Chapter Forty One- She's Missing

22 0 0
                                    

Sunday ngayon kaya magsisimba kami nila kuya at ni Nanay. Dont expect na makakasama saamin sina Mommy at Daddy. Busy.

Pumasok na kami sa simbahan kasi medyo late na kami eh, si kuya kasi, masyadong paporma eh wala namang nagkakagusto sakanya. -__-

Umupo kami sa pinakaharapan at umupo na.

"Magandang umaga sa inyong lahat" masayang bati ng pari.

"Ang ganda naman ng mga ngiti natin ngayon ah, dapat ganyan lang dahil hindi niyo alam kung sino ang pinapaligaya niyo sa ngiti niyo, sobrang sarap sa feeling sa mga nanay at tatay dyan ng nakikita ang mga anak nila na masaya"

"Yes" sigaw ng mga parents habang tumatawa.

"Di kaya, meeting ang nagpapasaya sakanila" i murmur. Tinignan ako ni Nanay pero agad ding nakinig sa pari.

"Alam niyo, sa buhay natin, maikli lang ito. Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung hanggang kailan ka tatagal sa mundong ito, kaya sulitin na ang buhay na kasama ang inyong mga pamilya"

Cant take this anymore. Tumayo na ako at lumabas na muna ng simbahan.

"Saan ka hoy?" hinawakan ni kuya ang kamay ko.

"Magpapahangin lang" binitiwan ko ang kamay niya at lumabas na.

Umupo ako sa kotse at binuksan ang mga pinto. Mabuti nalang may susi ako ng kotse ni kuya. Nakinig ako ng music gamit ang earphones at ipinikit ang mata ko ng biglang may tumakpan ng bunganga ko.

"MMMMMMM!" tinignan ko kung sino. Di ko kilala sino pero binuhat niya ako palabas ng kotse.

Yung isang lalaki naman, tinatali ang kamay ko mabuti nalang natanggal ko ang nakapulupot sa bunganga ko.

"Sino kayo?! Anong ginagawa niyo ha! Bitiwan niyo ako! Hindi ba kayo natatakot? Nasa simbahan kayo ha! Simbahan! Bitaw nga! Tulong! Tulo--" may inilagay sila sa ilong ko na dahilan ng di ko pag hininga ng mabuti, agad akong nahilo at dumilim ang paligid ko.

***Troy's POV

Natapos na ang kaming nagsimba at pabalik na kami sa kotse ko. Asan na ba yung Classy na yun? Gagong bata. Yun lang ang topic, agad namang nahurt, masyadong madrama.

Napatigil ako ng nakitang nakabukas ang mga pinto ng kotse ko.

Ninakawan kame!

Tumakbo ako papunta doon at nakitang bukas nga talaga.

Pero ang tinataka ko, saan si Classy?

"Diyos ko po," iyak na sabi ni Yaya Ana ng may kinuha siya sa baba ng kotse ko.

Ang earphones ni Classy. Ang biik niyang earphones...

Umiiyak si Nanay Ana habang ako di alam anong gagawin sa sobrang takot, kaba, sakit, kaya agad kong kinuha ang phone ko at kinontact si Daddy since siya ang unang makikita sa phonebook ko.

Hirap kong i-tap ang phone ko sa sobrang nginig nito. Wagas ang iyak ni Yaya.

"Will you be quiet! Walang masamang nangyari sakanya okay?! Wala! Matapang siya! Kaya walang masamang nangya-yari" napabuntong hininga ako at pinahid ang luha ko.

"Daddy" sabi ko ng nasa phone na siya.

"Ano? May kailangan ka? Sabihin mo lang"

"Daddy, pumunta ka dito ngayon na"

"Busy ako anak, call your mom"

"Daddy--"

Pinatayan na ako ni Daddy.

"SHT!" sigaw ko sabay sipa sa kotse ko na dahilan ng pagcrack nito.

Nicontact ko si Mommy.

Stop crying, Troy!

"Mommy..."

"Anak, im busy right now" she said worriedly.

"Mommy, listen--"

"Anak, mamaya nalang ako makikinig sayo--"

"MAKINIG?! MOMMY! FOR ONCE PLEASE! MAKINIG KA SAAKIN! ANG ANAK MONG BUNSO NA SI CLASSY AY NAWAWALA AT HINDI NAMIN ALAM SAANG LUPALOP SIYA NAPUNTA KAYA WAG NIYONG SASABIHIN NA BUSY BUSY KA DAHIL HINDI MAHALA ANG BUSY MO SA NAWAWALA MONG ANAK! SO MOMMY! PLEASE..." Now, im totally crying. "Please Mommy...find her...please...dont lose her..." my voice is very low, and its totally broken.

Umupo ako habang umiiyak.

"I damn love her...so much...please..." hikbi ko.

"I'll be right there" i heard her sob.

I cant believe this. She's Missing. My sister is missing! Fvck it!!!

Pinatay ko na ang telepono at pinaandar ang kotse sabay contact sa pulis.

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon