Chapter Twenty Two- Its Showtime

21 1 0
                                    

Ang usapan namin ay 12pm, pero 2pm na, wala parin siya. Nakalimutan niya kaya na date namin ngayon? Kanina ko pa chine-check ang phone ko kung may text or calls galing sakanya. Pero wala.

Sabi nila: Kapag may date kayo ng girl/boyfriend mo, at ang usapan ay 3pm at sumupot siya for more than an hour, hiwalayan mo na. Dahil daw hindi ikaw ang first priority niya. Kung mahal ka niya, ikaw ang uunahin niya.

So...hihiwalayan ko na ba siya? Wait, ang tanong kami ba?

"Classy!" lumingon ako sa tumawag saakin mula sa likod.

"Akala ko di ka na darating"

"Traffic lang," pawis na pawis siya. Tama ako, ako una priority niya. Bigla siyang kumapa kapa sa bulsa niya. "Shit" bulong niya.

"B-bakit?" tanong ko. "Cellphone ko, nasa bahay, naiwan ko" bigla niya akong hinila papunta sa kotse niya at agad agad na umandar.

"Babalikan lang natin ang cellphone ko" ngumiti siya kahit ang tingin niya ay nasa road.

Nakarating na kami sa bahay niya. Ang laki O__O pero ng nasa loob na kami, walang tao. Hinila niya ako sa kwarto niya.

"Upo ka muna sa kama, iihi lang ako" pumasok siya sa cr niya at naglock. Umupo ako sa kama. Nilibot ko ang mata ko sa kwarto niya. Ang linis, kasing linis ng kwarto ko.

*Ringggggggggg!!!* biglang nagring ang phone niya na nasa table sa side ng kama.

Sasagutin ko kaya? Tinignan ko ang phone... Leonard Satoz Calling...

Sino kaya to? Bestfriend ata. Baka emergency din diba? Kinuha ko ang phone niya at sinagot. Sasabihin ko pa sana na hindi ako si John pero...

"Hello dude? Musta na yung panloloko mo sa babaeng manang na yun? Nainlove ka na ba sakanya? Woooow! Wag ha? Ni minsan, di naging manang ang taste mo. HAHAHA! DUDE? Andyan ka pa?"

Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

"Oh dude? Andyan ka pa?" Paguulit niya.

Nalaglag ko ang cellphone at nakatunganga lang.

Niloloko niya lang ako...

Hindi niya ako mahal...

Niloloko niya lang ako...

Bakit...bakit...bakit...

Biglang lumabas si John at nagulat sa itsura ko. Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko. "Okay ka lang--"

"OKAY?! OKAY?! HAMPAS LUPA KA! MANLOLOKO KANG HALIMAW KA!!" patuloy ko siyang pinagsusutok, ang labo ng paningin ko sa dami ng luha ko...ang sakit...

"A-anong ibig mong sabihin?" guilty na tanong niya.

Kinuha ko ang cellphone niya at hinarap sakanya habang patuloy na bumubuhos ang luha ko.

"NASABI NA LAHAT NG KAIBIGAN MO ANG PAKAY MO SAAKIN! GAGO KA! WALA KANG PUSO--" na-choke na tuloy ako sa iyak ko. Never akong umiyak ng ganito, never akong umiyak dahil sa isang tao at hinding hindi ko naranasan ang ganito.

"L-let me explain," hirap na paliwanag niya. Itinapon ko ang cellphone niya sa sahig na dahilan ng pagsira nila at kung saan saan nalang napunta ang mga pieces ng cellphone niya. Apple pa naman yun.

"Explain...?" iyak na sabi ko. Pinahid ko ang luha ko at sinubukang magsalita kahit ang hirap. Pagod na pagod na ako.

"All my life...waiting for that man who'll be my forever, at dumating ka sa buhay ko, especially sa puso ko..." Sabay turo sa puso ko,"...pero sinira mo to" sabay turo ulit sa puso ko. Nilagay ko ang palad ko sa mga mata ko at umiyak ng umiyak.

"Classy...I'm sorry"

Tinignan ko siya. "Sorry?" I chuckled.

"Kahit ilang billions na sorry ang sasabihin mo, wala nang magagawa ang nasira mong puso! MANLOLOKO KA! MINAHAL KITA! MINAHAL KITA...P-PERO...PINAGLARUAN MO AKO! SINERYOSO KITA! LARUAN BA AKO HA?! DEMONYO KA..." napaluhod ako at niyakap ang binti niya.

"BAKIT MO AKO NILOKO...BAKIT...PLEASE, SABIHIN MONG HINDI YUN TOTOO...mahal kita...bakit mo to nagawa..." umiyak ako ng umiyak sa hinti niya habang nakaluhod parin.

"Totoo yun" bulong niya.

Tumayo ako at sinampal siya ng pagkalakas lakas "HAYOP KA!" tinulak ko siya ng malakas at aalis na ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inunahan ako sa pintuan. Ni-lock niya.

Shit.

"Ano to?" takot na tanong ko. Don't tell me...

Lumapit siya saakin at tumawa.

"Its showtime" sabay tulak saakin sa kama.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon