Chapter Eighty One- Run Away With Me (Part 2!)

8 0 0
                                    

"..." di parin ako nakapagsalita sa sinabi niya.

Run away with me?! T-tatanan?

"Maliit? Alam kong mabilis, pero ito nalang ang natitirang paraan. Kung ayaw mo sumama saakin--"

"Sasama ako" sabi ko. Hindi siya nakasalita ng matagal.

"Sure ka?"

"Oo. Ano plano?"

Bumuntong hininga siya, "magmeet tayo mamaya 11 sa park, hihiramin ko nalang muna kay uncle ang kotse"

"Wag na, kotse ko nalang" sabat ko.

"Marunong ka? Magdrive?"

"Oo naman. Hahaha. Mukhang gulat na gulat ka?" kahit papaano, napapatawa niya ako.

"Natutuwa lang ako. Osige. Magimpake na ako, may bahay kami doon sa alindahaw"

"Okay. Eempake na ako" sabay patay ng telepono.

"Anong ieempake mo?" nagulat ako ng may nagsalita sa likod. Si Nanay may dalawang trey na dinner. Inilapag niya ang trey sa kama ko at umupo din.

"Uhh...wala po yun" guilty na sagot ko.

"May problema ba?" hinawakan niya kamay ko.

"Wala po"

"Eh, ano yung iempake mo?"

"Ahh...kasi...may scouting kami ngayon at overnight...?"

"Talaga ba? Sige, tutulungan kita magempake" tumayo siya pero hinawakan ko kamay niya. "Kaya ko naman po, pakihanda nalang po ang sasakyan, ako magdrive"

"Sige" umalis na siya ng kwarto at parang si flash ako ng nagmamadaling magempake ng lahat ng kailangan ko. Bras, panties, shirts, shorts, pants, pajamas, sando, perfume, shoes, slippers at lahat lahat na.

Kinuha ko rin ang wallet ko at ang phone ko. Dinala ko rin laptop at tab ko. Naligo na rin ako ng mabilis at nagsuot ng malaking shirt na navy blue at isang pants, nagtsinelas lang ako sa baba.

Bumaba na ako ng dahan dahan at palihim, nakita ko si kuya na nakatingin sa malaking bag ko. Patay!

"Saan ka pupunta?" lumapit siya.

"May s-scouting kami, late na ako" nagmadali akong nagtakbo palabas.

"Oy teka!" sigaw niya. Napalingon ako. Oh my, just let me go! I hated here!

"Kailan ka babalik?"

"Overnight eh, kuya next time nalang tayo magusap, late na ako!" kumaripas na ako ng takbo palabas. Nakaready na ang kotse. Nilagay ko ang gamit ko sa likod at pumunta sa driver seat. Lumapit saakin si Nanay mula sa labas ng pinto. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap. Siguro, ito na ang last na yakap at halik na matatanggap ko.

"Ingat ah? Magenjoy ka sa scouting niyo" ngumisi siya. Tumango ako at niclose na ang glass window at tuluyan ng naluha. Mabuti nalang tinted to.

Nagdrive na ako papunta sa usapan namin. Pumito ako ng makarating ako sa park. Nakita niya ako at nagmadaling pumasok sa passenger seat at nilapag ang bag niya sa likod.

"Ready?" tanong niya.

"Ofcourse" sabay andar ng kotse. Napapaluha parin ako, ewan kung bakit naisipang gawin to pero gulong gulo na utak ko, di lang utak ko, pati ang buhay ko. Kailangan kong magpakalayo layo.

Mga ilang oras din ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay nila Clifford sa alindahaw. Hindi siya ganon kalaki pero okay na para saamin.

May dalawang sofa at maliit na tv, may malinis na kusina at isang kwarto. Oo, isa lang talaga.

Si Clifford na ang bumuhat ng gamit ko at nilagay sa kwarto.
"Paano ang Lola mo?" tanong ko sakanya.

"Bumisita kasi kahapon si Ninang Karen, sinama muna si Lola sa probinsya para makasinghap ng preskong hangin" inakbayan niya ako.

"Ahh..." kinusot ko mata ko. Hinalikan naman ni Clifford ang dalawang mata ko.

"Matulog ka na muna, alas kwatro palang" hinila niya ako sa kwarto. Okay naman siya. Medyo kasya ang isang kama para saaming dalawa at may isang malapad na cabinet.

"Magliligpit muna ako ng gamit" bilin ko.

"Osige, mamamalengke lang ako ha?" Bigla niyang hinalikan ang labi ko, at bago pa ako makareact ay nakaalis na siya.

Ano ba naman yun?! umiinit ang pisngi ko! Grabe na kami ngayon kung makahalik sa isat isa! Waaaaa! Mali ba yun? Naman eh! Di ko siya matiis, nakaklasing siyang humalik!

Habang inaayos ko ang gamit namin, naisip isip ko. Para na kaming magasawa. Kulang nalang ang anak...waaaaa! Erase! Di pa pwede! Bata pa ako! Masakit man... Pero di na ako virgin. Nakuha ito ng unang minahal ko, si John. Sorry, clifford kung pati yun ay di ikaw ang unang nakatuklas ng perlas ng silanganan ko.

Okay na rin to, malayo sa problema, wala ako ibang maiisip kundi siya lang, ang taong mahal ko, peaceful dito, walang aaway sayo at matututunan ko rin ang pagiging independent kanda Mommy at Daddy.

"Allison!" bigla akong natauhan ng narinig ko ang tawag ni Cifford mula sa sala. Lumabas ako at nakitang nakahalf naked lang siya.

"Magbihis ka nga, huy!" sigaw ko habang tinatakpan ang mata ko.

"Pffft. Masasanay karin, tara, maupo ka muna dyan, ipagluluto kita"

"Ako na, diba gawain ng mga babae yun?"

"Sure ka?"

"Uh-uh" kinuha ko sakanya ang platik ng gulay at meat. Sinimulan kong iluto at niprito ang meat.

"Waaaa! Ano yan?" gulat na tanong ni Kapre habang turo turo ang niluluto ko.

"Meat" sabay ngisi.

"Bakit mo piniprito? At bakit walang oil?"

"Aaaw. Kailangan ba?"

"Ako na nga lang, wala ka namang alam kasi anak mayaman ka" hinila niya ako palayo sa gasul gamit ang mga dambuhala niyang kamay na pinulupot sa bewang ko.

"Magpahinga ka na nga lang sa kwarto, gigisingin nalang kita" bumaling ang atensyon niya sa niluluto. Tinanggal niya ang meat na sunog na sunog at halos di matanggal sa karahay dahil sa nagdikit na ito dito. Nakagat ko labi ko sa hiya.

"Okay" ngiti ko. Aalis na sana ako pero hinalikan ko ang spine niya sa likod na dahilan ng pagkatigil niya. "I love you..."

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon