Chapter Thirty Five- Kuya's Point Of View

16 0 0
                                    

"Mommy!" sigaw ni Classy.

Nasa kwarto ako nagbabasa ng novel ng narinig kong sumigaw si Classy. Ang pinakamahal kong babae sa buong buhay ko. Hindi si Mommy ang pinakaminahal ko, di rin ang ex-girlfriends ko, hindi din yung dalawa ko pang kapatid kundi ang bunso.

Hindi ko lang pinapakita cause i hate being sweet. Gusto ko na ako lang ang may alam ng nararamdaman ko.

"Mommy, dito ka magdiner? Sabay tayo?" excited na tanong ni Classy kay Mommy.

"Sorry baby, may mahalagang meeting party mamaya at kailangan ang presence ko"

"Di ba pwedeng next time nalang?" medyo mababa na ang boses niya.

"Hinde eh, importanteng importante to. May kailangan ka ba? Pera? Ano? Magpapadala nalang ako sayo ng pera through bank, i have to go" nagmamadaling takbo ni Mommy palabas.

Lumabas ako at nagaktong walang alam.

"Woy!" sigaw ko sakanya ng nasa sala siya nanonood ng tv habang nakapout. Cutie! *__* kung pwede lang siyang ikiss at yakapin, ginawa ko na ba.

"Ano ba?" naglipat siya ng channel.

"Bat ba ang init ng ulo mo ha!" Umupo ako sa tabi niya na nakadekwatro pa.

"Wala."

"Wala ka dyan. Si Mommy diba?"

"Alam mo na pala! Tumatanong ka pa!"

Sisigawan ko pa sana siya ng may sinabi siya bigla.

"Hinde naman pera ang kailangan ko eh...ang time niya ang gusto ko. Time para saatin lahat..." yumuko siya.

"Madrama" -_____-

"Pakealam mo ba ha? Tssk!" tumayo na siya. What? No! I want to talk to you. Please stay. Stay, Classy!

Hinigit ko siya pabalik sa sofa na ikinabigla niya. Di ko na talaga matiis eh.

"Ano?" naguguluhang tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

"Pagpasensyahan mo nalang sina Mommy at Daddy"

"Pagpasyensyahan? Just 30 minutes? Hindi niya man lang mabigay yun eh!" She stamped her feet. Ang cute niya talaga, ang liit liit kasi pero ewan ko kung paano niya na-occupy ang buong parte ng puso ko. Naheeee. Ewan ko, napakaweirdo ko pero walang nakakaalam nito.

"Ginagawa nila ito para saatin para sa ikakabuti natin"

Hinarap niya ako,"pero kuya, hindi meeting ang makakabuti saatin! Ang time nila ang kailangan natin!" tumulo na ang luha niya. Kinagat niya ang labi niya na parang ang daming problema ang dinadala niya.

"Ang dami mong problema. May dapat ba akong malaman?"

Pinahid niya luha niya at umiwas ng tingin. Ow, meron nga siyang problema.

"Lagi kang umiiyak, maga ang mga mata mo, nagpaganda ka, naging sensitive ka, nagugulat ka kung lumalapit ang mga lalake sayo, im sure na may dinadala kang problema." Lumapit ako sakanya na agad naman siyang lumayo.

"Wala akong problema" guilty niyang sagot.

"Ganon na ba yun kabigat para ilihim mo saakin?"

Tumulo nanaman ang luha niya. Tangina naman to oh. Ano bang problema niya?! Di na ako napapakali! Di ko kayang nakikita ng ganito ang kapatid ko. Ang sakit tignan na wala kang alam. Ang nakikita ang pinakamamahal mo na umiiyak...sa harap mo...at wala ka man lang magawa...

"Wala ka namang pakealam saakin diba? Kaya tumahimik ka na"

"Yabang nito, akala mo may care ako sayo? Nagtatanong lang" >____> inis na sabi ko.

Tell me! Dammit! I care! I freakin' care!

"Ano na kasi?" paguulit ko.

"Wala nga, kulit" tumayo siya. Pulang pula nanaman ang mata niya.

"Saan ka pupunta, hoy?" tanong ko at tumayo din at hinabol siya pataas.

"Sa kwarto" -____-

Hinarap niya ako. Nasa itaas siya konti ng stairs habang ako sa likod niya. Medyo kalevel parin kami sa sobrang liit niya.

"Liit mo" pagrereklamo ko. Hindi ko inaasahan ng binatukan niya ako.

"Aray ko! Kaliit na babae, ang lakas lakas manapak!" hinaplos ko ang braso ko. Tinignan ko siya at nagulat ng kinakagat niya ang buong lower lip niya at sobrang pinipigilan ang luha niya pero di niya to natiis at nabuhos niya ito.

"Kuya! Bakit ganito buhay ko! Di ko na kaya mabuhay! Ang dami dami kong problema!" She choke pero huminga siya ng malalim at tinuloy ang mga sinasabi niya,"...mga tanong na di pa nasasagot! Ang sakit sakit na, kuya! Ang dami ng mga tao ang pinaglaruan lang ako! Kuya, bakit?! Masama ba ako? Pabigat ba ako? Ano bang ginawa kong masama? Di ko na alam anong gawin sa buhay ko...i wanna die nalang," umiyak siya ng umiyak sa harap ko. Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko dahil sure akong ang pangit ng itsura ko at magugulat siya dahil may care ako. Gustong gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit at halikan ang noo niya.

Bumuntong hininga ako.

"Ano nga problema mo?" dahang dahan na tanong ko. Tinignan niya ako na may halong takot at sakit, hindi ko pa siya nakitang ganito.

She shake her head at tumawa habang umiiyak.

"Wala ka namang pakealam eh at.. hindi mo naman ako mahal..." pinahid niya ang luha niya at pumasok na sa kwarto niya.

"Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal...kung alam mo lang" bulong ko.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon