Chapter 37

1.3K 56 15
                                    

Arken POV

Tahimik akong naglakad patungong car park pero napahinto ako nang makita ko si Marcus na naghihintay sa tabi ng kotse ko. I sighed and looked at his lips.

'Did I hit him that hard last night? Good.'

Napatayo ito ng tuwid nang makita ako. Marahan syang lumapit sa gawi ko habang seryoso ang mukha. He tried to reach out for my hand.

"B-Baby..."

"Stop." I warned. "Don't touch me."

"Baby, let's talk."

"I said stop." Iwas ko.

"Baby, please listen to me first. Let's talk, please." Hindi siya nakinig kaya nilampasan ko siya. Lumapit ako sa kotse ko at binuksan ang pinto para ilagay ang duffel bag. Hawak-hawak ko pa ang kape na ibinigay ni Vince kanina.

"Will you please let me explain first?" Pinaharap niya ako kaya natitigan ko ang gwapong mukha niya. Napatingin ako sa gilid ng labi niyang nagkulay ube.

"Why?" Tipid kong tanong na ikinakunot-noo niya. "Why do you want to explain?"

"Because I want to."

"Why?" Ulit ko.

"Because I don't want you to be upset. Why are you being so difficult, Baby?!" Frustrated niyang sagot.

"Why, Marcus? What are we?" Taas kilay kong tanong.

"We're.. We're..." Hindi niya matapos-tapos ang sinasabi.

"Exactly, Marcus. We're nothing. So don't waste my time and leave me alone. Go back to your so called fiancée."

"You're jealous." Nakangiti na niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Do I need to punch your face again?"

"You are jealous." Ulit na naman nito ng naglalambing habang nakangisi. Proud pa talaga?

"Quit it, Marcus. That won't work. I'm not in the mood to talk right now." Akmang papasok na ako ng kotse nang pigilan na naman niya ako.

"Baby, please..."

"Hindi madaling pawiin ang init ng ulo ko kaya lumayo ka kung ayaw mong ibuhos ko sa'yo itong mainit na kapeng hawak ko. Hindi ako nagbibiro." Seryoso kong banta kaya humakbang siya paatras nang makita niya kung gaano ako kaseryoso. Pumasok ako sa kotse at iniwan siyang laylay ang balikat sa car park.

"Oh? Sabi ni coach magpahinga. Why are you still here?" Nilingon ko si Trisha na nakaupo sa couch. Di ako umimik.

"Sabi ni Butler Jang, kanina ka pa daw dito sa gym. Arken, take a rest."

"I'm resting."

"Resting? Nagti-threadmill? Nagpa-plank? Nagba-bicycle?"

"Tss, ako na naman nakita mo. Guluhin mo si Venice. 'Wag ako." Umupo ako sa sahig para magpahinga. Tumutulo pa ang pawis ko sa sahig.

"Oh, towel!" Hagis niya sa towel ko na agad kong sinalo. "Ano na namang problema nyo ng prinsesang bakla mo? Kayo talaga! Andami nyong away." Di ko siya sinagot at pinunasan nalang ang katawan at mukha kong pawis na pawis.

"Woy! May sinabi nga pala si Gutch sa akin about sa prinsesang bakla mo. About dun sa Grace ba yun? Ahh! Basta yung fiancé..." Sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil siya sa kadadakdak.

"Aalis ka o tatargetin kita ng dumb bells na katabi ko?"

"Heto naman! Di ma biro. Oo na, aalis na." Dumila muna ito bago umalis. I sighed and fetched my phone.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon