Marcus' Thoughts

2.4K 64 1
                                    


Lahat nalang talaga ng tungkol sa kanya ay interesado ako. Kahit na kabisado ko na kung anu-ano ang parati niyang sinasabi ay inaabangan ko pa rin lagi ang mga reaksyon niya.

'None of your business.'

'Do I need to tell you that?'

'I am not obligated to tell you everything.'

Mga ganyang linyahan na akala mo ay napakalaking kasalanan sapagkat nagtanong ka ng tungkol sa kanya. Kumbaga, kailangang maging matalino ka muna bago ka bumato ng mga linya para hindi ka magiging bobo sa paningin niya; Ganyan siya katalas magsalita.

Tatlong gawi lang naman ang palagi niyang ginagawa na siyang dahilan kung bakit kumukulo ang aking dugo.

Una: Hindi siya pala-imik kaya mas lalong nakakagalit dahil hindi ko mawari kung nonsense ba ako sa paningin niya o ano. Kahit pa siguro na pumutok ang ugat ko sa inis o mahold-up man ako sa harap nito ay mas pipiliin niya pa sigurong matulog ng mahimbing kesa sa aksayahin ang oras niya para tulungan ako.

NAKAKAINSULTO!

Pangalawa: Kapag nagsasalita naman siya ay hindi ko mawari kung sarkastiko ito o hindi dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko matukoy kung iniinsulto na ba niya ako dahil pareho lang naman ang tono ng pananalita at reaksyon na nakukuha ko- Walang kalatuy-latoy at walang kabuhay-buhay.

NAKAKABANAS!

Pangatlo: Lahat ng mga binibitawan niyang mga salita ay talagang tagos hanggang sa pinakasuloksulukang bahagi ng aking balat at buto. Hindi ko magawang mailagan at madepensahan dahil natatamaan ako ng sapul!

Sapul sa puso.

Pvtang ina! NAKAKABWISET!

Hindi ko maintindihan kung bakit lahat nalang ng mga biglaang banat niya ay talagang tumatatak sa puso't diwa ko. Kahit 'yung mga walang kakwenta-kwentang sagot niya na nagpapa-bwesit naman sa araw ko ay nagiging dahilan pa ng mga pagpupuyat ko sa gabi.

Tatlong dahilan na hindi ko gusto sa kanya ngunit ito rin ang tatlong rason kung bakit niya nakuha ang atensyon ko.

NAKAKATAWA!

May lahi sigurong mangkukulam ang babaeng 'to. Why do I always crave for her attention? Why am I so drawn to her?

Andaming babaeng nasa paligid ko pero kahit nakatalikod ako, parang alam ko lagi kung asan siya dahil kusang gumagalaw ang katawan ko papunta dito.

Hindi ko na pala namamalayan na sa bawat paglipas ng mga araw at buwan na pangungulit at pambu-bwiset ko dito ay hulog na hulog na pala ako at hindi ko alam kung paano pa ako makakaahon.

Damn! Karma hits so fvcking hard!

***

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon