Chapter 54

1.7K 82 167
                                    

Marcus POV

Hindi ako mapakali. Parang gusto kong tumayo na ewan. Pinagpapawisan ako ng malapot kahit malamig naman dito sa loob.

'Ako lang ba ang naiinitan dito?'

'Ako lang ba ang sobrang tense na tense?'

Nakakakabang tingnan sina Spencer, Tito Seb at Mr. Steven. Their aura screams authority and they are so intimidating. Napalunok ako nang makita kong tumikhim si Lolo.

Ano na naman kaya ang sasabihin niya?! Gusto kong mapangiwi, tumayo, umihi, tumalon o di kaya'y gumulong sa sahig.

Tang'ina! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at literal na malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Dumagdag pa sa stress ko itong bibig ni Lolo na walang ka-preno-preno!

"I-I didn't know that s-she's your g-granddaughter, Mr. Namuzawa."

"Does it matter?" Taas kilay na tanong ni Tito Seb. Naumid naman ang dila ni Lolo sa direktang sagot nito.

'Heck! I'm not even sure if I should still call him Tito. I mean, hindi ba dapat Lolo na rin ang itatawag ko sa kanya?'

"O-Of course not! Of course not!" Mariing tanggi ni Lolo habang tumatawa pa ng pilit. I almost cringed, damn it! Lumapit ang isang katulong para linisin ang nabasag na baso.

"Excuse me po, Don Miguel."

"I'm sorry ladies and gentlemen, my hand slipped. The food was a little bit greasy." Rason ni Lolo. Itinago niya ang nanginginig na kamay sa ilalim ng mesa. Gustong tumaas ng kilay ko dahil hindi naman ito nagkamay kanina no'ng kumain siya para mantikain ang daliri niya.

"Oh? Why is everybody not eating? Please continue." Tawa ni Mr. Steven. "I apologize about earlier, Mr. Montreal. Where is your wife and daughter? I think they're not done eating yet."

"They'll come back later, Mr. Steven. She's still talking to our little girl. You know how long it takes for a child to calm down whenever they starts crying."

"Ahh! I sure do and I tell you, those days were tough! Hahaha! Well, let's continue eating then. I'm sorry for the interruption a while ago."

"No harm done. Oh kayo! Kain lang kayo ng kain, ha? Don't be shy. My wife prepared a feast for all of us. Eat until you pass out. Hahaha!"

"Your wife's cooking skill is a 10, Mr. Montreal." Puri ni Mr. Steven. "Everything in this table tastes delicious. It's been so long since I ate Filipino food and it's really nostalgic."

"I agree!" Sabat ni Spencer. Napangiwi na naman ako sa isip ng maalala na kapatid niya pala si Arken. Tang'ina! Nauto ako sa special someone-special someone ng gago!

"The reason why I fell for her deeply. Hahahaha. But lets keep it a secret to her. Baka lumaki ang ulo." Dad whispered-act kaya natawa sila.

"Indeed. A way to a man's heart is through his stomach." Komento ni Tito Seb. "Ahh! The perks of having a wife who loves cooking."

"I couldn't agree more to that, Mr. Namuzawa." Sang-ayon ni Daddy. Mabuti nalang at napapagaan ni Daddy ang tension. Si Lolo ay wala pa ring imik. Tila binabalanse nito ang dapat sasabihin o gagawin.

"Trisha, eat more, okay? I know you have such a big appetite." Mr. Steven laughed. Napatingin naman kaming lahat kay Trisha at Venice na parang nagpapaligsahan sa pagkain. Napailing si Gutch at nagsalin ng isang basong tubig at inilagay sa tabi ng plato ni Trisha.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon