Chapter Thirteen- Stupid Treat

39 1 0
                                    

"Eto, eto, eto, eto, eto, eto" sabay smile saakin ng masabi niya na lahat ng gusto niya. Nandito kami ngayon sa jollibee.

"Yung lang?" tanong ko.

"Lang?" sarcastic na tanong niya. Ano ba to siya? Baliw.

"Yeah? Seryoso nga. Yan lang?" pag-uulit ko. Tinignan niya ako na parang may sinasabi sa isip niya. I really hope I can read minds. Hekhekhek.

"Eto naman, di mabiro." umiwas siya ng tingin at tumingin sa poster na menu. Nilagay niya ang kamay niya sa jaw niya at parang pumipili ng i-oorder. Tsssk. I hate being with this guy.

"Fries," tinignan niya ako at ngumisi.

"Fries....? at?" itinaas ko ang kilay ko.

"Fries." diin na sabi niya. Fries lang? Seriously? -___- "Niloloko mo ba ako?!" sigaw ko.

"Mukha ba akong manloloko?" ngumiti siya ng malawak.

"Humanap kay nalang nga ng table! Shoo!" sigaw ko at nagsimula ng pumila. Mabuti nalang, walang masyado kumakain ngayon.

"Isang burger at isang fries" deklara ko sa babaeng cashier. Kinuha niya na agad ang orders, ang bilis nga eh, natural naman kasi dalawa lang ni-order ko.

Lumapit na ako sakanya. Inilapag ko ang trey sa table na ikinagulat niya. Nakaear-phones kasi siya. Tinanggal niya agad yun at ngumiti saakin, sign of saying thankyou. Whatever.

Kumain na kami ng kumain. "Biik?" tawang tawa na sabi niya ng inilagay ko ang earphones ko sa tenga ko.

"Oo. May problema?" inis na bigkas ko. Masyadong makulit, nakikita niya namang kumakain ako. Distorbo.

"Buti pa ang akin..." itinaas niya ang earphones niya at pusa ang kanya.

"Ew! Cats? I hate cats!" nadidiring sigaw ko. Bigla siyang tumahimik at inilagay sa bag niya. Teka, naoffend ba siya? Para yun lang!

Hindi na kami nagimikan. Gulp.

Spell Awkward.

U-S

"Tara na, ma-late na tayo" tumayo na agad ako para hindi na awkward. Tumayo din siya at ngumiti na, mabuti naman. Minsan gusto kong nakangiti siya pero minsan hinde. Tuwing di kasi siya ngumingiti  kinikilabutan ako, parang may evil plan.

Sumakay na kami ng tricycle. "Pabilis po, manong" mahinhin na pakiusap ko.

"Kasalanan mo to!" sigaw ko sakanya habang sikip na sikip kami sa loob ng tricycle. "Ano nanaman ginawa ko?" O_O

"Bakit kasi sa dami ng pwedeng makainan, dito pa sa jollibee. Ang layo sa school natin! At fries lang?! ISH! Nakakainis ka talaga!" galit na paliwanag ko. Tumawa lang siya na parang loko.

"Sa yaman mong dyan? Isang burger? Hahaha!" masayang balus niya.

"Di ako gutom!" sinampal ko ang kamay niya na nakapatong sa lap niya.

"Ilan ba baon mo kada araw?" tanong niya na hindi parin nawawala ang ngiti niya.

"250" deretsong sagot ko. "Uhh..." sagot niya. "Eh ika--" naputol ng sinabi ko ng nagsalita si Manong Tricy.

"Dito na po" Pinauna akong pinababa ni Clifford. Binayaran ko na agad si Manong at kumaripas na kami ng takbo papasok sa school.

"Di ba magagalit ang manliligaw mo na kasama kita?" tanong niya habang tumatakbo kami.

"Nagpaalam na ako," proud na sabi ko. Umiling siya at ngumiti ng parang loko. Loko loko talaga kahit kailan.

Nakarating na kami sa room at sakto talaga na pumasok na ang next subject teacher. Nagsimula ng mag explain.

Arrrrrrrrg -_______________-" ang sakit ng paa ko sa kakatakbo.

Nakapikit ang mata ko pero nagsisink-in ang mga sinasabi ni Sir.

Pagbuka ko ng mata, nagulat ako ng kami nalang pala ni Kapre ang nasa room. Natutulog din siya. Tumayo ako at nakita ang papel sa desk ko.

Nauna na ako. Di na kita ginising, mukhang pagod ka. See you nalang when I see you.
                                                             John xoxo

Oooooooooow ^\\\\\\\^ ang sweet talaga ng manliligaw ko! Ni-keep ko na sa book ko para di makumo.

Ni ready ko na ang gamit ko para umalis ng nakita ko si Kapre gumigising na.

Kinusot kusot niya mata niya at ngumiti ng nakita niya ako.

"Aalis na ako" yan ang huling bilin ko at lumabas na sa room ng may tinanong siya.

"Anong quiz bukas?" sigaw niya.

English.

Pero instead na sabihin kong English ang quiz, iibahin ko bwaahaha *u*

"Uhh...Math!" sigaw ko. Pinipigilan kong tumawa.

"Sure?" tanong niya. Klaro ba sa mukha ko na guilty ako? Nagsisinungaling?

Act normal kasi Classy! Chill! Chance mo na to para maging mataas sakanya.

"I'm sure" sabay takbo palayo sakanya. Kahit malayo na ako, narinig ko parin na sumigaw siya ng Thank you.

Para akong bata na sobrang saya habang patungo sa sundo ko.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon