Chapter Fifty Eight- 5 Star Restaurant

11 0 0
                                    

Sorry if masyadong mabilis ang chapter na to.

------------------------

Dalawang araw na nakaraan at di ko parin nakikita si Clifford. Ewan ko kung nasaan na siya. Hindi na siya nagpapakita simula nung kumain kami sa restaurant sa hospital.

"Mommy?" Masayang sigaw ko ng nakita ko si Mommy at Daddy papasok ng bahay.

"Mommy, 5:00 palang? Wala kayong meeting?"

"Magbihis na kayo, kakain tayo sa 5 star" she said while tapping her phone.

"Really, Mommy?!" niyugyog ko braso niya.

"Yeah, hurry up" sabay lakad palayo saakin ng may kinausap sa phone.

"YAHOOOOOO! KOYAAAAAAA!" kumatok katok ako sa pinto niya ng pabalik balik hanggang sa mairita siya. Malakas ang katok ko at mabilis.

"Ano ba! ARG! Natutulog ang tao!" Reklamo niya habang kinukusot ang mata niya. Nakatopless pa siya at boxer shorts.

"Magbihis ka na! Kakain tayo kasama sina Mommy at Daddy!" Tumalon talon pa ako.

Biglang lumaki ang mata niya sa gulat.

"Wag kang mag daydreaming Classy" -___-

"Seryoso ako! Magbihis ka na!" tinulak ko siya sa loob ng kwarto niya at tumakbo na sa kwarto ko. Nagbihis ako ng dress. Dapat girly ako ngayon. Ngayong araw na to ang araw na una kong makakasama ang parents ko kumain. Magbobonding kami! Can you believe it?! Kung kaya ko lang sumigaw na napakalakas sa sobrang saya, gagawin ko na.

Dress na floral na above the knee, sleeveless at flats ang suot ko ngayon. Tube siya at fit talaga kaya kitang kita ang sexiness ko at ang... ang... asar! Kita talaga ang maliit kong legs! >3

Pagkalabas ko ng kwarto, nagkasalubong kami ni kuya. Naka polo siya na checkerd brown at black at ripped gray jeans at vans. Ano ba meron sa vans na halos lahat ng boys ginagamit ganon? mmm.

Nakababa na kami ni kuya sa sala at naghihintay kanda Mommy at Daddy. Dumating na sila! Tumakbo agad ako sakanila at nagbeso at ganon din ang ginawa ni kuya.

"Lets go, were late. My clients are almost there" pagaapurang takbo ni Mommy palabas.

"C-clients?" bulong ko kay kuya na nag-shrug lang.

"Akala ko tayo lang apat..." i murmur. Sumakay na kami sa kotse ni Daddy at pumunta na sa 5 star restaurant.

Nakarating na kami at pumasok agad. Medyo marami na ang tao, malapit ng gumabi eh. Nagpareserve pala si Mommy ng isang mahabang table dahil ang daming clients na darating. Ito ata ang pinakamahabang mesa sa reataurant.

Umupo na kami. Si Mommy ang nasa pinakadulo habang si Daddy ang sa kabila. Nasa kanan kami ni Mommy. Halos 8 seats nalang ang vacant. May apat na, naguusap kay Mommy at Daddy, siguro darating na yung apat.

"Ooooh. Is this your youngest?" turo saakin ng isang babae habang kausap si Mommy.

"Yes. Classy Allison Cansey" proud na pagpapakilala ni Mommy saakin. Ngumiti lang ako. "And this is my eldest, Troy Cansey" sabat ni Daddy.

"Ang gaganda't gwapo!" nagtawanan silang lahat at bumalik na sa usapan.

"Drinks?" mahinang tanong ni Mommy.

"Yes please," mahinang sagot ko. Ngumiti siya at itinaas ang kamay niya para tumawag ng waiter.

Lumapit saamin ang waiter. "Orange juice. Ano sayo, Troy?" binalik ni Mommy ang atensyon niya kay Troy.

"Same" sabi niya na parang wala lang. Nakatulala lang siya.

"Gawin mo nang dalawa ang orange"

"Is that be all, Maam?"

Wait...

"Yes" binalik na ni Mommy ang atensyon niya sa clients niya at bumalik sa usapan.

Ang boses na yun, kilalang kilala ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya lang ang may boses na ganito. At siya lang ang nagpaparamdam saakin nito, ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pagtindig balahibo ko.

Lumingon ako at tinignan ang waiter. Tama ako.

Si Clifford...ay isang waiter ng 5 star restaurant...

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon