Chapter Fifteen- What's Happening?

29 1 0
                                    

Isang word lang ang masasabi ko.

Wow.

Isang napakalaking lugar para sa mga skateboarders na gumagawa ng iba't ibang stands/styles ng skateboarding. Yung iba, sa stairs nagpa-practice. Yung isa rin, flipping of the skateboards sa ground. Yung iba, sa isang straight na pole. At ang pinakaengrande ay ang pinakamalaking 'I dont know what it called' na parang u-shape na napakalaki? At yung tipong, galing sila sa pinakatuktok tapos, magske-skateboard pababa? Tapos sa other edge ng U nanaman? O__O magpapakamatay ba sila?

"Dyan ko nakuha ang sugat ko. Yan nalang kasi ang di ko maperfect eh," sabi niya ng nahuli niya akong nakanganga sa U shape style nila. Tssk.

"Ford!!" lumingon kami sa lalakeng tumawag kay Clifford. Matangkad din, matangos ilong, maayos ang hair kahit haggard. Makinis, moreno. May braces na color blue. Tall dark and handsome siya. Sino kaya tong poging to?

Tumakbo siya papalapit saamin habang may kargang skateboard sa bewang niya. Pink shirt ang gamit niya kaya klarong klaro ang dark pink nito sa sweat niya. Jeans at vans na shoes. Mmm, may itsura naman. Pero si John parin ang gwapo.

"Classy, this is Enzo, my bestfriend." Nakatingala din ako sakanilang dalawa.

"Enzo, this is Classy my--"

"Girlfriend?" deretsong tanong ni Enzo.

"No. My Girl Enemy" sabay smirk saakin, nagfake smile lang ako. Inabot niya ang kamay niya para magshake-hands. Hinawakan ko yun at ni-shake at agad nang binitawan. Baka magselos si John.

"Ito na ba yung beyond boring?" natatawang tanong niya. I roll my eyes at him kahit na nakatingin saakin si Enzo. Wala akong pakeelam kung ano ang first impression niya saakin, basta ipapakita ko kung sino talaga ako.

"Beyond cool" Sabay ngiti sakanya. Ngumiti rin siya. "May darating bang competition?" tanong ko. Tumango siya.

"I-tour kita?" tanong niya. "Okay" sagot ko. Lumakad lakad na kami hanggang sa malibot na namin ang buong lugar. Napakilala na nga ako halos sa lahat. Umupo muna kami sa bench.

"Kukuha lang ako ng coke, be back," tumayo na si Clifford at di ko napansin na nandito pala si Enzo? Di kasi umiimik.

"Yow!" sabay lapit sakanya. Itinaas niya ang kilay niya at ngumiti ng malaanghel.

"Matagal na kayong nagske-skateboard?" tanong ko para lang may masabi at maiwasan si Mr. Awkward

"7 years? Nagsimula kaming magskateboard ng 5 years old kami" mahinhin na sabi niya pero hindi siya nakatingin saakin, deretso ang tingin niya sa U shape din.

"Kailan pala kayo naging best buddies?"

Ngumiti siya at kuminang ang braces niya. "Nung 6 years old kami. Nang nagtransfer siya sa school namin, pero one year lang rin siya doon at bumalik agad sa old school niya,"

Aaahhhh. So nagtransfer siya for one year sa school ngayon ni Enzo. Tapos bumalik agad siya sa school namin ngayon na ang Montellon University.

"Ano nga pala school mo?"

"St. Lorenzo High"

Ow. So bestfriends sila kahit magkahiwalay sila. Long distance relationship. Loyal!

"So every night lang kayo nagmi-meet? Dito?"

"Exactly" this time, tinignan niya na ako at ngumiti. And ngayon lang nag sink-in saakin kung bakit siya laging puyat!

"Maliit!" napatingin ako kay Clifford. Kinuha ko ang coke mula sa kamay niya. Umupo agad siya sa gitna namin kaya medyo naipit ang lap namin kasi naman, close position kami kanina eh.

Ilang minuto na ang nakalipas at dun lang ako natauhan kung anong oras na.

"Sh.t" bulong ko habang natatarantang tumayo.

"Saan ka?" hinawakan ni Clifford ang braso ko. "Uuwi, natural. Bitaw!" pinilit kong kumawala pero di niya pinapakawalan.

"Iuuwi kita," nauna siya sa lakad at tumingin ulit siya kay Enzo. Nagtango sila sa isa't isa. Winagayway niya kamay niya at winagayway ko rin ang akin.

Nakarating na kami sa parking lot at bago pa ako makarequest, nabuhat niya na agad ako na parang wala lang. Mabilis siyang umandar ,"kumapit ka ha" Sabay andar.

Wala pa siya umandar ng mabilis, ready position na ako kagaya nung position ko kanina. Tumawa siya ng mahina at umandar na.

Nakarating na kami sa bahay at nagmamadaling nagdingdong. Lumingon ako sakanya at sumigaw ng thank you.

Bumukas na ang door at pumasok na ako. Nagmamadaling pumasok sa loob. 8:36 na!

"Anak! Saan ka ba nanggaling?" worried na tanong ni Nanay habang pinupunasan ng pawis ko.

"Saan si Mommy? Daddy?" natatarantang tanong ko. Sure ako magagalit yun.

"May meeting. Kain ka na muna," hinila ako ni Nanay sa kusina at pinakain na kami.

Meeting. Meeting. Meeting. Dyan umiikot ang buhay nila.

The Next Day

*Ping* bigla kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. May text from unknown number. Baka si John! Holliday pa ngayon eh at nasa mall kami kasama ng apat.

Message: Goodnews Classy! Today is the competition. Come here now at our place. It will be exciting. Clifford

From:09156734526

Clifford? Siya ba to? Hindi naman siya ganito magsalita ah? At lalo na't hindi niya akong tinatawag na Classy.

Ano ba kasi! Sino ba naman ang loloko saakin? Wala naman akong kaaway. O baka si John?! Magsuprise saakin?! O__O Kyaaaa!

"Ngiti pa more," Madi

"Bakit ka ngumingiti?" -Camille

Pinabasa ko sakanila ang text message.

"Punta ka," malumay na sabi ni Camille. "Sure kayo?" tanong ko sabay sip ng frap ko.

"Yes!" -Tarra

"Okay. Sure kayo di kayo sasama? Enjoy yun," gusto kong sumama sila.

"Okay lang. And alam mong ayaw namin ang skateboard?" Aya said.

"Oo pala. Sorry ha. Babawi ako," Sabay tayo ko.

"Frap ha?" masayang sabi ni Tarra.

"Okay" ngumiti ako sa kanilang apat at umalis na.

Ilang minuto na ang nakalipas ng nakarating na ako sa tambayan nila. Pagbukas ko ng old door. Nagulat ako.

Walang tao.

Pumasok ako at naglakad lakad paloob. Walang competition? Niloloko niya ba ako? O talagang....ako ang naloko? This can't be good.

Bago pa ako makaalis may sumirado na ng door at ni-lock. Sumilip ako sa likod kung sino. Familiar.

Mga kabarkada ni Clifford sa skateboard. Dalawa sila. Lumapit sila saakin.

"Anong kailangan niyo?" nanginginig na tanong ko habang daan dahan ding lumalayo sakanila.

"Isa lang ang kailangan namin..." tawa ng isa.

"....ikaw" bigla nila akong hinabol. WAAAAAAAAAA!! Tumakbo rin ako palayo sakanila. WAA!! Ano ba to?

"Gotcha!" bigla niya akong nayakap sa bewang na mula sa likod. Agad lumapit ang isa at nilagyan ng tape ang bunganga ko.

"MMMMMMM!MMMMMMM!!" iyak na sigaw ko. Ano ba tong nangyayari saakin? Ano to? Anong gagawin nila saakin?

Umiyak nalang ako ng umiyak...dahil alam kong anong gagawin nila saakin.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon