Chapter 9

2K 76 10
                                        

Arken POV

"I really want to end all of them." Inis na anas ni Coren na kasalukuyang nakahiga sa sofa habang nilalaro ang shuriken. After what happened we went home already. Nakakabwiset ang mga tao dun.

"Sinabi mo pa. Sarap tadyakan eh." Gigil na sagot ni Trisha.

"On the other hand, I didn't know na anak pala ni Paler si Jasmine." Nakangising turan ni Venice.

"Right." Si Coren. Tumawa silang tatlo. "Pwede pala natin yung paglaruan."

"Muntik na akong matawa sa reaksyon nilang lahat kanina. Laglag ang panga nila ng sagut-sagotin mo sila, Queen." Natatawang sabi ni Trisha.

"Pero mas epic ang reaction ni Paler ng makita nya si Arken." Nakangising sabi ni Coren.

"Letcheng matanda yun. Gigil na gigil na akong ibato ang dagger ko sa lalamunan nya. Maka-asta parang sino. Bwiset! Bigla namang naging maamong tupa ng makita nya si Arken," Inis na sabat ni Trisha habang kumakain ng pizza. "Isama pa ang nakakaasar na mukha ni Stacy at Jasmine. Queen, di paba natin sila tutuluyan?"

"Oo nga Ken," Nakasimangot na sabat ni Venice. "Kating-kati na ako, oh."

"Ken, anong balak mong gawin?" Si Coren. Nakatingin silang lahat sakin.

I'm silently sitting on the couch with my legs crossed habang iniinom ang pineapple drink.

I'm still fucking pissed and my fist is itching so much. Gusto kong manuntok. Lagot na naman ako kay Daddy kapag nalaman nya 'to. Tiyak na madi-disappoint ko na naman yun.

"Q-Queen." Si Venice.

"Ken." Ani Trisha.

"Queen ang kamay mo." Seryosong sabi ni Coren.

Napakurap ako. Napatingin ako sa basong hawak ko. Hindi ko namalayang dumudugo na pala ang kamay ko dahil nabasag ang baso sa higpit nang pagkakahawak ko. I didn't realized I zoned out again.

"Tsss." Binitawan ko ang baso at inilagay sa maliit na center table. "I want to release my anger now." Tipid kong sabi.

Kanina pa ako kating-kating suntukin yung mga palakang gangster na yun pero yung kabuteng Supremo nila na bigla-biglang na namang sumulpot kung saan-saan ay pinigilan na naman ako. Nakakabwiset talaga ang timing ng unggoy na yun. Nabitin tuloy ako. I stood up and faced them. "Get ready. We're going to Blaze Kyoto." Malamig kong utos at umalis sa harap nila.

Pumasok ako sa kwarto ko at ginamot ang kamay ko. I took a deep breath. Tumayo na ako pagkatapos at lumapit sa walk-in closet para pumili ng susuotin.

I decided to wear a body fitted black tank top, black short-shorts, ankle boots and red leather jacket. I didn't wear any wig tonight. Qouta na ako. Nag lagay nalang ako ng brown hairspray sa buhok ko and for the finale, I applied a dark red lipstick. I checked my reflection in the mirror. I smirked. Smoking hot!

When I felt satisfied with my look, kinuha ko ang maskara kong hanggang ilong lang ang natatakpan at lumabas na ng kwarto. Saktong paglabas ko ay naka ready na rin pala ang tatlo at excited na sa pupuntahan namin.

"Ganda natin ngayon, ah." Nakangiting bati ni Trisha.

"Hmmm.." I shortly answered at nagpatiuna ng lumabas ng bahay. I heard them laughed at their conversation.

"I'll see you three in BK. Bilisan nyo." Sabi ko at pumasok na sa pulang Koenigsegg CCXR Trevita ko na bagong bili galing Japan.

Apat lang ang may ganitong model sa buong mundo. Kaya nga malaking suhol ang ibinigay ko kay Kuya ng mabili nya ito.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon