ko siya ng second chance? O tama na?

Ano ka ba Classy! Ang mga lalake, ganyan yan! Mageeffort sa simula pero susuko din sa huli dahil may nakitang mas lalamang sayo!

Hep. Hep. Hep. Classy girl, lahat ng tao ay handang magkaroon ng second chances at dapat lang yon ibigay sa karapatdapat, kita mo si Clifford? He deserves it! Kung ang Diyos handang pumatawad, eh ano nalang ikaw? Past is past!

Halos magtatalunan ang kalahati ng brain ko sa isat isa. Tuloy, mas naguguluhan na ako.

Lumabas nanaman ako ng room. Siguro tama yung isang side, he deserves second chance pero paano kung mararamdaman ko nanaman ang maloko? Ano ba kasi! Pagod na pagod na ang mga mata ko sa kakaluha, at sirang sira na rin ang puso ko.

Second floor kasi ang highschool building. Tumambay muna ako sa bandang teres na kung saan makikita mo ang buong parking lot.

Kusa nalang tumulo luha ko ng nakita ko sina Camille at Clifford sa parking lot. Hinalikan ni Camille si Clifford sa pisngi niya, ngumiti lang sakanya si Clifford at nagpatuloy na sila sa paglalakad habang yakap yakap ni Camille at braso niya.

Heto nanaman...this feelings...

Halos di ako makagalaw sa nakita ko. Napatingin sa direksyon ko si Kapre pero agad din akong tumago sa tabi kong wall at napaupo at umiyak. Niyakap ko ang mga binti ko at itinago ang mukha ko.

"Oh goodmorning, Classy!" may babaeng bumati saakin. Napatingin ako kung sino. Sina Camille at Clifford.

Tumayo ako at pinahid luha ko. Ngumiti ako.

"Goodmorning din sainyo," bati ko sakanilang dalawa. Nakatingin lang saakin si Kapre na walang emosyon.

"He's my boyfiee. I bet you already know him?" ^_____^ mas yumakap siya sa braso ni Clifford na no reaction parin.

Sinampal ko si Clifford na ikinagulat ni Camille. "Gosh! Okay ka lang ba honey?" natatarantang tanong niya. "Ano ka ba?" Sigaw na tanong saakin ni Camille.

Hindi ko siya pinansin at tinignan si Clifford na no reaction parin, poker face.

"Congrats," i smiled at him. Lumakad na ako palayo habang umiiyak. Tinitignan ako mga tao.

Pumasok ako sa room ng may nabangga ako, nasalo niya ako.

Sht, ang amoy niya, si John to...

Lumayo ako sakanya. Ngumiti siya saakin. Malagkit ang titig niya saakin.

"Why are you crying?" he pouted.

I frown. "Why do you care?" I snorted.

"You're so pretty even though you're crying" he caresses my cheeks. FVCK!

"Dont touch me!" iyak na sigaw ko. I step back but he step forward.

"Sabi kong wag mo akong lapitan!" sigaw ko. Pero ngumiti lang siya at mas lumapit, lalapit pa sana siya ng may tumulak sakanya sa pamamagitan ng paghawak sa sakanyang dibdib gamit ang isang kamay.

"Get your fucking hands off her"

Napatingin ako sa tumulong saakin...

"Clifford..." bulong ko ng makita ko ang likod niya. Nasa gitna niya kami ni John. Umiling si John at bumalik sa upuan niya.

Tinignan ako ni Clifford sa likod at bumalik na rin sa upuan niya.

What!

Hindi niya man lang ako kinausap! Ano bang nangyari? Kahapon lang, naghihingi siya ng kapatawaran tapos ngayon parang walang nangyari.

ANG SAKIT! PAKSHET! ANG SAKIT SAKIT, CLIFFORD!!!

Naglakad ako pabalik sa upuan ko habang nakayuko. Umupo ako at pinahid ang luha at sipon ko gamit ang panyo na ibinigay saakin ni Hope. Musta na kaya siya...sana masaya siya doon sa tinitirhan niya at sana nakilala niya na ang mga tunay niyang kaibigan.

Maglunch na sana ng pumasok ang adviser namin. Nagtaka kaming lahat.

"Class, there will be no class this afternoon due to the competition of drum and lyre. Medyo delay nga ito eh. Please go home safely," umalis na si Maam at nagsigawan ang mga kaklase ko sa sobrang saya.

"Dota tayoooo! Wohooooo!" sigaw ng mga boys.

"Shopping tayo! Hanap tayo cute boys!" hiyawan ng mga girls. Nagsitayuan na silang lahat hanggang sa nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Clifford na nakaupo parin katulad ko.

"Honey!" may sumigaw galing sa pintuan namin. Si Camille, Aya, Madi at Tarra.

"Lets go! Manonood pa tayo ng competition nila Madi! Si Madi ang head majorette! Tara na!" sigaw ni Camille. Tumingin pa siya saakin para ipaalam na si Madi ang head. Ha! You should say thankyou dahil kung di ako aalis, ako parin ang head!

Tinignan ko si Clifford. Tumayo siya at malumay na lumapit sakanila. May something talaga na di ko alam at pursigido akong malaman iyon.

"Oh, Classy? Wala ka bang mapuntahan? Gusto mong sumama?" pa-cute na tanong saakin ni Aya. Tumawa silang apat at umalis na kasama si Clifford.

Tumayo na ako at ni-call ang pwede kong hingian ng time.

Si Enzo.

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon