Chapter 1

3K 153 204
                                    

"Not bad." Komento ni Coren habang nakatingin kami sa kabuuan ng Academy. First day of school namin ngayon dito sa Montreal. We parked our bicycles at the corner.

"Yeeey! I am super duper excited!" Trisha squeeled while hopping like a kid together with Venice. Very childish.

"Stop it. It's annoying."

"KJ mo talaga, Queen." Bulong ni Venice habang palinga linga sa paligid. I halted.

"Stop.calling.me.that." Malamig at madiin kong tugon kaya kaagad na napatango silang apat.

"Hehe. Sorry naman po, Madaam! Ang highblood agad!" Nag peace sign agad si Venice pero hindi nalang ako kumibo pa. Papunta kami ngayon sa DAO para kunin ang schedules namin for this sem.

"Luh! Ang laki naman ng school. Wow, grabe!" Bulas ni Trisha habang inilibot ang tingin sa buong lugar. I suddenly became aware of everyone's stares.

"Hello!"

"Hi!"

"Annyeong!"

"Hello!"

"Will you shut the fuck up, Venice?!" Gigil na bulong ni Coren. "You look like an idiot!"

Ang ingay ingay kasi nitong bumabati sa ibang studyanteng nakikita namin. Hindi naman siya pinapansin ng mga 'to at tinitingnan lang sya na parang isang weird na alien.

"Hmp! Fine! Sungit nito." Nagtatampong bulong niya tapos ay humaba na naman ang nguso. Tss! Isip bata.

"We're here." Trisha informed. Pumasok kaming apat sa loob ng office at kaagad naman kaming sinalubong ng isang naka unipormeng staff.

"Hi!"

"Can we ask for our schedules and I.D, Miss?" Coren calmly asked.

"New students?" Nakangiting bungad nito sa amin. I just looked at her with bored eyes.

"Isn't it pretty obvious?" I bluntly uttered. August na, itatanong pa ba 'yan? Agad naman itong natigilan sa sinabi ko. Hindi ba obvious? Bobo naman.

"Ahhh.. eh, pasensya na po kayo, Ma'am. Broken hearted lang po kasi itong kasama namin. Kaya medyo wala sa mood. Sorry po. Yes po, new students kami." Agap agad ni Trisha.

"A-Aaah.. Ganun ba? Kawawa naman pala. Hay naku mga hija, ganyan talaga ang pag-ibig. Kung minsan masaya, minsan naman ay masakit. Pero i-enjoy nyo lang yang mga ganyang experience nyo habang bata pa kayo. Basta 'wag nyo lang pababayaan ang pag-aaral nyo ha?" Nakangiting sabi nito.

"Can we now get what we actually came here for instead of listening to your unsolicited advices?" Walang ganang turan ko. Dami pang sinasabi.

"Naku po! Pretty please po, Ma'am." Pambawi ni Venice habang itinapat pa ang dalawang palad at umaktong nagpapa-cute sa harap nito.

"Oh sya, sya. Heto na at baka ma-late pa kayo sa first period ninyo. Enjoy your stay here in Montreal Academy." Nakangiting sabi nito pero tumalikod agad ako at walang pasabi na lumabas ng office nito.

"Salamat po, Ma'am Pretty." Pahabol dito ni Trisha habang nagmamadaling tumakbo patungo sa amin.

"CB 701. Hmmm, sa 7th floor ang klase natin guys." Ani Coren ng makalabas kaming lahat sa office kaya't hinanap nila agad ang daan papuntang classroom. May map din kasi na ibinigay ang DAO.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon