Chapter Forty Three- He's Missing

24 0 0
                                    

"Saan si Clifford?" tanong ko kay Enzo na agad na nawala ang ngiti sa labi. Bigla siyang lumabas ng room. Whoa. Anong ginawa ko? May masama ba akong nasabi?

"Ano ka ba, ate" lumapit saakin si Catton. Tanghali na ngayon. Ako, si kuya at Catton nalang ang naiwan. Naglunch lang sila Nanay, Mommy at Daddy.

"Si kuya Enzo ang nagsave sayo pero iba naman ang hinahanap mo" hinaplos niya ang buhok ko. Si kuya, nasa sofa, natutulog.

"Si Enzo ang lumigtas saakin?" di mapaliwanag kong tanong.

"Oo, sino inaasahan mo? Si kuya Clifford?" Umupo siya sa tabi ko na dahilan ng paglubog nito konti.

"Kaya umalis si kuya Enzo kasi nasaktan siya na iba hinahanap mo kahit nasa harapan mo na siya,"

"Bakit naman siya masasaktan?"

Di kaya nasaktan siya dahil selos siya kasi crush niya ako? Imposible yun dahil alam niyang gusto ako ng bestfriend niya.

"Sino ba naman ang hindi masasaktan, aber?! Ikaw kaya, niligtas mo ang isang tao pero iba ang inaakala niyang lumigtas sakanya, ano mararamdaman mo?" -__-

Oo nga naman. Ikaw naman Classy, wag kang feeling!

"Hehe. Oo nga nu, pero..."

"Pero ano?" kumuha siya ng tubig sa side table ng kama ko at uminom.

"Pero bakit wala si Clifford?"

Inilagay niya muna ang tubig sa table at tinignan ako.

"K-kasi..."

"Kasi?"

"Uhh...kasi...ano...uhh..."

"Ano na?"

"Uhh eehh iihh ooohhh..."

"Uuuh?" -__- pagtatapos ko sa linya niya. Ngumiti siya. "Ano na kasi?" inis na tanong ko.

Umiwas siya ng tingin at pinikit ang mata niya.

"Bigla nalang siyang nagwaras at nawala nung nalaman niyang hindi siya ang nakaligtas sayo..." deretsong salita niya. Napatameme ako at di makasalita.

Bakit niya naman gawin yon?

"Saan siya ngayon?"

"Yun ang di ko alam, bigla nalang siyang nag-drive ng mabilis ng nalaman niyang nacheck-in ka na sa room"

"Saan naman yun napadpad?" Inilagay ko ang palad ko sa mukha ko na agad ding tinanggal sa sakit ng maga ko sa mukha ko, nakalimutan ko tuloy.

Kinuha ko phone ko at tinawagan si Clifford.

Sorry, the subscriber cannot be reach, please try again later

"Later?! Eh bugbugin kaya kita dyan!" sigaw ko sa phone ko na dahilan ng pagkagising ni kuya.

I smiled awkwardly at him who just roll his eyes and went back to sleep.

Tumayo ako.

"Oooh ate! Anong ginagawa mo?" hinawakan niya ang braso ko.

"Magva-volleyball. Natural, edi tatayo" pilit kong tumayo pero di niya ako binibitawan.

"Bakit? Kailangan mong magpahinga sabi ng Doktor"

"Kalimutan mo ang sinabi ng doktor" -___-

"Di pwede!" angal niya.

Bumuntong hininga ako at humiga nalang ulit.

"Okay fine" i murmured.

Ngumiti siya ^__^ pero poker face parin ako =__=

Nagslice siya ng mga apples at nagtimpla ng gatas. Di ko naman gusto yan ah.

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon