Chapter 16

1.3K 61 11
                                    

Marcus POV

"Ang gwapo mo talaga!" Puri ko sa sarili kaharap ang salamin habang sinusuklay ang buhok. Kinuha ko ang mamahaling pabango at halos ipaligo ko na sa katawan ko. "Ayan! Pogi na, mabango pa! Hehe. Tingnan ko lang kung wala paring epek sayo ang ka gwapohan ko ngayon, freak! Bwahahaha!" Ngisi ko at huling sinipat ang kabuohan sa salamin. Narinig ko ang pagkatok sa pinto at bumungad ang maganda kong mommy.

"Ready ka na? Aba! Ang gwapo natin ngayon, ah!"

"I know right, Mom?" Ngisi ko kaya napalabi ito at lumapit sa harap ko.

"Have fun tonight, baby!"

"Mom! Don't call me that. Malaki na ako oh." Sabi ko at fli-nex pa ang muscles ko.

"Ang dali ng panahon. Binatang-binata ka na." Hinawakan nya ang pisngi ko. "May girlfriend ka na ba?"

"M-Meron na, Mom. So tell Lolo to stop putting me on some blind dates. Nakakasawa na."

"Well, you know your Lolo, Marcus."

"Psh!"

"Oh sya, are you ready to go?" Tanong ni Mom kaya't napatingin ako sa oras. It's already 6.

"Yeah, in a bit. May inaantay pa po ako." Sabi ko at tumango ito.

"Okay, I'll go downstairs. Your Dad already went to the Academy." Anito at lumabas. Kinuha ko ang cellphone ko at nag text kay freak.

To Freak: I'm ready. Where are you?

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ito. Tumingin ako sa oras and it's almost 7:00 PM already. Inis kong tinawagan si Arken.

Yamot na napahawak ako sa sentido ng hindi nito sinasagot ang tawag ko.

To Freak: Where the hell are you?!! Anong oras na!

To Freak: You told me to get ready at 6PM! 😠😠

Ilang minuto pa ang inantay ko pero wala pa ring reply. Ni hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Andami ko na ring na send na text pero wala man lang reply kahit K o period.

"Putcha! 8 PM na!" Dalawang oras na pala akong nag-aantay sa kwarto ko. Bwiset ka talaga Freak! Wala pang nakakagawang pang-antayin ako! Ang lakas talaga ng loob mong suwayin ako!

To Freak: Wtf! Wala kang planong tumupad sa usapan, noh?!

Kanina pa rin text ng text sila Kairo at Gutch kung pupunta pa ba daw ako.

To Freak: You are really pissing me off!

To Freak: Humanda ka sa kin Arken! You better have a good explanation for ditching me!

Inis na kinuha ang susi ng Audi ko at lumabas. Nakita ko si Mom sa sala habang may binabasa na kung ano.

"Oh? What time is it? Ang aga mong umuwi." Gulat na tanong nito.

"Mom, paalis palang po ako."

"Ha??? Akala ko umalis ka na kanina."

"Nakatulog po ako." Pagdadahilan ko nalang. Bwesit! Dalawang oras akong naghintay sa freak na yun! Hindi ko na imagine ang sarili ko na nakaya kong maghintay ng ganun katagal!

Mabilis akong nag drive papuntang Academy Mabuti naman at wala masyadong traffic kaya nakarating ako agad. Paglabas ko palang sa car park ay narinig ko agad hanggang dito ang malakas na ingay galing venue.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon