Chapter 33

1.3K 57 24
                                    

Dedicated to
rararaeven

Arken POV

"Prrrrrt!" Nang marinig ko ang pito ay agad akong nag dive sa pool at mabilis na lumangoy. Ang goal ko ngayon ay i-beat yung time record ko last time.

Dapat ko talagang galingan sa Interschool na'to hindi dahil sa napi-pressure ako sa mga sinasabi ng ibang tao, kung hindi dahil personally, ayokong maging talunan.

I was trained to be the best at all times at isang malaking insulto at sampal para sa akin kung matatalo lang ako dito. 800m freestyle at 400m individual medley ang category na naatas sa akin kaya puspusan talaga ako sa pagpapahangin lalong-lalo na sa diet ko.

I flipped and swim faster towards the edge of the pool then back again with another flip and repeat. Paulit-ulit na stroke hanggang sa ilang beses na pababalik-balik na parang isda sa bilis.

When I finished my lap ay agad kong hinubad ang google para i-check yung oras ko. Hingal na napailing ako nang umahon sa pool. Agad naman na binigyan ako ni Venice ng towel at robe. I murmured a thanks and she nodded her head.

"7:35.81. Not bad! You're doing a great job, Arken! Maintain the hunger for success and you will win this." Bulas ni Coach Cordova. Nagpalakpakan ang lahat. Hindi ako umimik. Di ako na-satisfied sa oras ko. I could have done better.

"Next! Cyan! Come over here! Arken, take a rest." Tawag nito sa lalaki na kanina pa titig na titig sa akin. Tumalima naman ako sa gawi nila Coren.

"Yes, Coach!"

"Faster! Position." Utos ni Coach dito. Umupo ako sa bench at marahang sinipa ni Trisha and binti ko.

"Don't push yourself too much. We'll get the hang of it. Relax, kanina ka pa. Ipahinga mo yang mga braso mo."

"Hmm." Mahinang tugon ko. Tiningnan ko si Cyan na nag dive sa pool. Pulido ang bawat strokes nito at makikitaan ng lakas at determination bawat kampay sa braso at paa. Siya ang pambato sa 400m individual medley male category. Natapos si Cyan at nakita namin ang oras nya sa paglangoy ay 4:15.76. Nagpalakpakan ulit ang lahat.

Napayuko ako at inisip ang plates na gagawin ko mamaya. Napatingin ako sa oras at medyo na bigla ako ng makita kong malapit na palang mag alas otso ng gabi. Naalala ko si Marcus, tapos na kaya sila sa field? Wala sa akin yung cellphone ko, nandun sa locker kaya hindi ko sya mati-text. Medyo gutom na din ako kasi di pa ako nadi-dinner.

Tinawag na yung team nila Venice para sa 400m medley relay. Sila na naman yung inorasan ni Coach habang kami naman ay nagpapahinga. Mabilis ang naging pagkilos nila sa paglangoy. Una si Trisha, tapos si Audrey, pangatlo si Coren at pang-apat si Venice.

"So, it's Marcus, huh?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Cyan sa gilid ko.

"What about him?"

"So he is the guy." Nakangiti pa ito. Epal talaga.

"What nonsense are you talking about?"

"What I mean is that he's the guy that you've been constantly talking with on your phone these days. Are you two dating?" Wow! Small talk. Hindi ako nagsalita. Hindi ako required na mag report sa kanya tungkol sa buhay ko. Umupo ito sa katabing bench.

"We're back at it again." Narinig kong mahinang wika niya at bumuntong hininga. "Masaya ka ba sa kanya? Matagal na ba kayo? I heard he bullied you before. How come?" Sunod-sunod nyang tanong.

"I don't recall the need to tell you everything about my life." Prangka kong sagot. "My life is my business. Focus on yours." Tumayo ako para iwan sya pero hinawakan nya ako sa pala-pulsuhan.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon