Chapter Seventy Eight- Binabalewala

8 0 0
                                    

"Pero La...mr. na nga eh kaya tatay yun, bakit mo naman sinisisi si Classy?" lungkot na tanong ko. Umiling siya.

"Kahit na. Dapat tigilan mo na ang relasyon mo o putulin mo na ang koneksyon mo sa mga Cansey!" napahawak siya sa dibdib niya at tila bat nahihirapang huminga.

"La, okay ka lang?" inalalayan ko siya.

"Mukha ba akong okay?!"

Oo nga naman. Kumuha ako ng tubig at pinainom sakanya. Dahan dahan niya itong ininom. Hinahabol niya ang hininga niya at hawak hawak parin ang naninikip niyang dibdib.

"So, di pala sila namatay sa car accident?" tanong ko kay Lola. Tinignan niya ako. "Hinde, nagsinungaling ako dahil hindi pa iyon ang tamang panahon"

"Simula, bukas, wag ka ng lumapit sa babaeng yon--"

"Pero, La!" tumayo ako.

"Di mo ba nakikita? Pamilya niya ang dahilan ng pagkamatay ng parents mo at mahihimatay ako dito sa highblood dahil sa babaeng yon! Kaya kung di mo siya lalayuan, kalimutan mong may Lola ka pa..." tumayo na siya at pumunta sa taas ng kwarto.

Classy's POV

Pagkadating ko sa room, nandun tumambad ang nakakunot noong si Kapre. Napatingin siya saakin at umiwas ng tingin. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya pero tumayo siya at labas ng room.

Bakit yun? May nagawa ba ako? Parang nadurog ang puso ko sa ginawa niyang paglayo saakin.

Sinundan ko siya sa labas. "Clifford!" sigaw ko pero deadma lang. Snob ah? Famous?

Nahabol ko ang braso niya. Tinignan niya ako ng masama at kumawala sa pagkakahawak ko at mas binilisan ang pagtatakbo.

"Ano ba! Hindi ka famous kaya wag kang deadma!"

"Hindi lahat ng deadma ay famous" sabat niya habang naglalakad.

Pumasok siya sa cr ng boys at sumunod ako, bahala siya, papasok ako kung kinakailangan.

Nagulat ang mga lalake sa loob na nagiihi at nagmamadaling tinakpan ang kanila.

"Ah sht. Takpan mo mata mo, maliit na babae!" sigaw niya saakin. Namutla ang mga lalake at nagmamadaling tumakbo palabas. Nilock ko ang door.

"Now..." i whisper.

"What?" humarap siya sa sink at naghugas ng kamay. Nagkatinginan kami sa mirror.

"Ano ba nangyari at di mo na ako pinapansin?!"

"Wala..." pinikit niya mata niya.

"Wag kang pumikit. Anong problema!"

"Wala sabi eh!"

Napatalon ako ng sumigaw siya saakin ng malakas. Napatahimik ako at yumuko.

"Ahh..." lumapit siya at niyakap ako."Sorry, kasi...kailangan kong iwasan ka"

"Why?" napasinghot ako.

"Kailangan"

"Di kailangan. Dahil ba sa tutol ang lola mo? Ipaglalaban kita!"

"No.no.no." he shook his head. "Long story kaya balewalain nalang natin" lumayo siya at naglakad paalis pero napatigil siya ng may sinabi ako.

"Balewalain...?" tumulo na luha ko.

"Ang relasyon natin...kaya mong balewalain?" napaharap ako sakanya na nakatalikod parin na malapit na sa pinto.

"Dahil sa ayaw ng iba, magpapadala ka? Susundin mo sila? Bakit? Di ba ako mahalaga sayo? Iniwan ko si Enzo dahil ikaw ang mahal ko at kahit masakit ginawa ko para sayo! Tapos... Babalewalain?" tumawa pa ako, hindi parin siya umimik habang ako patuloy sa pagiyak.

"Kaya mong makinig sa iba pero di mo kayang makinig sa mismong puso mo... wala na ba talaga ako halaga sayo? Di mo na ba ako mahal? May iba ka na ba?" lumapit ako pero di siya hinawakan.

"Matagal mo akong minahal, mula nung kinder pa tayo, ang lahat ng pagpapahirap mo saakin ay nagawa mong balewalain dahil sa sinabi ng iba?"

Di ko na napigilan at niyakap siya mula sa likod.

"Mahal kita Clifford Caster...mahal na mahal. Wag mo akong iwan...di ko kaya..." pagiiyak ko.

Laking gulat ko ng tinanggal niya ang braso kong nakakapit sa katawan niya at hinarap ako. Medyo na-out of balance pa ako sa sobrang hina ng sistema ko.

"Kalimutan na natin lahat"

Suminghap ako at tinagilid ang ulo ko habang humihikbi parin.

"Ano...kalimutan? Balewalain? ANO YON! BUBBLE GUM NA MATAPOS MONG GAMITIN AY ITATAPON MO NALANG KAPAG NATAPOS MO NA ANG GINAWA MO?! ANO! LOLOKOHIN MO RIN AKO? GINAGAMIT MO LANG AKO? GAYA NG GINAWA NG IBANG TAO? HA! GANON BA?!" umatras ako ng humakbang siya palapit.

Ganito na ang ayaw ko, natotroma na ako sa ganitong sitwasyon dahil sa mga naranasan ko dati.

"WAG MO AKONG MAHAWAK HAWAKAN! PAREHO LANG KAYO!"

"Please...calm down" nahihirapan na siya sa sitwasyon, i know pero mas nahihirapan ako.

"CALM DOWN? You fcking expect me to calm--" i choke and suddenly realize that i lost my voice. Suminghot ako... Ang sakit na ng puso ko.

Lumapit siya. "Dont touch me..." i murmur.

"Allis--"

"Fuck you, Caster!"

Bago pa siya makasalita ay tumakbo na ako palabas. Tama talaga ang hinala ko. Lolokohin niya lang ako. Pinagmukhang tanga. Ginamit. Pinaglaruan ang feelings ko. Sinungaling.

Pinukpok ko ang ulo ko, kaya nagtataka ang mga studyante ng nakikita nila ang isang magandang maliit na binibini ay pinupukpok ang ulo habang umiiyak na tumatakbo.

Ha! Ewan ko. Bahala sila sa iisipin saakin. Wala na akong pakealam. Tutal, kasalanan ko naman to eh, nagpadala ako sa pagibig ni Clifford. Wala siyang puso. Gago siya. Sana di ko na lang siya pinagkatiwalaan. Sabi na nga ba, sa huli, ang sarili mo nalang ang mapagkakatiwalaan mo. Bobo ko talaga...

Pagkatapos ka nilang gamitin, iiwan ka nalang nila sa ere at binabalewala...

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon