Author's Story Time

1.2K 85 261
                                    

Happy 23.3 Reads THE QUEEN!
Happy 1.33 Followers Author na maganda!

Salamat sa pagmamahal niyo sa kwento ni
Arken at Marcus
🎉🎉🎉

⌨️
Please Read

Naks naman! Noong unang isinulat ko ang The Queen ay ako lang ata 'yung nagbabasa ng sarili kong gawa. HAHAHAHA! Sabagay!"SUPPORT YOUR OWN", ika nga. It took me years after I gained 1 thousand reads! And to be honest, nawalan ako ng ganang magsulat dahil feeling ko, walang patutunguhan ang effort ko sa paggawa ng kwento. Sa dami-rami ng stories sa wattpad ay paano ba ako madidiscover ng ibang readers? Nahihiya naman akong magpost sa facebook ko noon dahil hindi ako confident na malaman ng iba lalo na nung family and friends ko na nagsusulat pala ako sa wattpad. I was overthinking na baka pagtawanan nila ako at pagtawanan nila ang novel na pinaghirapan kong buoin.

So, my stories went hiatus for years. Well, nag a-update lang ako once in a blue moon depending on my mood. Hindi ako diligent sa pag a-update kasi wala naman akong readers. Walang comments, walang votes and still 0 followers pa rin ako noon.

So, it left me thinking... Ipagpapatuloy ko pa ba ito? Wala namang nakaka-appreciate ng pagsusulat ko. So, ayun nga, unti-unti ko ng nili-let go 'yung writing and instead, naging reader nalang ulit ako. Feeling ko, ang loser-loser ko talaga kasi ang pangit ng writing skills ko. HAHAHAHAHA. And yes, I get jealous of some other writers. Mapapa-sana all ka nalang talaga! Which I think now is, mali 'yun. Dapat ginagawa ko silang inspirasyon.

Fast forward, it felt magical at feeling ko may paru-paro sa dibdib ko ng makabasa ako ng FIRST COMMENT! Kilig na kilig ako sa isang vote na natanggap ko. Hindi ko inexpect na may nagbabasa na pala ng kwento ko. Pero at that time hindi pa rin ako bumabalik sa pagsusulat dahil nasa isip ko pa rin na, "Ahh, okay! Ang pangit naman ng story ko, hindi din nila matatapos 'to kasi wala namang impact. Hindi catchy, hindi interesting. In short, BORING!", I started to insult my own craft. Wala akong bilib sa sarili kong gawa.

Until such time na naging apat 'yung readers ko, like OMG! Totoo ba talaga 'to? This is what I've been waiting for! Finally! I am gaining reads, votes and comments at last! And they are starting to ask for an update CONSTANTLY! And I make it sure as possible na nagri-reply talaga ako sa comments nila kasi malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kahit hindi nila ako kilala, at kahit hindi naman ako sikat na writer ay nahanap pa rin nila ako dito sa wattpad. Nahanap nila ang storyang pinaghirapan ko at naglaan talaga sila ng oras para magbasa ng gawa ko.

I feel so grateful and honored at the same time.

Dahil sa patuloy naa supporta ng mga mambabasa ko ay na engganyo akong magsulat ulit hanggang sa wakas ay nakatapos ako ng kauna-unahang nobela na ginawa ko at 'iyun ay ang "Disguised Hybrid".

Iilan lang silang readers na sumubaybay sa nobela ko noon. Apat, lima o anim? Pero napakalaking impact ang nagawa nila sa akin. Mas pinagbutihan ko ang pag-iisip ng plot twist at pinaigi ko rin ang aking writing skills.

Kaya napakalaki ang pagpapasalamat ko sa patuloy na sumusubaysay dito sa The Queen. Dahil sa inyo ay mas na-iinspire akong magsulat at tapusin ito. Dahil sa inyo ay patuloy akong magsusulat. Dahil sa inyo ay mas nakakaisip ako ng magagandang scenes and plot twist.

Ang Votes, Comment, Reads, Add to Reading lists ay ang tanging bayad niyo na maibibigay sa mga writer na kagaya ko. Yes, wala kaming pera na natatanggap. Pero 'yung appreciation niyo sa effort namin at ang pagtangkilik niyo sa pinaghirapan, pinag-isipan naming buoin ng ilang buwan ay hindi matutumbasan ng kahit anong halaga.

Salamat po sa patuloy na sumusubaybay ng THE QUEEN! Sana hanggang sa huli ng kwento nina Arken at Marcus ay manatili kayong nakasubaysabay at sa mga susunod pang nobela na bubuohin ko.

Maraming salamat sa inyo, Mahar Babies!

Ooops! Meron paaaaaa. Ahahaha. May tanong pa si otor.

1.Nagugustuhan niyo ba ang plot ng story?

2. Okay lang ba 'yung pacing ng story?

3. Ano ang scene na hindi mo malilimutan?

4. Anong scene ang pinanabikan mong makita?

5. May ideya ka na kung sino ang nag lock kay Arken sa CR?

6. Sino si Graham?

7. Sino ang anak ni Kim Ji Soo?

8. Ano kaya ang gagawin nila Gilbert Paler at Edwardo Gonzales?

9. Ano ang end game ni Tanda?

10. Sino ang tunay na kontrabida? Si Grace o Maureen?

11. Sa lahat ng character, sino ang pinakapaborito mo?

12. Sa lahat ng character, sino ang pinakagigil na gigil ka?

13. Ano ang naiisip mong ending? Hahaha.

14. Papatawarin na ba ni Arken si Marcus?

15. Message niyo sa magandang otor...

Please, comment for me to know kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niyo 💪😂 HAHAHAHA.

Arken lang Malakas!




***
Stay tuned for the next chapters! ❤️

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon