Chapter Fifty Four- ADIDAS

8 0 0
                                    


"Okay ka lang ba?" tanong niya habang tinutulak ang swing sa likod ko. Ako ang nakaupo siya naman ang tumutulak.

"Oo, ata" sagot ko sakanya.

"Ata? Mmm..." he scratches his chin and went infront of me.

"Tumawag ka saakin pero okay ka? Imposible naman yun. Ano bang problema?" umupo din siya sa isang swing katabi ko.

"Tanong ko lang uhh..." tinignan ko siya.

"May namamagitan ba kay Clifford at Camille?" mahinang tanong ko.

Naging ganito expression niya :O

"Ano na?" ulit ko. Isinara niya ang bunganga niya at umiling.

"Di ko rin alam eh, simula kahapon, wala siya sa mood nagpractice ng skateboard, maaga din siyang umuwi. Weird siya..."

"Di mo naman tinanong kung bakit?"

"Natanong ko pero, no comment lang siya. Weird nga eh, wala siyang sikreto na di sinasabi saakin" bumuntong hininga siya.

"Ano kaya meron..." bulong ko. Tumingin siya saakin na nakangiti.

"Anong tingin yan?" Nailang ako sa titig niya.

"Mahal mo siya ano?"

0/////0 "Ano ka ba naman! Anong klaseng tanong yan--"

"Oo o hinde lang naman ang hinihintay kong sagot"

"Uhh...hinde," napayuko ako.

"Alam mo..." napatingin siya sa langit. Tinititigan ko lang siya.

Tall.Dark.Handsome siya. Di tulad kay Clifford na Tall. White. Handsome.

"Alam ko na ano?" pagpapatuloy ko. Ngumiti siya pero di ako tinignan.

"Gusto kita,"

"HAAAAAA?" O.O?

"Gusto kita," paguulit niya.

"HAAAAAA?" O.O?

"..." -_____- tinitignan niya ako.

"What i mean is, seryoso ka?" natauhan ako ng pabalik balik lang pala ang sinasabi kong Ha.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" -___- sabay turo niya sa expression niya. Napatawa ako.

"Ahh ganon..." napatahimik na ako.

"Simula nung nakita kita sa place namin, nabighani mo na ako" >\\\\> tumingin ako sakanya pero umiiwas siya ng tingin habang pulang pula na siya. Awkward!

"Bakit di mo sinabi saakin agad?"

"Dahil alam kong type ka na ng bestfriend ko kahit di niya pa sinasabi saakin.."

"Magpaparaya ka?"

"Alangan naman agawin kita sakanya? Ano naman laban ko?"

"Er..." tinignan ko lang siya na kanina pa nakatingin sa gilid. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya. Para siyang bata, ang cute.

"Wag mo akong tignan ng ganyan" iling niya.

"S-sorry" ^o^v

Halos ilang oras din kaming nagduduyan sa swing habang nakatingin sa langit. Bigla siyang tumayo at inilahad ang kamay niya habang nakatingin parin sa ibang direksyon.

"Ano yan?" gulat na tanong ko.

"Palad ko" sagot niya habang di parin nakatingin saakin.

Hinawakan ko to. "Kailan mo ako balak tignan?" Natatawang tanong ko.

"N-nahihiya ako" he cleared his throat.

"Parang di rin tayo magkaibigan" tumawa ako at bigla ring napatigil ng narinig ko siyang may binubulong.

"Kaibigan, kaibigan, kaibigan, kaibigan" patuloy tuloy na bulong niya.

Nasaktan ko kaya feelings niya? >0<

Napatahimik ako ng nalamang nafriendzone ko nga siya. Sorry naman! Di ko sinasadyang mabanggit ang salitang kaibigan! Kaysa naman sa sabihin kong 'parang di rin tayong magkasintahan?'

Mas masakit yun dahil pinasaya ko siya sa kilig, pero sinaktan ko siya sa pagaasa.

"T-tara na. Kumain nalang tayo ng street foods dyan oh!" hinila ko siya para ma-distract siya at makalimutan ang sinabi ko.

"Limang isaw po at dalawang adidas!" sabi ko kay manong. Isinawsaw ko to sa hot sauce at iniabot kay Enzo ang isang adidas.

"Bwaaaaak! Ano to?" nadidiring turo niya sa adidas. Pinahawak ko sakanya ang stick ng adidas at kinagat ang akin. Halos nakaduling siya ng tinitignan ang gitna ng adidas.

"Eeeew! Oy! M-may tai pa yan ng manok!" Nadidiring sabi niya pero nagpatuloy lang ako sa pagkakain nito at nakangisi sakanya.

May naisip ako...

"Yaaaaaak!" tumakbo siya habang hinahabol ko siya, inilalapit ko sakanya ang adidas ko.

"Hahaha! Andito na si Mr.Tai Adidas! BWAHAHAHAHA!" mas binilisan niya ang takbo niya.

"I-ilayo mo yang germs na yan!" >o<

"Isang kagat lang naman!"

Para kaming mga tanga na nagtatakbuan sa park. 4:53 na kaya marami ng tao at mga bata.

Naman eh! Swerte yung Enzo na yun mahaba ang legs niya kaya malaki ang hakbang niya habang ako...bakit ba kasi ang liit ko >3<!!!

Sa paghahabulan namin, nagsasalian na rin mga bata saamin. Ang cuuute! *0*

Napatigil ako sa pagtakbo at iniabot ang adidas ko sa batang kanina pa nakatingin dito.

"Thankyou, ate!" kinuha niya yun at kinagat at muling naghabulan sa mga kalaro niya.

Lumapit saakin si Enzo na hinihingal. Ang dami niyang pawis na tumutulo galing sa ulo niya pababa sa leeg niya. Lumapit na siya dahil wala na akong dala na adidas, maru.

"Praise that kid!" turo niya sa batang binigyan ko ng adidas. Para siyang nanalo sa lotto sa saya. Tumawa ako ng malakas.

"Kalalake mong tao, takot ka sa walang kwentang bagay. Adidas? BWAHAHAHAHA!" hinawakan ko ang tiyan ko sa sobrang tawa.

"Tsss. Nakakadiri kasi" >____>

"Salamat ah," ngumiti ako sakanya.

"Para sa?" Pinunasan niya ang pawis niya gamit ang shirt niya.

"Sa pagsasama saakin..."

"Parang matitiis din kita,"

"May sinabi ka?"

"Wala! wala!" Sagot niya.

"Pahinga muna tayo doon sa bench"

Tumango siya at pumunta na kami doon. White shirt at black jeans na vans ang suot niya ngayon. Ang hot niya ngang tignan, ang chest part ng shirt niya ay puno ng pawis #0#

HASHTAG, HOT.

Umupo kami. Pareho naming hinahabol ang hininga namin.

"May nickname ka na saakin!" ngumiti ako sakanya.

"Ano naman yun?" ngumiti siya ng nalaman niyang may endearment akong ibibigay sakanya.

"Adidas" nagbig smile ako pero nagpout siya.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon