Chapter 44

1.3K 59 94
                                    

Dedicated to
demonica_143

Arken POV

"Hala siya! Tulaley!" Narinig ko ang pang-aasar ni Venice pero hindi ako umimik.

"Hoy! Baka tumirik ka nalang diyan sa kilig, ah? 'Wag mong solohin!" Natatawang sabat ni Trisha.

"Oh my! She's speechless." Wika ni Tita Margaux.

"I'm so happpppy!" Matinis na sabi ni Maui.

"#MarKen for the win!" Singit ni Nina.

"Sumali ka nga Coren. Ang tahitahimik mo diyan." Sulsol ni Trisha pero hindi nagpatinag si Coren. Hindi ko sila pinansin lahat at nakatingin lang ako kay Marcus sa field.

Mas lalo siyang pumuti sa color combination ng uniform nila. Black, Red and Gold. Ang gwapo ng kumag. Machong-macho ang dating at dagdagan pa sa lakas ng sex appeal nito, panalo. Tumingin si Marcus sa gawi ko at ngumiti ng matamis kaya parang nag rigidon na naman ang puso ko.

"Ang gwapo ng anak ko, diba?" Siniko ako ng bahagya ni Tita Margaux.

"P-Po?"

"Do you like my son, Arken?" Natigilan ako sa tanong nito.

"I'm a private person.."

"You can't hide it from me, hija." Tumawa ito kaya na awkward ako dahil nakikinig silang lahat. Hindi ko nalang ulit sila pinansin at tinutok nalang ang attensyon sa laro na magaganap. Lahat sila ay pumwesto na sa kani-kanilang position.

"Woy, ang gagwapo din ng team sa kabila." Bulas ni Venice.

"Anong school 'yan, Nin?" Tanong ni Trisha.

"Aethefild. Fox yung emblem nila. You see that guy? Yung naka maroon with headband na yellow? That's Hiro. Their team captain." Pakilala ni Nina.

"Whoah! He looks dayum! Look at his biceps, tho! So fetch!"

"Paging Gutch! Trisha is eye-raping a gorgeous man." Biro ni Venice pero dumila lang si Trisha dito. Naghiyawan na ang lahat ng magsimula na ang laro. Aaminin kong magaling talaga ang unggoy. Lahat ng nagtatangkang umagaw sa bola ay hindi nakakalusot. Maganda ang coordination ng team kaya mas lalong nakaka-enjoy silang tingnan.

"Ang galing!" Bulas ni Venice.

"Go Mighty Lions! ROAAAR!" Tiling sigaw nila Trisha, Nina at Venice habang iwinagayway pa ni Maui ang banner na personal niyang ginawa. May nakalagay na #1 Marcus Montreal sa drawing nito habang si Tita Margaux naman ay compose na pumapalakpak tuwing naaagaw ni Marcus ang bola sa kalaban.

"Go Kuya! Go Kuya! Go Kuya!" Cute na cheer ni Maui at di na napigilang tumayo at magtatatalon.

Marcus is the Attacking midfielder, Yuki is the Winger, Kairo is the Forward, Gutch is the Center midfielder and Tanako is the Goalkeeper. Nasa kondisyon talaga sila para mag laro at hindi sila pumapalya. Alerto sila at talagang magaling sila sa depensa. Nakaalalay sila sa isa't-isa at tinitingnan nila bawat kilos ng kalaban upang hindi makapuntos.

Naghiyawan ang lahat ng maka goal si Marcus sa unang beses. Napatayo silang lahat dahil sa excitement at ako naman ay lowkey lang na ini-enjoy ang laro.

"Whooooh! Supremo aylabyuuuuuu!" Sigaw ni Venice.

"Nice one, Kingkong!" Sigaw din naman ni Trisha. Kinalabit ako ni Coren at kumindat. Isa din 'to eh. Lowkey lang din kung mang-asar.

Tumingin sa direksyon ko si Marcus at nag finger heart kaya sinabon na naman nila ako ng tukso.

"Waaaaaaah! Si Arken lang ang malakaaas! Bwahahaha." Niyugyog pa ako ni Trisha. Tumayo talaga ito para mahawakan ako. "Tang'ina ka, girl! Kinikilig ako sa inyo!"

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon