Chapter Seventy Seven- Lola's Life

5 0 0
                                    

"TOTOO BA YUN HA? MAY KARELASYON KA SA BAKLANG YON?!" sigaw ng anak kong si Maribeth, nanay ni Clifford.

"Honey--"

Narinig ko ang pagsampal ni Beth sa asawang si Pablo na ama ni Clifford. Nasa kwarto ako ngayon, nagtatahimik nalang at hinahayaan silang magaway, di naman ako pwedeng makisabat sakanila dahil problema nila yan.

"WAG NA WAG MO AKONG MATATAWAG NA HONEY! WAG MO AKONG HAWAKAN NAKAKADIRI KA!!!" iyak niya. Gusto ko mang lapitan ang anak ko pero di pwede, kailangan ko silang pabayaan.

"Sorry please...please, patawarin mo ako"

"SORRY?! SAWANG SAWA NA AKO SAYO! ALL THIS TIME, HABANG BINUBUHOS KO ANG PAGMAMAHAL KO SAYO PABLO, BINUBUHOS MO RIN ANG PAGMAMAHAL MO SA LALAKENG YUN! HOW DARE YOU! NAKAKAHIYA KA! PABLO!"

"Sorry..." paguulit nito.

"MAGPAPADIVORCE NA TAYO! AYOKONG MAGKAROON NG LALAKING MAKAKASAMA KO HABANG BUHAY NA ISA RIN PALANG...BAKLA!!! ANO NALANG ANG IPAGMAMALAKI NG ANAK NATING SI CLIFFORD NA NANDUN SA TITA NIYA NGAYON? NA BAKLA ANG AMA NIYA? GOSH!" narinig ko silang umalis ng bahay. Lumabas ako at walang magawa kundi ang humintay.

Ilang oras din akong naghintay at laking gulat ko ng pumasok sila ng pabiglaan sa loob. Nataranta ako ng humihingal sila.

"Anong nangyari?" nataranta din ako ng parang nakapatay sila.

"N-n-nabanggaan n-namin ang i-isang client na sobrang impotante... n-nandun sa hospital ngayon..." parang naging baliw si Maribeth habang di alam anong gawin. Nanginginig ang mga kamay nila.

"Aaah shit! Kasalanan mo to eh! Kung di ka nagdrive ng mabilis edi sana okay ang lahat!" sigaw ni Pablo kay Maribeth.

"Ako pa?! Sino pa ang punot dulo nito?!"

"Tama na!" pagpipigil ko. May kumatok sa pintuan.

"Ma, ma tumago na kayo please..." tinutulak tulak niya ako pero ayaw ko.

"Dito lang ako, Beth" naguguluhan na sabi ko.

"Ma, please...please" tumulo luha niya. Pinahid ko ito at tumago rin sa cr na kung san ay malapit lang sa sala.

"Pulis to! Buksan niyo ang pinto!" sigaw ng mga lalake sa labas ng bahay. Sumilip lang ako ng konti. Binuksan nila ang pinto at laking gulat ko ng bigla silang binaril ng dalawang lalake. Nakajacket ito at parang may nagpautos.

Gustong gusto kong tumakbo palapit kay Maribeth at Pablo na duguan sa sahig, nakahiga na may bala sa ulo. Ang bilis ng pangyayari, napako ako at tumutulo na ang mga luha ko.

"Boss mission complete" sabi ng isang lalake na may kausap sa telepono. Nakinig ako ng mabuti. Pinipigilan ko ang malakas kong hikbi, di dapat nila ako marinig... Itatayo ko ang hustisa...

"Wala bang nakakita?"

"Wala boss"

"Ilibing niyo na bago pa may makakita"

"Yes boss" pinatay nila ang telepono at nagtinginan silang dalawa.

"Ilibing na natin," yakag ng isa.

"Malaki ata ang bonus natin kay Mr. Cansey, eh"

"Bakit pinapatay sila saatin ni Boss Cansey?" sinimulan nilang kargahin ang dalawang bangkay.

Jusko po...ang anak ko...

"Sabi daw kasi nasagasaan daw nitong dalawang to yung kliyenteng mahalagang mahalaga kanda Mr. Cansey" tuluyan na nilang dinala sina Maribeth at Pablo palabas.

Hindi man lang ako makatayo at iyak ang ako ng iyak. Nakita ko sa aking dalawang mata kung paano sila pinatay. Ang anak kong si Maribeth at ang tinuring kong anak na rin, si Pablo...wala na sila dahil sa pagpapautos nung Mr. Cansey na yun...

C.A.N.S.E.Y.

Hinding hindi ko makakalimutan yan. Ang mga pangalan na yan. Hahanapin ko siya. Papatayin ko siya, kahit mayaman man siya basta mahanap ko ang hustisya.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga taong pumatay sa mga taong mahal ko. Maghihiganti ako.

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon