Chapter Sixty Four- She's Alive

9 0 0
                                    

***Maskarade Ball

Nagsisiyahan na kaming lahat. 6 nagstart ang ball at 8 na ngayon. Kakatapos na namin kumain at nagsasayawan na kami. Halos lahat sila nagsasayawan na, slow dance pero ako, nandito parin nakatulala habang naaalala nanaman si Classy. Siya dapat ang first and last dance ko. Hinding hindi ko siya ibibigay sa iba, ako lang dapat. Napapatili ako tuwing nakikita ko na ang torotot niyang bunganga na nagrereklamo kung bakit di ko siya pinapabayaang isayaw ang iba.

Iniisip ko nanaman siya kung gaano sana siya kaganda ngayon. Tatangkad kaya siya kung gumamit yun ng heels? Napangiti ako. Ngayon ko pa sana makita ang taong mahal ko na for the first time ay nakagown.

"Di ka pa ba sasayaw, Clifford?" tanong ng isa naming classmate na may kasayaw na babae. Nasa tapat ko sila.

"Hinde eh," sagot ko.

"Ang kj mo naman"

"Hehe" nagfake smile at laugh ako. Nagpatuloy lang sila sa pagsayaw. Napatingin ako sa glass door kung saan ang entrance at exit.

Bumuntong hininga ako. Nanliit ang mata ko habang nagmamagic sa utak ko. Bubukas ang door at magpapakita ang taong mahal ko na sobrang ganda... shet.

Biglang bumukas ang glass door at parang ang labo ang buong paningin ko at siya lang ang nakita ko.

Nakasilver long gown siya. Fit na backless din. Klarong klaro ang curve niya habang may kasamang lalake.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kahit nakagray stunning mask siya, kilalang kilala ko siya. Basta taong mahal mo, kahit anong anyo pa siya, makikilala mo parin talaga siya.

Pero pakshet! Di ko alam na isa na pala ako mahikero?

Nakatunganga lang ako. Di pwede to. Nababaliw lang ako.

Habang lumalakad siya, tinitignan siya ng lahat na parang di siya nakikilala. Parang kagaya lang nung naging maganda siya dati at sumayaw ng 'who run the world girls' at ako lang yun ang unang nakakilala.

Tumayo ako at sinalubong siya. Malapit na ako sakanya pero parang wala lang siya, hindi niya ako nakikilala.

Palapit ng palapit, panikip ng panikip ang dibdib ko at tila lumalakas ang tibok ng lecheng puso ko. Hinahabol ko ang hininga ko.

Dinaanan ko siya pero hinawakan ang siko niya. Parang may dumaan na kuryente sa buong parte ng katawan ko ng nahawakan ko siya.

Nagulat siya at nung kasama niyang lalaki.

Napatingin siya saakin habang nakakunot ang noo niya. "I know it is you..." bulong ko na dahilan ng paggulat niya.

Her POV

Medyo masakit ang ulo ko nun. Pagkagising ko, nagulat nalang ako ng nasa kwarto ako. Ewan ko kung anong kwarto pero paggising ko, may bandage ang buong mukha ko.

"Mabuti nalang gising ka na" napatingin ako sakanya.

"Saan ako?"

"Paris"

"HAAAAAAAAAAAAAA?!" O___________O

Binuksan niya ang bintana na nagpakita ng eiffel tower ng paris.

"Youre kidding" bulong ko habang di parin maitago ang pagkagulat ko.

Paris? Ako? Paano? Kailan? Bakit?

"I'll explain later, basta kasi nalaman ko ng favorite mo ang lugar na paris kaya gusto ko ako ang dadala sayo"

Bigla kong naalala si Clifford.

"Bakit may bandage ang buong mukha ko?"

"Pinaayos ang mukha, not excatly nagparetoke, but inayos lang dahil nasunog mukha mo"

Whoa. Oo pala...nasa mall ako non. Naglalakad ng may sunog naganap. Natrap ako nun at nahulugan ng mga nasirang bagay bagay na dahilan ng di ko pagbangon. Akala ko wala ng pagasa dahil di na ako makahinga. Sigaw ako ng sigaw na tulong. Sigaw rin ako ng sigaw ng pangalang inaasahan ko. Bukambibig ko nun si Cifford. Pero biglang may kumarga saakin at itinakbo ako palabas.

"Anong araw ngayon?" tanong ko.

"Wednesday. Five days kang walang malay. Kaya nung saturday, sumakay tayo ng private plane papuntang paris para ipaayos mukha mo"

"Ow. Pero may ball kami this monday" worried na balita ko.

"Dont worry, babalik tayo doon." pinainom niya ako ng gamot na ininom ko naman.

"And that night, makikilala na nila ang inakala nilang yumaong na...the new Classy..."

"Maraming salamat sa lahat ah..." sabay tingin sa taong nagligtas saakin.

"...Enzo"

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon