Chapter 48

1.4K 69 88
                                    

Marcus POV

'DAMN!' Kulang nalang na bumuga ako ng apoy dahil sa matinding selos. Puro mura nalang ang tanging naiisip ko.

'Bakit sa epal na 'yon ay gano'n lang kadali para sa kanyang tanggapin ang halik? Samantalang noong unang beses ko siyang hinalikan ay suntok agad ang natamo ng nguso ko?! Oh, baka naman matagal na nila itong ginagawa?!' Para na akong engot na nag-iisip ng kung anu-ano.

'Tang'ina naman, Babe! Akala ko ba business lang?! Ikaw itong pinagseselos ko pero bakit ako ang malapit ng mamatay dito?! Samantalang 'yang hilatsa ng mukha mo ay parang wala lang sayo ang lahat ng nangyari! Wala pa ring epekto 'yong ginawa ko, eh! Normal ka ba talaga?! O baka wala lang talaga ako sayo?!' Nagpuputok na ang loob ko sa inis.

'Ayaw niya pang makita kami ng ibang tao, tapos heto silang dalawa sa harap namin at naglalampungan?! Aba! Mga bwesit! May pa business partner- business partner pang sinasabi! Pag umpugin ko silang dalawa, eh!' Halos umusok na ang ilong ko sa matinding selos habang masamang tinitingnan silang dalawa. Sinuri ko ang mukha ng lalaking kausap niya.

'Tsk! Mas gwapo naman ako diyan, ah! Mukha pa nga 'yang pigsa na tinubuan ng ulo!'

"Who's that dude?" I heard Gutch asked.

"I think that's Spencer." Kinuyom ko ang aking palad ng malamang pareho kami ng hinala ni Nina.

"Spencer? Familiar... Ahh! So he's the guy!" Tumingin si Gutch sa akin at kumindat habang nakangisi.

'Tusukin ko mata mo, eh.'

"I think so. Everything that she described about him coincides with his actual looks. Indeed, he's very good looking, I must say." Komento pa nito kaya mas lalong sumama ang mukha ko.

'Tss! Exaggerated! Mas gwapo pa nga ako diyan. Bulag!'

"Kung sino-sino nalang talaga ang nakikita mo sa paligid mo, Nin. Nandito na nga ako sa tabi mo, naghahanap ka pa ng ibang gwapo. Pumikit ka nga!" Pabirong tugon ni Tanako pero alam naman naming lahat na tototohan 'yung sinasabi niya. Pero sorry nalang siya dahil ipinanganak akong mas gwapo sa kanya. 'Bwahahaha!'

"Awit, Tol! Tingnan mo nga naman, kung sinabi mong walang papalit diyan sa ex mo, siya naman ay harap-harapang ipinapakita na maraming siyang ipapalit sayo! Masaktan ka, Tol! Please lang. Hahahahaha!" Kairo laughed.

'Bwesit! Ako na naman ang nakita ng isang 'to.'

"Sige tawa pa. Masaya kayo?"

"Sobra! Hahaha!" Kanchaw ni Tanako.

"Wusho! Ang sakit niyan sa pubic hair, Tol! Hanggang tingin ka nalang sa kanya ngayon, oh! So near yet so far! Ikaw kasi, eh! Umandar na naman ang pagka abnoy mo." Gutch said and they all laughed again.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon