EPILOGUE

53 1 2
                                    

A/N:
   Im so so so happy na natapos ko ring natapos ang story na to at napakasaya ko na nakaabot kayo dito sa epilogue. Maraming maraming salamat sa pagbasa! I love you so so much! :*

---

Ang ganda talagang magshopping dito lalo nat maliligo kami mamaya sa isang napakalinis at napakafamous na beach dito medyo malayo sa manila. Dito narin namin ipinagpatuloy ang pagaaral namin ni Clifford at hindi na sa Montellon University, mamimiss ko yung school na yun lalo nat nagbigay yun ng maraming alaala.

"Tara na!" Hinihila ako nitong si Clarice Garcia. Siya na ang naging bestfriend ko simula ng nagtransfer ako sa pinapasukan namin.

6 years kami dito nagpatuloy sa pagaaral. Naglilive-in kami dalawa ni Clifford sa parehong bubungan. Naging independent na kami. Nagsisimula na kaming maghanap ng trabaho ni Clifford. Same course ang kinuha namin, ayaw niya daw kasing napahiwalay sakin -___- grabe naman parang di kami nagkakasama sa iisang bahay.

Nag-iba na si Clifford. Mas tumangkad siya! My God! Ako? Okay naman, change topic! >___> mas lumaki ang adams apple niya, naalala ko tuloy dati yung nainlove ako sa adams apple niya. Hahaha! Tapos medyo naging mababa na boses niya, sobrang baba! Parang higante na eh at ako yung dwarf na alalay niya. Nagkaroon narin siya ng buhok sa kili kili at chest hair. At mas lumakas dating niya, nahihirapan na nga akong bantayan siya eh, ang daming malandi sa school namin.

Ako naman...Uhh...medyo tumangkad lang ng konti, konti lang, siguro ganun na talaga landas ko, maliit. Medyo mahaba na buhok ko, below the chest na siya at nagpahighlights na ako ng brown na strip pero sa isang side lang. Medyo lumaki rin dibdib ko, yun ang opinion ni Clifford! Ikaw ba naman? Bigla siyang nagsabi na lumalaki na >__< pambihira talaga yung mokong na yun. At balak niya pang kapahin eh buti napatigil ko ang manyak niyang balak.

At oo, hanggang ngayon, kumokompetensya parin ako sakanya pagdating sa talino pero wala eh, siya parin talaga!

"Oy! Kanina pa kita kinakausap!" Sabay hila ng buhok saakin ni Clarice. Etong babaeng to, akala mo ang sarap sarap ng paghila niya, natotroma na ako sa kakahila niya, matatanggal na ang buhok ko eh!

"Nakabili ka na ba?" Pagtatanong ko sakanya habang nagbibili kami ng bikini. Maliligo kami mamaya eh, nauna na si Clifford. Birthday ko kasi ngayon kaya mauna daw siya para maghanda.

"Cute ba?" Itinaas niya ang isang bikini na stripes na blue at black.

"Mmm, sukatin mo, heto saakin oh?" itinaas ko naman ang akin na one-piece lang. Neon blue siya na plain, gusto ko siya kasi simple lang.

Natapos naming sukatin ay binayaran na namin. Hinila na agad ako ni Clarice.

"Bakit ba nagmamadali ka!" Reklamo ko. Tingin siya ng tingin sa relo niya na para bang may appointment.

Agad kaming nagsakay ng taxi papunta sa beach. Ano ba kasing problema niya? 5 palang naman ah! At may swimming pool kaya okay na night swimming.

Agad kaming kumaripas ng takbo paloob sa cr para magpalit. "Nako, ginagago mo ako, Clarice. Ano bang tinataranta ranta mo dyan?" binatukan ko siya. HA! nakaganti rin pero agad niyang binalusan ng paghila nanaman ng buhok TT

"Bilisan na natin!" sabi niya habang nagpapalit ng swimsuit. Nasa kabilang cr ako kaya marinig ko lang siya.

"Ano ba kasing...shucks..." napatahimik ako ng biglang may tumugtog na kung saan ng favorite song ko! Waaaaaa!

~~
Just a fraction of your love feels the air

And I fall inlove with you, all over again

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon