Marcus POV
Pumasok akong lutang. Nag celebrate ng kaunti sa bahay dahil sa pag-uwi ko pero hindi ko naman yun na enjoy. Maaga akong pumanhik sa kwarto at nagmukmok. Tinitigan ko ang nakangiting larawan ni Arken hanggang sa nakatulog ako
Kinabukasan, maaga akong nagising at nag ayos ng gamit. Excited akong pumasok dahil 2 weeks din akong nawala. Wala namang problema dahil Dean si Daddy at nakapagpasa na ako ng medical certificate kaya okay lang na matagal-tagal akong hindi nakapasok. Ginamit ko ang dating Audi ko papuntang school at nag park sa usual area ko.
Nakita ko ang kotse ni Arken na madalas nyang gamitin. Oo nga pala, maaga ang training nila. Nakita kong nakatayo na si Gutch, Yuki at Kairo sa kotse ni Yuki kaya lumapit ako.
"Tol! Welcome back to school!" Bati nilang tatlo.
"Grabe! It's been awhile! Nawala lang ako ng 2 weeks ang dami ng nangyari. May anak na pala kayo? Hahahaha!"
"Gago! Medyo napalakas yata ang hampas sa ulo mo, tol!" Saad ni Kairo.
"Hahaha. Ikaw kaya hampasin ko ng baseball bat."
"Ooy! Welcome back, dude!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Tanako. Kakarating lang din kasunod ko lang talaga.
"Oo nga, eh. Baka ma miss mo'kong masyado."
"Buti hindi na pang byernes santo yang mukha mo?" Sabat ni Gutch.
"Hindi na yan. Kasama na nya giliw nya kahapon, eh." Pang-aasar ni Yuki.
"Tss. Pinagsasasabi mo?"
"Oooy! So ano na kayo? Kayo na ba?" Yuki wiggled his brows.
"Gago! Lupit ng imagination mo!"
"Awiiit! Ang slow naman ng alaga natin, tol!" Pang-aasar pa rin ni Yuki.
"Mukha mo." I punched his arm lightly. Naglakad na kami patungog 7th floor. Bulongan at tilian na naman ang mga studyante ng makita kami. Parang tanga lang.
Classmate kami ngayong araw ni Arken kaya medyo excited ako. Nang makarating kami sa classroom ay agad naming nakita ang mga barkada ni Arken. Binati nila ako pero hindi ko nakita si Freak. Nasan na kaya yun? Bakit ba sya parating nawawala?
"Nasaan kaibigan nyo?" Tukoy ko kay Arken.
"Ahh, nag bihis lang. Binuhasan kasi kanina ng juice." Sagot ni Trisha.
"What the fuck?!"
"Oyy, tol! High blood agad?" Ngisi ni Kairo. Napatingin ako agad sa bultong pumasok ng classroom. Tahimik lang syang umupo. She has this cold aura all over her. Hindi ko magawang tabigin at kulitin kasi baka sumabog bigla. Naka headset ito at naglalaro lang sa cellphone.
Katabi lang ang armchair namin kaya amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango nya na unti-unti ko ng nagugustuhan. I remembered her pained expression yesterday. Galit ba sya dahil hindi ko tinanggap ang regalo niya?
Ginawa ko lang naman yun dahil sobrang mahal. Kahit nga mayaman kami, kailangan ko pang bolahin ng bolahin si Mommy para bilhan ako ng ganung klaseng sasakyan tapos, heto sya parang namimigay lang ng kendi sa park?
Gaano ba talaga sya kayaman?
Umupo ako ng maayos ng pumasok ang prof namin sa Chem.
"What are the 10 minerals!" Bungad nito agad. Patay! Oral agad-agad! Dala-dala na naman nito ang mga index card namin. Bumunot ito ng isa.
"Coren Sy!" Tawag nito at nakita kong tumayo si Coren.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
БоевикMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...
