Arken POV
"Konti nalang. Kunting-konti nalang at dudukutin ko na talaga yang mga mata nila isa-isa!" Inis na bulong ni Trisha.
I am aware of everyone's stares at me. The rumor between me and Kingkong is spreading in the academy like a wildfire. And now, every girls are sending death glares at me. As if naman takot ako sa kanila. Upakan ko pa silang lahat, eh.
"Don't mind them." Bored kong anas at umupo sa pwesto namin sa cafeteria. Kauupo ko lang ng may maramdaman akong tubig na bumuhos sa ulo ko. Napapikit ako. My patience is really wearing thin.
Ano bang klaseng academy 'to? Buhusan nalang ba ng tubig parati ang alam gawin? Wala na ba talagang ibang maisip na bago? Yung may mas thrill? Wala bang saksakan ng kutsilyo dito? O di kayay barilan. Gusto ko yung dumadanak talaga ang dugo para mas ganahan naman ako. This is so lame! How original!
Mas uminit lalo ang ulo ko ng mismong ulam na talaga ang ibinuhos sa akin. Tumayo ako at hinarap ang nag pasimuno nito. Rinig ko ang malakas na tawanan nila pati na rin ang mga tawanan sa mga studyante sa loob ng cafeteria.
It's lunchtime so I expected na maraming studyanteng nandito at kumakain dahil free hour.
"Ken..." Matigas na agap ni Venice. I stopped her using my hand signal. Not this time.
"Why? Can't handle us on your own? Magpapatulong ka na naman sa back up mo? Such a loser! Ang taas mo ring mag ambisyon noh! Si Supremo pa talaga ang nilalandi mo! Didn't I told you?!5 Akin lang si Supremo! Naiintindihan mo?!" Tinulak-tulak ako ni Stacy. Akmang tatayo si Coren but I signaled her to stop.
Sinampal nya ako at sinundan pa ng ikalawa at pangatlo. Tawanan ang buong tao sa cafeteria.
"Loser."
"Freak."
"Ugly as fuck."
"Ambisyosa!"
"Feeling maganda!"
"Buti nga sa kanya! Ang bago-bago para na kung sino!"
Sinampal ako ulit at binuhusan ako ng coke, juice, tubig. Dahil marami ang fans ng Supremo marami ang natuwa sa ginagawa nila. Nangigigil na ako sa kanila. I smirked and licked my lips. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. They finally drew first blood this time.
"Tama na!" Rinig kong sigaw ni Nina na naiiyak.
Tumayo ako ng tuwid at hinubad ang suot na wig. Malagkit na ito dahil sa samot-saring ibinuhos nila sakin. Inilugay ko ang tuyo at totoong kulay pula kong buhok.
Hinubad ko din ang suot kong salamin dahil basa na ito. Nakita ko na natahimik ang lahat sa ginawa ko. So much for my nerdy get up style look. Hindi pala uso sa kanila ang fashion. How boring!
Ngumisi ako. Yung ngising handang papatay.
"20 vs. 1?" Malamig kong hamon habang nakangisi.
"Bakit?! Lalaban ka?" Sagot ni Stacy na nag lilider-leaderan at itinulak ako pero hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Sa liit nyang yan at sa tangkad ko isang pitik ko lang, lilipad na sya.
Akmang susuntukin nya ako ng inunahan ko sya ng suntok sa mukha kaya ayun asintado! Plakda sa sahig.
"Tsss. Weak." Nakangisi kong sabi at tumingin sa mga natira. Nanlaki ang mga mata nila sa bilis nang ginawa ko pati ang mga studyante sa loob ng cafeteria ay walang naging imik dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
ActionMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...
