Chapter Thirty Three- Majorette

17 0 0
                                    

"Goodmorning Class," bati ni ma'am Dorothy ng nakapasok na siya. Nagsiupuan at nagsibalikan ang mga kaklase ko. Ganyan naman kami palagi eh, ang gulo gulo at ang ingay ingay pero pag dating ng teachers parang in one blink, nakaupo na kami lahat sa proper seats namin.

"Class, i have an announcement to make" nagsitahimik kaming lahat at nakinig sa sasabihin ni ma'am pero hindi ako nakinig ng may marinig akong binanggit ni Ma'am ang name ko. Napatingin agad ako sakanya at napatayo.

"M-ma'am?" I ask awakwardly.

"Yes. You're right" nginitian niya ako.

"Know what Ma'am?"

"You'll be our representative for the majorette this school year."

"EXCUSE ME?!" napasigaw ako sa sobrang gulat O_____O

"Uhuh. Kasi sa bawat section ay dapat may isang representative dahil may darating na competition and tutal ikaw naman ang pinakamaganda dito sa room, pwes ikaw ang napili ko" she clasps her hands.

"But Ma'am..." nagpout ako.

"No but but. Swerte ka nga, ikaw napili ko"

"Pili nalang kayo iba" :D sabay peace sign.

"No. Thats final and besides, i already registered you"

"Tangina naman to oh," bulong ko.

"What did you say?"

"Sabi ko Ma'am tatanggapin ko na po ang alok niyo" >___>

"Good! I'll see you later lunch? There will be a few discussions about the competition"

"Okayy Ma'am" umupo na ako habang magkasalubong ang kilay ko. Napatingin ako kay John sa harap na kanina pa nakatitig saakin.

He winked at me and licked his lips. Wala na ba talaga akong kawala sa manyak na to? Grabe parin ang takot ko sakanya. Tuwing nakikita ko reflection niya, tumitindig mga balahibo na parang wala akong kawala.

Ipinikit ko ang mata ko sa sobrang takot na baka anong mangyari saakin. Bakit ba kasi ako natatakot? Di pwede to. Dapat maging matapang ako. Pero tuwing nakikita ko siya, parang gumuguho na ang mundo ko... ang weak weak ko.

May biglang humawak ng kamay ko, napabukas ako ng mata at tinignan kung sino humawak.

"Ipagtatanggol kita," he smirked. Mabuti nalang naiintindihan niya ako. Mabuti nalang nandito siya. Mabuti nalang nagegets niya ako. Mabuti nalang.

Nakahinga na ako ng malalim at ngumiti kay Clifford. Binitawan niya na ako ng may pumasok na dalawang babae sa room namin.

Sina Tarra at Aya.

Akala ko sasabunutan nanaman nila ako pero may binasa silang announcement.

"We would like to inform you that the father of Jehan Delos Santos has passed away yesterday. We would like to ask any voluntarily amount from you to help them. Thankyou for your help." tinignan agad ako ni Aya ng natapos na siyang magbasa. Isa isa ng lumapit saamin si Tarra para humingi ng pera.

Kumuha ako ng 100 sa wallet ko at inantay na dumating siya. Nang nakarating na siya sa harapan ko, nginitian niya ako at nginitian ko rin siya.

"Any amount, Ma'am" sweet na abot niya ng palad niya saakin. Inilagay ko sakanya ang 100 ko.

"Ikaw naman kung maka-Ma'am ka saakin parang wala tayong pinagsamahan" nginitian ko siya pero di niya na ako pinansin at pumunta na sa ibang tao.

"Ay? Snabera? Peymus? Pfffft" i said while fixing my hair. She looked at me, i can see at her eyes that she's pissed off. Good for her.

"Hindi ako peymus," she said bitterly. I laughed.

"Tama ka, because you're plastik" i winked at her but she went out the room angrily.

Nagulat si Aya at nagpasalamat na saamin at hinabol na palabas si Tarra.

"Anong ginawa mo?" tanong saakin ni Clifford.

"Did what?" Tanong ko, acting like an innocent.

"Dont be a coy, Allison. Anong ginawa mo? Bakit siya nagwalk-out?"

"Na-realize niya na kasi na plastik siya, yun lang" umiwas na ako ng tingin at tumingin na sa adviser namin na nagtuturo. Narinig ko siyang huminga ng malalim at nakinig na rin.

Lunch na at pumunta na ako sa stadium na kung saan may meeting kami ng mga majorette.

"So ikaw pala ang representative ng majorette?" May kumausap saakin sa likod. Hinarap ko siya at as expected, si Madi. Si Madi ang representative nila.

"Di ba halata?" I smiled at her.

"Pipiliin daw kung sino ang head majorette and dont be confident na ikaw yun" she also smiled at me.

"At sino naman kung di ako? Ikaw?" tumawa ako,"please, dont make me laugh at your jokes."

"Lets just wait and see," she smirked at me at pumunta na sa crowd. Pumunta na rin ako doon kasi dumating na ang trainer naming bakla na magtuturo saamin ng steps.

"Goodmorning majorettes! Ang gaganda niyo naman!" tumawa siya habang nililibot libot ang mata niya saaming lahat.

"Kailangan ng head majorette, at pipili ako kung sino ang nakapasa sa standards ko" nagsingitian ang mga babae dahil nageexpect sila na sila ang pipiliin.

"I already found who it is," nagsikiligan na ang mga babae.

"You girl," sabay turo saakin. Napangiti ako at aakyat na sana ng stage nang...

"Missy, not you, her" sabay turo sa likod ko. Si Madi. Tumawa siya at dinaanan ako.

"Wag kasing feeling," sabay akyat ng stage.

Napahiya ako nun ah. Tsssk. Nakakainis, bakit hindi ako? Dapat ako! Dapat ako dahil mas maganda ako! Di naman deserving si Madison! Nakakasar, napahiya na nga ako, nakakabadvibes pa mukha niya sa stage.

Nagstart ng magpractice with heels. Mabuti nalang medyo carry ko na to, pero saaming lahat ay 3 inch lang habang ang head majorette naman namin na si Madi ay 5 inch.

Nagsimula na kaming maglakad lakad habang kumekembot at iniikot ang baton namin.

Ang formation kasi namin ay parang window window lang para makita lahat. Since pandak ako, ako ang isa sa pinakaharapan.

"MADI!" sigaw ko ng bigla siyang natapilok. Lumapit ako sakanya at tinulungan siyang itayo. Tinignan niya ako ng matagal pero agad ding tinulak palayo kaya nadapa ulit siya.

"AHHH!" sigaw niya habang hinahawakan ang left ankle niya. Lumapit ulit ako para tulungan siya at nagsitulungan na rin ang iba.

"Mygosh! Bring her to the clinic!" Panic na sigaw ng trainer.

Nakaakbay ang isang braso niya saakin habang ang isa naman ay sa ibang tao. Itinataas niya ang left legs niya habang ang isa naman ay lumalakad.

Nakarating na kami sa clinic. Tinitignan ko lang siya habang nilalagyan ng bandage ang ankle niya. Nakapikit siya sa sobrang sakit. May bumukas ng pinto.

"Ikaw!" sabay sampal saakin ni Tarra. Sinampal din ako ni Aya at ni Camille na sobrang lakas. Ni hinde pa ako naging ready.

"Bakit mo to ginawa sakanya ha?!" sigaw ni Aya.

"Oy! Hindi to sabunutan place, clinic to!" sigaw ng nurse saamin.

"How dare you hurt her! Get.Out!!!" sigaw saakin ni Camille. Tumakbo na ako palabas ng clinic at pinahid ang luha ko.

Kahit anong gawin ko, di na talaga ako makakabalik sakanila. Pero iba parin eh, ang sakit lang isipin na mismong pinagkatiwalaan mong bestfriend dati ay enemy mo na ngayon. Kahit anong gawin ko, ayaw na talaga nila saakin. Miss ko na sila pero kailangan kong tanggapin na ang hinde pwede, ay hinde na talaga pwede.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon