Chapter Sixty Three- Kasalanan Ko

9 0 0
                                    

*Claaaash!* tinapon ko ang mga gamit na nakikita ko at kung saan saan nalang ito winawasak.

*claaaash!* nawasak ang vase na nakapatong sa table ko. *claaaash!* at kung ano ano pa.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Dyos ko po! Anong ginawa mo sa sarili mo?" natatarantang tanong ni Lola. Wala na ang parents ko, namatay na daw sabi ni Lola, car accident.

Hinaplos ni Lola ang kamay ko ng towel. Tinignan ko ito, ang dami palang basag na glass na nakapasok sa kamay ko. Dahan dahan itong tinanggal ni Lola at pinahid ulit ng towel. Pero hindi ito masakit. Nakatulala lang ako at umiiyak.

"M-masakit ba?" medyo bumilis ang paghinga ni Lola.

Hindi ako sumagot. Wala akong maramdaman. Ewan ko.

Pinahid ni Lola ang mga luha ko at niyakap ako.

"Lola..." i started crying.

"Shhhh,"

"Kasalanan ko...ako ang may kasalanan, Lola..."

"No, no, no." Hinawakan ni Lola ang magkabilang pisngi ko. Umiyak labg ako ng umiyak. I've never cried like this before.

"Tandaan mo to, wala kang kasalanan. Kahit si Classy, maiintindihan ang ginawa mo kaya wag ka nang umiyak" niyakap niya muli ako pero di ako nakinig sa sinabi niya, umiyak parin ako. Naninikip ang dibdib ko tuwing nagfa-flashback ang mga masasayang karanasan namin pero hanggang memory nalang yun...

"Ano bang ginawa mo dito?" napatingin siya sa buong kwarto.

"Sorry..." guilty na sagot ko.

Nakahilera na sa sahig ang mga kurtina, nabali na lahat ng mga table, basag na lahat ng mga pwedeng mabasag, punit na mga damit kon.nakahilera sa cabinet, saan saan nalang ang mga unan at kumot ko, puno ng rumi ang kwarto ko.

"Sa tingin mo, apo, may babago kung magwaras o magwawala ka?"

Tumawa ako. Sarcastic laugh.

"Tahana na nga," pinahid niya luha ko.

"Lola...wala na siya...wala na ang taong mahal ko..." yumuko ako.

"Apo, alam kong hindi yan madali. Nung nawala rin ang Lolo mo, halos magpakamatay na ako pero naisip ko, di kami magkakasama sa langit, kaya ikaw, tanggapin mo nalang." malambing na sabi niya.

"Di ko ata kaya..." iling ko.

"Kayanin mo, Apo. Ikaw pa? Ang tapang tapang mo kaya!" pagpapatawa niya.

"Pero namatay na ang Apong matapang na nakilala niyo, namatay na siya kahapon," di ako makatingin sakanya.

"Hay nako. Magpalit ka muna ng damit at bumaba, maghahanda ako ng meryenda" hinalikan niya noo ko at bumaba na.

Napatingin ako sa kamay ko. Puno ng dugo. Halos makita ko na nga ang buto ko at mga laman ko sa dami ng napasok sa glass dito.

Pinisil ko ito pero ni katiting, wala akong maramdaman. Masyado ng pagod ang mga mata ko.

Dahan dahan nalang akong bumaba at umupo sa silya. Lumapit si Lola at kinuha ang palad ko at sinumulan ng gamutin.

"Masakit?"

"Wala akong maramdaman" sagot ko habang nakatulala lang sa pagkain sa harapan ko.

"Kumain ka muna, pampalipas gutom"

"Di ako gutom"

"Hay nako, Apo"

Natapos na siyang naglagay ng bandage sa mga palad ko kaya umupo muna ako sa sala at nanood ng tv. Ni hindi ko ginalaw ang hinanda niyang pagkain para saakin.

Tumulo ang luha ko ng kusa ng biglang lumabas sa tv ang unknown movie na pilit hinahabol ng girl ang boy pero itinataboy na ito ng boy dahil may iba na siyang mahal.

Biglang kinuha saakin ni Lola ang remote at nilipat.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Apo. Wag ng umiyak." pumunta siya sa harap ko na nakapamaywang pa.

"Its...my fault..." my voice is very low and broken while i keep on sobbing.

"Apo, please. Isipin mo nga, magiging masaya ba si Classy kapag nakikita kang umiiyak?"

"Oo naman. Masaya yung torotot na yun kapag nasasaktan ako," tumawa ako tuwing naiisip ko ang bunganga niyang tumatalak.

"Napakamali mo..." umupo siya sa tabi ko,"...minahal ka niya"

"La, please. Its not time for your silly jokes" nagawa ko pang umirap.

"Sabi nila, mga babae ang manhid. Pero bakit ikaw nagiging manhid na?"

"Ano ibig niyong sabihin?" Kumunot noo ko.

"Mahal na mahal ka niya. Hindi niya lang maamin sa sarili niya," hinaplos niya ang buhok ko.

"Ow" umiwas ako ng tingin.

"Atsaka wag ka ng umiyak. Kailangan mo maging pogi para next next week"

"Anong meron?" O____O

"Nakalimutan mo na ba? May maskarade kayo para icelebrate ang 86 years anniversary ng school niyo."

"Oo pala..." nothings change. Umiiyak parin ako.

"Kaya gusto mo bang ang laki laki ng mga mata mo sa maskarade?"

"Oo nga po..." ngumiti ako pero sapilitan.

"Kaya wag ng umiyak ha? Ang iiyak, beki" sabay behlat ni Lola. Natawa ako. Ang sarap lang talagang kasama si Lola. Hindi siya KJ at sobrang caring saakin.

Sana nga makayanan ko na. Lalo na't may club pa akong sinalian na next week na magaganap, sana nagskateboard nalang ako kaysa sa artist. -_____-

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon