Chapter Forty Seven- Memory

22 0 0
                                    

"Kasalanan mo to!" tinignan ko si Camille na nakangiti lang saakin.

"Akin ka nalang kasi, hindi kita iiwan di tulad ng ginawa nung unano na yon. Hinayaan ka niyang-- "

"ENOUGH! Iniwan niya ako dahil akala niya na may nangyari saatin! Kahit wala naman! Ano bang pumasok sa isip mo ha!?" halos guguho na ang room sa sobrang lakas ng sigaw ko.

"Ipagpatuloy nalang natin ang ginagawa natin" kumapit siya sa braso ko pero kumawala ako sa pagkakahawak niya. Naitulak ko siya sa kama para ilayo saakin. Nawala tuloy ang pagiging gentlemen ko!

"Ano bang problema?" di mapaliwanag niyang tanong.

"PROBLEMA?! ANG PROBLEMA KO ANG GINAWA MO! NAKITA MO BA ANG GINAWA MO? DAHIL SA GINAWA MO, NILALAYUAN NA AKO NG TAONG MAHAL KO! AT NAMOMOBLEMA AKO KUNG PAANO NIYA ULIT AKO MAPAGKAKATIWALAAN!"

"Pabayaan na natin siya, tara na." hinila niya ako sa kama pero itinapat ko ang kamao ko sa mukha niya habang nanginginig ang buong katawan ko.

"Sige! Susuntukin mo ako?" pagyayabang niya.

"Shit!" umalis ako sa room at tumakbo na pababa. Lumapit saakin si Anthony at di ko na napigilan, nalabas ko ang galit ko at sinuntok with full power si Anthony. Halos narinig ko pa ang pagkabali ng panga niya pero nagpatuloy sa paglalakad palabas ng club.

Nakita kong nakayakap si Classy sa likod ni Enzo habang nagdrive ng motor.

Napaupo nalang ako sa sahig at umiyak. Pinigilan ko pero di ko kaya. Bakit pa kasi nangyari to? Ang malas malas ng timing! Sa oras na mamahalin niya na ako, may humarang pa!

"Sht! Fck! Sht! Fck! Damn! Fck! Shit..." itinumba ko ang mga motor sa parking lot habang umiiyak, sinisipa ang mga kotse na parang nagwawaras.

"Dude!" lumapit sakin dalawa sa kabilang ng street boys. Pinigilan nila ako at hinawakan ang braso ko. Pilit kong kumawala pero ang hina hina ko na...

Napaupo kami at umiyak ako ng wagas.

"Dude! Anong nangyayari sayo? Di ka pa umiyak ng ganyan, ano problema?"

"Iwan niyo na ako!" sigaw ko at yumuko.

"Nandito lang kami para sayo, dude"

"SABING IWAN NIYO NA AKO! FUCK!" sigaw ko sakanilang dalawa. They raise their hands in the air as if they are surrendering.

Pumasok na sila sa club habang ako naiwan sa labas, umiiyak.

Classy's POV

Bumaba kami sa park. Umupo ako sa swing ng dahan dahan habang tumutulo ang mga luha ko. Umupo din si Enzo sa side ko, dalawa kasi ang swing.

"Tahana," he whisper, his voice is low and husky.

"Bakit ganito..." i started talking.

Hindi siya sumagot. "Ayoko na, di nanaman ako iiyak at magdadrama. Lagi nalang ganito...sanay na ako" pinahid ko ang luha ko habang tumatawa at tinignan ang mga bituin sa langit. Tumayo ako.

"AYOKO NA!!!" Umiyak nanaman ako habang nakatingin parin sa langit.

"TAMA NAA! DI KO NA KAYA! TAMA NAA...PLEASE..." nanginginig ang buong katawan ko.

"PLEASE! SAWA NA AKO SA NAGAGANAP SA BUHAY KO! PABALIK BALIK NALANG! SINASAYANG NILA ANG TIWALA KO..." i lost my voice. Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Enzo mula sa gilid.

Si Enzo. Di ko na dapat siyang pagkatiwalaan. Di na pwede. Masasaktan nanaman ako.

"Nandito lang ako," bulong niya sa tenga ko.

"Sinasabi niyo lang yan, pero kung napagod din kayo, iiwan niyo na rin ako sa tabi tabi." pinahid ko luha ko pero patuloy parin ito sa pagpatak. Ewan ko kung ito parin ang mangyayari sa huling buhay ko. Siguro sa buhay, kailangan na talaga nating tanggapin na ganito na talaga ang nakalaan saatin, matuto tayong makontento.

Pero paano ako makontento sa pabalik balik na sakit na nararamdaman nitong puso ko?

Hindi sumagot si Enzo pero mas hinigpitan niya ang yakap niya saakin.

"I'll prove you, then" he said.

"Sige. Pero di ko na maiibibigay ang tiwalang inaasahan mo mula saakin"

"Okay lang." Ngumisi siya. Napatahimik ako.

Ngisi...si Kapre ang gumagawa lagi niyan...

"WAAAAAAAAAAAAA!!!" napasigaw na tuloy ako sa iyak ko ng maalala ko yun. Ang daming iniwan na memories ng ulol na yun sa buhay ko. Kailangan ko nalang tanggapin na ang taong nagbibigay ng maraming memories sayo, ay sa dulo magiging memories nalang siya sa buhay mo...

Ang sakit sakit naman eh! Yawa tong buhay na to! Ayoko na! Suko na ako...tama na kasi!

Napatumba ako bigla at mabuti nalang nacatch ako ni Enzo. Tila bigla nalang naging jelly ang mga paa ko. Ang hina hina ko na. Ang sakit na ng buong katawan ko, pero walang wala ito sa patuloy na pagsira ng puso ko.

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon