Note to those who are confused:
Arken: Queen
Venice: Dos
Trisha: Third
Coren: Fourth
***
"Que.."
"Strike two, Venice." Matigas kong anas at tiningnan sya ng masama.
"Sorry," at nag peace sign sya ulit sa akin.
"Tsss." Fucking annoying. Walang gana kong tiningnan silang tatlo pero ngumisi lang sila. Mga impakta talaga.
Dos, Third and Fourth are my only bestfriends. Pero kahit ganun, they know their boundaries. They respect me and they know their limitations. Sila ang sikat sa Mafia world na kung tawagin ay Queen's Assassins. Sila ang inuutosan kong pumatay sa mga taong kumakalaban at tinatraydor ako.
Kung tatawagin nyo naman ako na isa akong duwag at mahina dahil hindi ako ang mismong pumapatay, malamang ay isa iyang malaking katangahan.
Sabihin nalang nating mas ma swerte kayo kung hindi ako ang pumapatay dahil kung brutal sila, mas brutal ako.
Papatayin pa kita kahit alam kung patay ka na. Ganyan ako pinalaki. I don't give any mercy to my opponent.
"Tara na nga sa Cafeteria. I am really hungry. Grabi naman yung 3rd period prof natin walang patawad. Quiz agad." Maktol ni Trisha.
Sa aming apat ito ang pinakamalakas kumain pero sobrang sexy parin talaga. Nagtataka nga kami kung saan napupunta lahat ng kinakain nya. Galing si Trisha sa pamilya ng mga ninja sa Japan kaya wag mong maliitin ang pagiging maliit nito.
"Kailan ka ba hindi gutom, ninja girl?" Pambabara ni Venice. Ito namang si Venice, magaling itong mang hack at magplano ng taktika. Well-trained din ito dahil simula't bata, minulat na sya bilang isang assasin. Sa aming apat ito ang pinaka maingay pero hindi rin basta-basta kapag magalit.
"PG ka talaga Trisha kahit kailan." Tipid na sabi ni Coren. Isa pa 'to. Kung titingnan mo napakatahimik. Sobrang hinhin. Pero wag kang pakampante. Brutal ito kung pumatay dahil isa syang trained warrior ng Kibuji.
Tahimik lang akong sumusunod sa kanila habang ramdam ko ang bawat titig na binibigay ng mga studyante sa amin. I just ignored their stares and stopped myself from rolling my eyes. May nakita pa akong grupo na masama ang tingin sa amin na ala Mean Girls ang peg. I huffed.
Mga pangit na palaka. Ano bang trip yan?
Ngayon lang ba sila nakakita ng mga transferees sa academy na'to? So annoying. Kung mag bubulong-bulungan lang naman sana sila ay sana naman siguraduhin nilang hindi ko maririnig. Mga punyetang palaka!
Umupo kami sa pinakasulok at nag order agad si Trisha. Alam na nya ang mga gusto namin kaya sya na agad ang pumunta para mamili.
I observed my surroundings. Malaki ang Academy at halatang pangmayaman. You cannot enroll in this school kung wala kang milyon sa sarili mong bank account, at least that's all I know. The students here are wealthy. Makikita mo naman sa itsura nila. Pati na rin kung gaano ka laki ang buildings at kaganda sa loob ng mga classrooms.
"What a typical school composed of bitches, losers and jocks." Bored na saad ni Coren.
"Yeah. Anyways, I like their uniforms. Feeling ko we're still in Korea." Sabat naman ni Venice. I didn't give any comment. Sanay na sila sa'kin. But I agree, though. The uniform is quite cool.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
БоевикMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...
