Chapter Fifty Five- Video

10 0 0
                                    

"Magstart na honey, oh!" turo ni Camille sa mga majorettes sa stage. Punong puno ang school sa dami ng mga tao galing ibat ibang schools. Saan na kaya si Classy? Nakita ko nanaman siya umiiyak ng dahil saakin, ganon na ba talaga ako kasama?

"Honey, nakikinig ka ba?" mas niyakap ni Camille ang braso ko. Ngumiti lang ako sakanya at tumingin na sa majorettes na sumisigaw.

Simula nung nagquit si Classy sa pagiging head majorette, nagquit narin ako bilang drummer. Useless naman na nandon ako tapos wala ang dahilan kung bakit ako sumali doon.

Sana maintindihan niya ako. I just made a choice dahil kung di ako maagang lumayo sakanya, baka mas masasaktan siya sa mangyayari.

"Honey, nagugutom ako. Canteen tayo?"

Bago pa ako makasagot, hinila niya na ang braso ko. Pumunta kami sa canteen. Bumili siya ng biscuit at ice capades na chocolate. Reminds me of Classy...

"Can we talk?" seryosong tanong ko kay Camille. "Sure" ^___^

Hinila ko siya sa konting tao. Di ko napansin na napunta kami sa lugar nung una akong hinila ni Classy nung nagalit siya saakin kasi 2nd lang siya.

"What do you want to talk about?" nguya siya ng nguya sa biscuit niya.

"Us"

"Why you wanna talk about United States?"

"Camille, listen" hinawakan ko ang dalawang braso niya.

"Lets stop this" i murmur. Napatigil siya sa pagnguya ng biscuit at kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

"Di to tama. Kung mahal mo ako, papakawalan mo ako at hayaang habulin ang kasiyahan ko"

"Kasiyahan mo? Sino? Si Classy nanaman ba?! Ha! Ano!" itinapon niya ang pagkain niya sa sahig at tinulak ako sa dibdib.

"Yes" deretsong sagot ko. Tumulo luha niya.

Humikbi siya.

"Alam mo ba ang sakit...ang sakit sakit lang eh, yung feeling na kasama mo ang taong mahal mo pero alam mo sa sarili mo na iba ang nasa laman ng utak niya?" Nagsimula na siyang umiyak habang ako nakatingin lang sakanya.

"Sorry"

"Ha! Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ha?! Ano! Sumagot ka! Ano bang meron sa babaeng yon na kinakabaliwan mo ha!" sigaw niya.

I shrug.

"Gagawin ko ang lahat Clifford, lahat lahat basta saakin ka lang..." lumuhod siya sa harap ko.

"Wag mong gawin yan, tumayo ka nga" mahinhin ko siyang tinulungang tumayo.

"Alam mo bang sobra akong nasasaktan tuwing tinatawag si Classy na Ms. CC? Ang tagal tagal kong pinangarap na sana ako ang sinasabihang ganyan...bakit? Ms.CC naman din ako diba?" tumawa siya habang umiiyak.

Tinignan niya ID niya,"Camille Cruz. Oh! CC din pala! HAHAHA!!!" tumawa parin siya habang tumutulo luha niya.

"Pero bakit di nila ako tinatawag na Ms. Cc...?" yumuko siya at nagpatuloy sa pagiyak.

"I have to go," lumakad ako palayo pero hinawakan niya ang uniform ko.

"Subukan mo lang..." napatingin ako sakanya.

"At ipapakita ko ang video nating dalawa..." he gazed at me.

Oo pala!

Flashback.

Uwian na yun ng nadaanan ko ang mga bestfriends ni Classy. Dinaanan ko silang apat pero tinawag ako ni Camille.

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon