Chapter One- Him?!

197 5 6
                                    

"Boss, mission complete na po."

"Wala bang nakakita?"

"Wala boss..."

"Ilibing niyo na bago pa may makakita."

"Yes boss." sabay patay ng telepono.

Hinding hindi ko makakalimutan ang taong pumatay sa mga taong mahal ko. Maghihiganti ako.

_____________________________________

"Anak! Male-late na tayo!"

"Pababa na!" sigaw ko habang inaayos ang toga ko. Graduation na namin, mararanasan na namin ang highschool life. Sabi nila, marami ka daw mararanasan na kababalaghan. At ang sabi nila, ang pinaka kaabang-abang na mangyayari ang maramdaman mo ang Love. Love? Ew. Ni minsan, wala akong naging crush--

"Anak!" bigla akong napatalon ng biglang sumigaw si Nanay.

Well, it's the puppy love stage.

Oo pala, nakalimutan ko tuloy na nagmamadali kami. Agad agad akong tumakbo pababa sa sala.

"Nay!" sigaw ko ng makita ko si Nanay sa kusina.

"Ang ganda naman..." ngumiti siya saakin at ngumiti rin ako.

"Saan nga pala si Mommy at Daddy?" excited kong tanong. Biglang nawala ang ngiti ni Nanay.

"Hindi daw sila makakarating, may importante daw silang meeting." paliwanag niya. Napangiwi ako.

"Again." I sighed loudly. Nauna na ako sa kotse. Magkasalubong nanaman ang kilay ko. Ngayong araw na nga lang, di pa susupot.

Lagi nalang ganito, lagi silang walang time para saakin. Kahit mga birthdays ko, rare lang kung nandun sila. Mas mahalaga pa ang meeting kaysa sa anak.

Dahan dahang pumasok si Nanay sa side ko at hindi umimik. Umandar na ang kotse.

Tumingin nalang ako sa labas para hindi ko masalubong ang mga nagaalalang mata ni Nanay.

Ilang oras din nang nakarating na kami sa school. Kinakabahan na ako ng pumasok na kami ni Nanay sa loob ng school. Ang dami ng tao. Halos lahat ng estudyante ay nakatoga na. Hinawakan ni Nanay ang kamay ko at ni-squeez niya ng dahan dahan. Napatingin ako sakanya.

"Wag kang kabahan," komento niya. Nag-fake smile lang ako.

"Paano kung 2nd lang-"

"Shhhh. Stop thinking negative things." ngumiti siya. Tumango naman ako ng dahan dahan.

Tumungo na kami sa stage. Pinapunta ko na si Nanay sa parents bleacher. Nakatayo lang ako at tinitigan ang buong paligid ng biglang may tumawag saakin mula sa likod.

"CLASSY!" sigaw nila. Lumingon ako at niyakap silang apat. Ang apat na tunay kong kaibigan.

Let me introduce them:

Madison Velarde ang pinaka-kikay at bigaan saaming apat.

Camille Cruz naman ay moody at ang pinakamatured saamin. Di nga namin minsan maintindihan ang ugali niya, di namin mabasa ang iniisip niya.

Tarra Garcia naman ang pinakatahimik saamin pero may tinatago ding kalokahan.

Aya Montero ang pinaka sporty saaming lahat, masyadong active sa mga activities sa school.

At ako naman ay walang pakealam sa mundo, kinda boyish.

"Babae siya ngayon oh!" pagtetenta ni Madison.

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon