Chapter Fifty Two- Weird

16 0 0
                                    

Bumaba na ako agad ng tapos na ang klase. Pagkalakad ko sa hallway, may nagpapapicture pa saakin na kung sino sino, todo yakap pa saakin, ano ako? Artista? Pfffft. May nagpapa-autograph pa. Nang natapos na sila, nagpatuloy ako sa paglalakad ng nakita sa ko kalayuan sina Camille at Clifford.

Oo, silang dalawa! Ang kapal!

Parang nadurog nanaman ang puso ko. Ngumingiti si Camille kay Clifford habang may pinapakita sa phone niya. Hinalbot halbot ito ni Clifford pero inilalayo ito ni Camille. Sobrang namumutla si Clifford at ewan ko kung bakit... i smell something fishy!

May sinabi si Camille na dahilan ng pagsigaw niya. "ANO?!" yan ang narinig ko. Muling nagsalita si Camille. Halos maguho ang buong building sa sigaw ni Kapre.

Bumuntong hininga si Clifford at tumango nalang. Tapos bigla nalang tumakbo pababa si Clifford at iniwan si Camille. Lalapitan ko pa sana siya pero bumukas ang isang room at tumakbo palapit kay Camille ang apat habang nagtatawanan. Mukhang kasabwat sila, pero ano naman kaya pinaguusapan nila? Whoa...

Bumaba na ako ng highschool building at bumili muna ng ice capades.

"Chocolate ulit, iha?" natatawang tanong ni Manang na nagbebenta ng ice capades.

"O-opo" sagot ko. "Heto oh," binigay niya na ang ice capades ko. Binigyan ko siya ng 50 at umalis na.

"Iha! Sukli mo!" itinaas niya ang sukli ko.

"Wag na po. Keep the change" sabay sip ng inumin ko.

"Salamat, iha" nagpatuloy na siya sa trabaho niya. Dahan dahan lang ako lumakad hanggang sa madaanan ko ang parking lot. Nasa loob kasi ang parking lot ng school namin, pero meron din sa labas, depende nalang kay Manong Eddy kung saan niya gustong magpark.

Ang trabaho niya ay para saakin lang. Driver ko siya for short. Di siya naghahatid sa iba, akin lang. Kahit saan ko gusto, pupuntahan niya. Tuwing  school days, naghihintay siya saakin hanggang mamaya. Pagkahatid niya, doon nalang siya sa kotse maghintay hanggang sa uwian namin.

Maraming nagsasabi na magquit siya dahil boring ang trabaho niya, pero 15k a month? Tatanggi ka pa ba? Mahirap ang buhay, kaya di niya ito maiwan iwan. Hell hes lucky na kaya!

Napako ako sa kinatatayuan ko ng nakita ko si Clifford nagaayos ng helmet para suotin niya to. Nakakunot parin noo niya simula nung nagusap sila kanina ni Camille.

Nakita niya ako. Agad agad siyang nagdrive ng mabilis na hindi man lang kumakausap saakin o ngibitian man lang.

Ano yon? Kanina lang ang sweet sweet niya saakin tapos... ganito lang? Mabuti nalang di ko na ulit siya pinagkatiwalaan kung hindi, mas masakit pa ang mararamdaman ko ngayon.

Kahit di ko binigay ang tiwala ko, masakit parin. Akala ko magkakabati na kami, yun pala hinde. Nageffort pa kanina? Tapos yun pala, he left me hanging? Ano yun? Ha?! Gago talaga!!!

Tumakbo na ako sa kotse at pinahid luha ko.

"Maam? Okay lang po kayo?"

"Tara sa mall, isha-shopping kita" nginitian ko siya pero halos nagulat siya at di agad nakagalaw.

"M-maam?"

"Libre kita, kaya tara na"

Ngumiti siya at umandar na. Halatang excited na excited siya.

Nakababa kami sa MM mall. Dito ang isa sa pinakamalaking sm. Lumabas na ako.

Naglakad lang ako paloob ng napansin kong wala si Manong Eddy. Bumalik ako sa parking.

*tack.tack* kumatok ako sa salamin ng driver seat. Bumaba to agad.

"Manong Eddy, tara na. Bakit ka pa nandyan?"

"S-sasama ako, Maam?"

"Oo, ano ka ba" -___-

Kumaripas siyang bumaba at di matanggal ang ngiti sa labi niya.

"Pero kasi..." napahinto siya.

"Kasi?" -____^?

"Wala pa po akong pera, kakabayad palang namin sa--" bigla siyang napayuko sa hiya. Inunahan ko na siya.

"Manong Ed. Alam niyo po ba ang ibig sabihin ng Libre?" diin na sabi ko.

"Pati...papasukin kaya ako?" Tinignan niya ang damit niya. Isang pajama at jacket ang suot niya. Sa bagay, kung ako rin naman ang driver, magpants at polo pa ba ako kung sa loob lang naman ako ng kotse the whole day? Agad agad din naman kasi kaming naglakad.

"Oo naman! Halika," hinila ko ang kamay niya.

Manong Eddy Reyes. May mga anak din siya sa ibang probinsya. Kagaya lang siya kay Nanay, mahirap lang at may pamilya. Mid-40 ang age ni Manong Eddy habang si Nanay ay mid-50.

Umuwi na kami ng natapos kaming magshopping. Binilhan ko ng dalawang sapatos si Manong Eddy para sakanya at dalawang sandals para sa iisa niyang anak na babae. Nagbili rin ako ng mga damit para sa pamilya niya at nagdinner na rin kami sa mall.

Nakarating na kami sa bahay, bumaba na ako.

"Maam. Maraming salamat po talaga, makakatulong po to sa pamilya ko" ngumiti siya ng sobrang saya. "Walang anuman yun, Manong Ed. Sigina, magpahinga ka na." bilin ko. Ngumiti lang siya. Umakyat na ako ng kwarto ko.

"Hoy!" Napalingon ako kay kuya.

"What?" -___-

"Kumain ka na, ha?"

"Oo. Pakealam mo ba" -___-

"Mabuti, wala na akong freak na makakasabay dito..." sabay subo niya ng adobo. Pffffft. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis na agad.

What a day. A complicated day.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon