Chapter 29

1.3K 68 9
                                    

Marcus POV

"N-No. No and it's final." Tanggi ko. Ibinigay ko ulit ang susi sa kanya. She sighed and looked at me. Makailang beses akong umiling habang kunot ang noo.

"You don't like this? I can give you more than this. Just tell me."

"Stop, Arken. Of course, I like this but this is too much." Inarok nya ako ng tingin.

"Fine." Iniwas nya ang tingin sakin at naglakad palabas ng masters bedroom. "Follow me, I'll take you somewhere else." Anito. Mas naging tahimik sya ngayon kumpara kanina. Mukhang may malalim syang iniisip. Hindi nya ako masyadong kinikibo. Basta nalang na tinuturaan nya ako sa tamang direksyon tsaka tatahimik na naman ulit. Indeed, she's complicated.

Dinala nya ako sa isang condominium building. Malapit lang din ito sa pinunatahan namin kanina. Hindi na nya ako inantay na makababa at kusa na syang umibis ng sasakayan.

"Baby, wait." Hinila ko sya.

"What?"

"Are you mad? Look at me, please?" Hinapit ko sya sa bewang at hinawakan ang pisngi nya. Iniwas nya ang mukha at umiling.

"No. Lets go." Aniya at naglakad na papasok sa lobby. Napahawak nalang ako sa batok.  Damn! What did I do this time?

I'm confused.

Naguguluhan man ay tahimik nalang akong sumunod sa kanya. "Good morning, Ma'am." Bati ng guard sa kanya at tumango lang ito at di na nag-abalang magsalita.

Agad na nagtungo ito sa elevator na parang walang ibang taong kasama. Tinangka kong hawakan ang kamay nya kaya napangiti ako ng hindi na nya ito kinuhang muli at hinayaan nalang ako. Nakita kong pinindot nya ang 23rd floor pagkatapos ay nag ring na naman ang cellphone nya.

Kinuha nya ang kamay nya na hawak ko saka sinagot ang tawag. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. I can't understand Korean. Matagal silang nag-usap kaya awkward lang akong nakatayo sa tabi niya. Kunwari nalang na nagsi-cellphone ako para may magawa. She sounded so cold and distant again. Nilingon ko sya. Ganun pa rin naman ang mukha nya, para pa ring naghahamon ng away umasta.

The elevator opened. May kausap pa rin sya sa cellphone habang na una syang naglakad palabas. Narinig kong parang may ibinilin ito sa kausap atsaka itinago ang cellphone sa bulsa. "We're here." She announced. We stopped by at the door unit 2398. Literal na naging sunod-sunuran ako sa kanya and I don't know why my ego is not hurting by her cold treatment towards me. Para pa nga akong aso na bumabahag ang buntot kapag tinititigan nya ako sa mata.

Damn! Tumitiklop talaga ako sa kanya!

Sya na mismo ang nagbukas ng pinto at agad na bumungad sa akin ang walang ka gamit-gamit na silid. Iginala ko ang paligid. It's still spacious but not that big. Sakto lang talaga. Ipinakita nya ang living area, dalawang rooms, balcony, dalawang CR, kitchen.

"I like it." I looked at her. Busy sya sa pagsi-cellphone. Napatingin sya sa akin at maya-maya at tumango.

"This unit is a little bit cheaper. This one is just 7 million. My butler will bring you the contract for you to sign it and hand you some legal papers." Anito kaya tumango ako kahit hindi ko maintindihan. Why call his Butler? Is this their building, too? And I remembered their family is in to real estate.

"Maybe we can do some house shopping after lunch?" I suggested.

"I can't. I'll fly back to Korea today."

"Again?" Kumunot ang noo ko. Kababalik pa lang nya tapos babalik na naman dun? Ginagawa na naman nyang Greenhills ang Korea.

"Yeah." Tipid nitong sagot tsaka nag cellphone na naman ulit. Nakatayo lang ako sa harap nya. I'm really confused. Sino ba yang ka text nya? Kanina pa yan, ah.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon