Chapter 52

1.4K 78 73
                                    

Marcus POV

"B-Babe.." I whispered.

Lubdubbb.... Lubdubbbb... Lubdubbbb.... Lubdubbb...

My heart is racing so fast. Para akong itinulos sa kinatatayuan dahil sa narinig. Her eyes are void of any emotions but I can feel her radiating anger. She just admitted right to my face that she's deeply hurt.

'Should I be happy and celebrate?'

Tila gusto kong magsuot ng jacket sa lamig ng pakikitungo niya sa akin. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga pinagsasasabi ko kahapon.

'Shit! Kung bakit kasi na-aning na naman ang utak ko kahapon! Edi sana wala kaming problema ngayon! So ano na? Ba't hindi ko maramdaman na masaya ako?! Ito ang gusto ko diba?! Ito ang gusto kong malaman, diba?! Oh, ano na? Happy ka ba, self?' Kastigo ko sa sarili.

Kung hindi lang sana weird na iuntog ko ang sariling ulo sa pader, malamang ay ginawa ko na. Kaso, nasa harap ko siya kaya wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang maganda niyang mukha.

"Allow her." Cyan suddenly intervened. Biglang bumalik ako sa huwisyo. "She's an adult and no longer a minor. She said that she'll take responsibility for her action and will not drag the school down if something bad will happen to her. And I see no problem with that, given the fact that she already give you her consent."

"But, Sir we're just looking out for.."

"No! Allow her." Giit ko naman. "You have her word and mine, too. You can also include my cousin, as well if you want. We can vouch for her and we will take responsibility, too. Just let her swim. Masyado na tayong tumatagal dito."

Napatingin ako sa game marshall na nakakunot ang noo habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Tanda na masyado ng tumatagal ang negosasyong nagaganap.

"Pero, hindi talaga pwe.."

"It's either you let her compete or I'll tell Dad to fire you! And I promise you, I'll make sure of it... Mr. Lamasa." Basa ko sa name tag nito.

"B-But Sir.."

"Allow my girlfriend to compete! Damn it!" Hindi ko na napigilang maibulas dahil baka hindi na talaga ako kakausapin ni Arken kapag tuluyan na itong hindi makakasali.

Hindi naman siguro sekreto na bumabahag talaga ang buntot ko kapag ganyan na ang mukha niya. Hindi ko talaga siya kayang tiisin kahit anong gawin ko. Kahit itanggi ko pa, hindi talaga!

'Si Arken lang talaga ang malakas!' Naisip ko bigla kaya natawa ako sa loob-loob ko.

"Yes, po! Yes, po! Ito po, Ma'am. Pagkatapos niyo pong suotin ito ay pwede na po kayong pumunta do'n sa lane niyo!" Natatarantang wika ng Medical Staff.

"Finally!" I heard Cyan said. Tumingin ako kay Arken na seryosong naglalagay ng rashguard arm sa injured na braso.

'Where did she got that? Who did that to her?!' 

Puno ng katanungan ang isip ko. Nagpupuyos man ang kalooban ko sa galit ay kinontrol ko ang sarili dahil alam kong may atraso pa ako sa kanya at hindi ko pwedeng pangunahan o sapawan ang galit niya.

"Baby, are you sure you can swim?" Tanong ko pero hindi niya pa rin ako kinikibo. Para pa rin akong nakikipag usap lang sa hangin.

"Babe! I'm worried as fuck here! Talk to me, Babe. Please!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kaya medyo tumaas na ang boses ko dahil sa frustration.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon