Chapter Five- Signs

55 2 2
                                    

"Where would you like to seat?" tanong ni Ma'am Dorothy, ang adviser namin.

Nilibot niya ang mata niya sa buong class ng biglang tumigil sa mata ko. WAAAA! Ayoko pang mabulag! Baka matunaw ako sa titig niya!

"Anywhere" tipid na sagot niya.

"Dito ka babe!"

"May bakante dito oh!"

"Dito ka pogi!"

"Seat with me!"

Yan ang mga tilian ng mga babae -___- Just so you know, he's mine! No sharing! Sorry! So back off!

"Enough ladies, he will seat here in front"

Mahinhing umupo si John sa harap. Tinignan niya ako at ngumiti >\\\< ngumiti din ako.

Habang nishe-share ni Ma'am D ang story ng buhay niya, nagisip ako ng sign. Kung matutupad ang sign ko, ibig sabihin, dapat magpapatuloy ako umibig sakanya. Let's see. Mmm...

Sign #1 -Dapat tignan niya ako ng matagal. Kung mangyayari to, siya na talaga.

Tinignan ko lang siya.

Hintay...hintay...hintay...

Wala naman palang kwenta tong sign eh!

"Walang kwenta!" sigaw ko at nag-pout. Napatingin sila lahat saakin.

"Ow, Ms. Cansey? You find my story 'walang kwenta'?" tanong ni Ma'am D.

"He-he?"

Oo pala! Nagkwe-kwento si Ma'am ng buhay niya >__< Arg! Napansin kong nakatingin na pala siya saakin!

Sign # 1 complete! Yahoooo!

Pero diba dahil sumigaw ako? Kung di ako sisigaw di naman siya titingin saakin -3-

"Nagawa mo pang ngumiti?"

"S-sorry Ma'am--"

"Naglalaro po kasi kami, natalo siya kaya bigla siyang napasigaw ng walang kwenta" cool na sabat ni Clifford.

Eh? He's covering me up? Weird.

"Ow. Okay." umupo na ako nang nagokay na si Maam. Pinagpatuloy na ni Ma'am ang story niya.

"Wala bang thank you dyan?" bulong ni Kapre.

"Thanks,"

"Sincere naman" he pouted.

"Wag ka ngang magpout. Nakakalaswa" sungit na sabi ko.

"Bat ka ba galit saakin?" seryoso niyang tanong. Tinignan ko siya, seryoso nga.

"Basta," inis na sagot ko.

Oo nga, galit ako sakanya dahil? Galit ako kasi kinuha niya ang trono ko bilang first? Or yung--

"Dahil ba sa nangyari nung kinder palang tayo?" bigla siyang nag-smirk at ni-lick ang bottom lip niya.

Kinder....

AAARG! OO PALA! SIYA YUN NUNG KINDER PA KAMI!

Kumukulo ang dugo ko tuwing naaalala ko ang nangyari dati. Hinding hindi ko siya mapapatawad. Hinding hinding hinde.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon