Chapter Seventy Six- Cansey

6 0 0
                                    

Nagulat kaming pareho ni Clifford at di agad nakagalaw sa gulat. Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan ako sinampal.

"M-may nasabi po ba a-akong mali?" iyak na tanong ko habang tumutulo ang luha ko. Nakikita ko na to noon sa mga teleserye. Sasampalin ka dahil di ka tanggap dahil mahirap ka, pero bakit parang bumaliktad? Shit, di ako umiiyak dahil masakit ang sampal, umiyak ako dahil mismong Loña ng taong mahal ko ang gumawa nun...

"La! Anong ginawa mo sa taong mahal ko?" pumagitna siya saamin.

"Palayasin mo yang babaeng yan sa harapan ko, ngayon din!" sabi niya kay Clifford. Nanginginig pa ang buong katawan ng lola niya.

"La, di pwede, girlfriend--"

"Edi wala na kayo! Break na at di pwedeng maging kayo! Layas kang pokrita ka! Stupido!" susugurin sana niya ako ng pinigilan siya ni Clifford.

"M-maliit, lumabas ka muna" hirap na sabi niya. Tumakbo ako palabas at pinahid ang luha ko.

Bakit niya ako sinampal? May ginawa ba akong mali? May nasabi? Pangit ba ako? Mabaho? Anong dahilan nun? Stupido? Pukrita? Tangina, tagos na tagos sa puso ko ang mga sinabi niya...

Halos puro tanong lang ang dumadaan sa kokote ko. Ano ba to...akala ko tanggap ako pero bakit ganun ang nangyari.

Biglang lumabas ng bahay si Clifford at ngumiti ng pilit. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sorry..." hinalikan niya ang tenga ko.

"Iuwi mo nalang muna ako" mahinhing pakiusap ko. Kumawala siya at hinila na ako papunta sa motor niya. Iniuwi niya na ako.

Clifford's POV

"La, bakit niyo man ginawa yun" tanong ko habang nasa sala siya naglilipat ng chanel at nakakunot ang noo, tila di ako pinapansin.

"La, anong ginawa niya sayo? Wala siyang ginawang mali" tumingin siya saakin.

"Yan ang akala mo, Apo" bulong niya. Umupo ako sa tabi niya. May mga luha na dumadaloy sa gilid ng mata niya.

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Ang pamilyang Cansey... mga wala silang modo, matapobre sila, mayayabang akala mo kung sino" asta ni Lola.

"Kahit ni isa sa mga sinabi niyo, wala doon ang katangian ng girlfriend ko..."

"Nagkakamali ka. Layuan mo na siya. Iwanan mo na siya"

"La, di ko yun magagawa" sinimangutan ko siya.

"Kailangan" diin na sabi niya.

"Bakit niyo po ba to sinasabi sakanya?" medyo tumataas na ang tono ko pero pinipigilan nalang.

"Sila ang dahilan ng pagkamatay ng parents mo, Apo"

Anong...

"Uhh..." di ko madugtungan ang sasabihin ko sa sobrang gulat na iyon ang dahilan.

So sila ang nagbangga sa parents ko kaya nagca-car accident?

"Bakit?" yan nalang ang lumabas sa bunganga ko. Umayos siya ng upo at tinignan akong mabuti.

"Ikwe-kwento ko na lahat" sabi nito.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon