Chapter Fifty Nine- Somethings Wrong

7 0 0
                                    

Ang hinala ko dati kung bakit siya laging puyat, ay nagkatotoo. Isa siyang waiter dito sa 5 star restaurant.

Tumango siya saakin ng dahan dahan at lumakad na palayo.

"I'll be back" bulong ko kay kuya na no comment lang. Tumayo ako at sinundan si Clifford. Tinapik ko ang braso niya. Lumingon siya at ngumiti.

"Yes, Maam?"

"Dont call me that, ano to?"

"Im sorry, Maam. I dont understand you," nakangiti parin siya.

"Ano ba! Sagutin mo ang tanong ko! Bakit ka nagtatrabaho?"

"With all due respect, Maam. I have to go, there are lots of costumers are waiting. If you'll excuse me" tunalikod siya pero hinalbot ko siya.

"Sumosobra ka na ah, ano ba problema mo?"

"Maam, im at work" nawala ang ngiti niya.

Work pala ah?!

Hinigit ko ang kamay niya paalis ng reataurant at pumunta sa likod.

"Ayan! Wala ka na sa trabaho. Sagutin mo na ako" i crossed my arms.

"Ano ba kailangan mo?" inis na bulong niya. Ang mga mata niya, nagiba na ang tingin niya saakin. Parang di niya na ako kilala. Parang naiinis na siya na makita ako. Parang di niya na ako mahal.

"Bakit ka nagtatrabaho?" lungkot na tanong ko.

He shrugged,"Why do you care?"

STAAB! Parang may kumurot sa puso ko. Iba ang pagkasabi niya nun. Parang may mali.

"Bakit nga?" ulit ko.

"Mahirap lang kami"

"Hahahaha! Ano ba, magpapatawa ka pa ba?" natatawang tanong ko pero di siya ngumiti at tinitignan lang ako.

"Seryoso" -___-

"Pero, ang mahal ng tuition ng school natin, halos lahat ay mayayaman"

"Scholar ako" -____-

"Kaya ka ba palaging puyat dahil dito?"

Hindi siya sumagot pero alam ko na ang sagot ay OO.

"Kailangan kong magtrabaho, practice at makisama sa street boys" sabi niya na parang bored na talaga siya.

"Pero bakit di mo sinabi saakin?"

"Bakit ko naman sabihin sa taong di naman ako pinapahalagahan?"

"..." di ako nakasalita.

Ibinalik niya ang cup niya at ngumiti.

"I have to go Maam" he nod and went back inside the restaurant and leaving me.

May care naman ako Clifford. Pinapahalagahan kita bilang...bilang...teka bilang ano ba? Ewan ko rin. Pati ako di ko alam kung ano ba talaga.

Pumasok na ulit ako sa loob at umupo na sa upuan ko. Halos kompleto na ang mga clients ni Mommy at Daddy. Nagkakainan na.

"Where have you been, Anak?" tanong ni Mommy ng makaupo na ako sa side niya.

"L-lumabas lang" sinimulan ko ng kumain pero halos nakatulala lang ako.

Natapos na sila sa meeting at umuwi na kami. Pero bago kami umalis, pumunta muna ako sa isang waiter.

"S-saan si Caster?" tanong ko sakanya.

"Umalis na, Maam" ngumiti siya.

"Sige. Pakisabi nalang na hinahanap ko siya"

"Ano name niyo Maam?"

Napangiti ako "Little Lady,"

Halatang nagulat siya sa name ko pero ngumiti rin siya agad. Umalis na ako at pumasok na sa kotse.

Sana magusap na kami nung Kapremg yun. Di na siya nagpaparamdam saakin, musta na kaya siya. Miss ko na yung mokong na yun. Sana miss niya rin ako.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon